Content Warning: The following scenes contain alcohol drinking & foul words. Readers discretion is advised.
Jio's POV
"Sa wakas! Nadinig na rin ang aking panalangin!"
Tumingala pa si Stell sa langit—este kisame habang nakalahad ang mga palad nito. Kulang na lang ay lumuhod siya. Siraulo!
Napuno na naman ng tawanan ang buong bahay. Buti na lang talaga at wala sina Tita at Tito kun'di mapapalayas talaga kami ng dis oras ng gabi. Umuwi na rin ang mga kasambahay kaya kami lang talaga ang nandito ngayon.
"Okay. Ako na magbibigay ng dare kay Kian ha." Oo kay Kian tumapat. Kala niyo naman sa akin.
"Inako mo na lahat Stell." Pagrereklamo ni Josh.
"Eh sa mas maganda ang dare ko. Ano ba sa'yo?"
"Magmeeting muna kaya kayo?" Haha May ayaw nalalamangan eh.
"Sige na. Ikaw na. Baka umiyak ka pa eh." Sana lang hindi mauwi sa pikunan ang asaran nila.
"I dare you to kiss Jio—"
"Hoy Stell! Sumusobra ka na ha!" Oo ako unang napikon. Nakngtupa ka Stell!
"Hindi pa nga ako tapos beh. Grabe ka naman makareact." Napaupo ako pabalik sa upuan ko. Nagpipigil naman ang tatlo ng tawa dahil sa naging reaksyon ko.
"Uulitin ko ha. May nagrereact agad eh. I dare you to kiss Jio on the forehead. ON THE FOREHEAD lang ha! For 20 seconds. Dare or Drink?"
Sure naman akong iinom si Kian. Kanina pa 'yan gustong uminom eh. Kalabit ng kalabit sa akin na isang bote lang daw. Syempre hindi ko pinagbigyan.
Ngumiti ako ng mapang-inis kay Stell dahil alam kong hindi siya magtata—
"Dare."
TANGINA?!
Pinaghahampas ni Stell si Paulo na katabi lang niya. Bigla siyang napahinto dahil sa katangahang nagawa niya. Nagsorry pa siya kay Paulo at sa mesa na lang tinuloy ang paghahampas.
Sumasayaw pa si Josh na kala mo sinilihan at si Pau naman nakikisigaw rin sa kanila.
Tiningnan ko ng masama si Kian pero nagkibit balikat lang ito na para bang wala siyang ginawang kagimbal-gimbal.
"Drink daw sabi ni Kian. Mga bingi lang kayo." Napatigil silang lahat at tiningnan ako ng matatalim. Kulang na lang sakalin nila ako.
"'Wag mo kaming pinagloloko Jio. Rinig na rinig namin. Walang bawian 'no!" Angal ni Josh.
"I said dare. NOT drink. Hindi naman mahirap ang pinapagawa nila ah." Isa pa 'to. Sasapakin ko na talaga 'to si Kian eh. 'Wag niyo akong pigilan!

BINABASA MO ANG
Hoy Panget! | A KENTIN AU
FanfictionA cliché story of love & friendship . . . Oh! Let's not forget their chaotic friends!