"Panget! Jio! Sandali lang!" Naglakad ako ng mabilis papuntang elevator.
Nakakainis! Alam ko namang mayaman sila at hindi problema ang pera sa kanya pero matagal ko nang sinasabi sa kanya na 'wag siyang mamuhay na parang laki sa layaw. Ang hilig pang uminom, ilang beses ko nang sinabihan pero ayaw pa rin paawat.
Naramdaman ko ang kamay niya sa braso ko kaya napatigil ako sa paglalakad. Pagkatapos ay pinaharap niya ako sa kanya.
"Bitawan mo ako Kian Suson." Mahinahon kong sabi sa kanya pero pinipigilan ko lang talagang sumabog ako.
"Sorry na. Hindi na mauulit promise." Nakanguso niyang sabi. Akala mo cute-cute nga naman. Ang sarap tisirin!
"Nakailang promise ka na sa akin?" Tanong ko sa kanya kaya napakamot siya sa batok niya. Guilty.
"Last na talaga 'yon promise. Balik na tayo sa loob." Tinaas pa niya ang kanang kamay niya.
"No, uuwi na ako." Sabi ko sa kanya at tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa sa braso ko.
"Panget naman eh. Sige ka. Kung ayaw mong pumasok sa loob edi ako na lang sasabay papunta sa dorm mo."
Alam na alam talaga ni Kian paano ako inisin. Bwisit!
Alam kasi niyang bawal ang outsider sa dorm. Ilang beses na siyang nagpumilit na papasukin ko raw siya sa dorm ko pero ayoko namang makick-out 'no! Pahirapan pa naman humanap ng dorm na mura ngayon. Lalo pa't andaming freshmen at transferees.
"Ang pangit mo." Sabi ko sa kanya at naglakad pabalik sa condo niya.
Ngumiti naman siya ng malapad na akala mo nanalo talaga siya.
"Uy bati na ang lovebirds!" Bungad ni Stell ng makabalik kami sa loob. Si Josh nakatulog na sa sofa.
Inirapan ko lang siya kaya napazip siya sa bibig niya.
Tinapos na lang namin ang pinanuod namin. Hindi na namin namalayang gabi na pala kaya napagdesiyonan naming umuwi na.
"Hatid ko na kayo." Sabi ni Kian.
"Hindi na lang sinabing hatid na kita panget. May pa kayo pa." Hirit ni Stell.
"Ang aarte niyo talaga. Sige si Jio na lang ihatid ko."
"Wala akong sinabi ha." Sabi ni Josh habang humuhikab pa. Bago lang din kasi siya nagising.
"Me too." Pagsang-ayon naman ni Paulo at tuluyan na nga nilang nilaglag si Stell.
"Ang sasama niyo! Magsama kayong lahat! 'Di joke lang! Hehe Tara na!" Nagtawanan na lang kami. Mapapailing ka na lang talaga sa mga ito.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.