Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Jio's POV
"Ano'ng nangyari sa dalawa?" Tanong ko kay Josh na tahimik lang din. Kanina ko pa napapansing hindi nag-iimikan sina Stell at Paulo simula nang bumalik kami sa room.
"Away bata lang." Tiningnan ko siya ng may pagka-unconvincing look.
"Magbabati rin 'yan mamaya." Dagdag pa niya.
Kami pa lang apat ang nandito sa room at ibang mga kaklase namin. Si Kian at Andrei ay wala pa simula no'ng umalis sila para mag-usap.
Ilang sandali pa ay dumating na silang dalawa. Ng sabay.
"Okay ka lang?" Magkasalubong na naman ang kilay niya nang umupo siya sa tabi ko. Tumango lang siya bilang tugon.
Natapos ang pinakahuling exam namin at halos mabunutan na kami ng tinik sa lalamunan. Pasakit talaga ang exams!
Habang nagliligpit kami ng mga gamit namin ay mahahalata pa rin ang bigat ng hangin sa pagitan ni Stell at Pau. Ano kaya ang nangyari sa dalawang 'to?
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.