HP! 19

367 9 0
                                    

Jio's POV










Niyakap niya ako ng mahigpit kaya para akong nanigas sa kinatatayuan ko dahil sa bigla at rinig na rinig ko rin ang pintig ng puso ko. Sigurado akong rinig din niya ang tibok ng puso ko dahil sa nipis ng damit na suot ko at siya naman nakatopless pa.






Tama nga siya, nawala na ang panlalamig ko. Yakap lang pala niya sapat na. Eme.






"Nilalamig ka pa?" Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin. "O ba't namumula 'yang pisngi mo?" Natatawa niyang tanong.







"Ewan ko sa'yo panget! Lumabas ka na nga!" Pagalit kong pagtataboy sa kanya.







"Akala ko ba nilalamig ka? Tapos ngayon mainit na naman 'yang ulo mo." Pang-iinis niya.






"Bakit bigla-bigla ka na lang nangyayakap?!" Naniinis na ako sa kanya! Lumalambot na naman ang puso ko eh!






"Nabasa ko kasi mas effective ang body heat pampaalis ng lamig."






"'Wag ka nang magbasa panget. Hindi bagay sa'yo. Kung anu-ano na lang nababasa mo eh."







"'To naman! Parang hindi sanay nang niyayakap." Hirit pa niya.






Oo nga 'no? Hindi naman bago pero ngayon kasi medyo nakakailang lang. Pareho kasi kaming basang basa tapos topless pa siya. Lamnyonayun!






"Lumabas ka na. Maliligo na ako." Pinagtutulakan ko na siya palabas ng kwarto. Aangal pa sana siya pero sinarado ko na ang pintuan at nilock ito.






Pumasok na rin ako sa banyo at naligo. Habang nasa kalagitnaan ako nga pagliligo ko ay nakarinig ako ng malakas na katok. Si Kian na naman kaya 'to?






Binilisan ko na lang ang pagligo dahil palakas ng palakas na ang katok. Pagkalabas ko ng banyo ay binuksan ko agad ang pintuan.





"Beh, paalala lang ha roommate tayo. Kanina pa ako naninigas sa lamig dito." Reklamo ni Stell. Napasapo na lang ako sa noo ko ng mapagtantong kasama ko pala si Stell sa kwarto.






"Sorry! Si Ki—Pasok ka na. Hehe" Tiningnan niya ako ng may paghihinala.





"Maligo ka na doon." Pinagtutulakan ko na siya papuntang banyo para hindi na niya ako usisain pa.






Content Warning: The next scenes contain alcohol drinking and foul languages. Readers discretion is advised.







"Let's Party!" Naghiyawan ang lahat maliban sa akin. Napailing na lang ako. Sure akong may malalasing talaga ngayong gabi.






"'Wag ka ng KJ diyan Jio. Minsan lang 'to. Tsaka ang tagal na nating hindi umiinom." Pangungumbinsi ni Josh.






"Para fair. Ang first shot ay kay Jio." Naghiyawan na naman sila at nilagay ang isang baso sa harapan ko.






"At paano naging fair 'yon?" Tanong ko sa kanila.







"Andami pang tanong eh. Inumin mo na, nauuhaw na kami." Inirapan ko sila saka ininum ang isang basong beer.






"Yown! Pakipot pa eh." 'Tong mga 'to talaga! Parang isang taong hindi nakainom. Punuan ang baso kung makatagay!






Hoy Panget! | A KENTIN AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon