Jio's POV
"At paano naman nasali si Rhea sa usapan?" Kunot noo niyang tanong. Hindi ko alam kung may halong inis ba 'yon o wala.
Ewan ko ba pero bakit ang sakit no'ng banggitin niya ang pangalan ni Rhea? Para kasing pinagtatanggol niya.
"Wala." Tumalikod na ako sa kanya at bumalik sa kusina para ligpitin ang mga pinakainan ko.
"Jio" Naramdaman ko ang mainit niyang mga kamay sa braso ko at pinaharap niya ako sa kanya.
Pilit ko namang pinipigilang kumawala na naman ang mga luha ko. Masyado pang sariwa sa utak ko ang nakita ko kahapon. Pangalawang beses ko na kayong nakitang magkasama at sa mga oras pa na 'yon hindi tayo okay na dalawa.
"Jio ano ang ibig mong sabihin? Bakit si Stell binanggit rin si Rhea?"
"Wala nga sabi. Sige na maghuhugas pa ako ng pinggan." Instead na bitawan ako ay mas hinigpitan pa niya ang pagkakahawak sa akin.
"Please naman Jio, magsalita ka naman oh. Naguguluhan na rin ako."
"Gusto mo talagang malaman?" Nanginginig na ang boses ko at nasa pinakadulo na ako ng pagpipigil ko ng luha. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang pigilan ito.
"Jio" Napansin na rin niya siguro ang pag-iba ng boses ko at halatang nag-aalala na siya.
"Alam kong hindi tayo okay nitong mga nakaraang araw, pero hindi ko inaasahan na aabot ng ganito ka tagal." Huminga muna ako ng malalim dahil sa nagbabadyang mga luha.
"Hindi ko alam kung bakit hindi ka nagpasa ng FS mo. Hindi ko alam kung ano'ng nangyari sa inyo ni Andrei na kagrupo mo. Hindi ko alam kung bakit iniiwasan mo ako after no'n." Hindi ko na napigilang lumuha.
Lahat ng sakit na naramdaman ko noong mga nakaraang araw ay ibinuhos ko na sa kanya. Kailangan ko ng kasagutan.
"Hindi ko alam kung bakit si Rhea ang kasama mo no'ng mga oras na hindi tayo okay. Hindi ko alam. Naguguluhan na rin ako sa'yo. Bakit ba Kian?" Napahagulgol ako ng iyak nang yakapin niya ako.
"Jio I'm sorry. Tahan na." Hinahaplos niya ang likod ko habang nakayakap sa akin.
Namiss ko 'to. Namiss ko ang mga yakap mo.
Hinayaan lang niya akong umiyak hanggang sa mahimasmasan ako. Pagkatapos ay pinunasan niya ang mga luha ko.
"Baka sumakit na naman 'yang ulo mo kaiiyak." Pinaupo muna niya ako at tsaka kumuha ng tubig. "Inumin mo muna 'to." Kinuha ko ang basong may tubig at ininom ito. Binalik ko rin sa kanya ang baso pagkatapos.
Kumuha siya ng upuan at umupo sa harap ko.
"About kay Rhea, hindi kami, okay? Kailangan lang niya ng may tuturuan siya para sa practical exam nila at timing naman na nakita niya ako. Nakakahiya namang tumanggi kaya tinulungan ko na lang siya."
"Kasama ba doon na dapat samahan mo siyang kumain?"
"Ha? Nakita mo kami?"

BINABASA MO ANG
Hoy Panget! | A KENTIN AU
FanfictionA cliché story of love & friendship . . . Oh! Let's not forget their chaotic friends!