HP! 16

453 11 0
                                        

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.










Jio's POV







Nang makarating na ang dalawa naming hinihintay ay naglakad na kami papuntang faculty office. Ngayon na namin kakausapin si prof.





Kumatok muna kami bago pumasok. Buti na lang at nandito pa si prof. Lumapit kami sa kanya at binaba niya ang reading glasses niya para tingnan kami.





"What are you doing here?" Bungad niya sa amin.





"Good morning Prof. May hihilingin lang po sana ako. Na sana bigyan niyo pa po ako ng chance na makapasa ng requirements ko kahit ako lang mag-isa." Tumaas ang kilay ni prof habang pinapakinggan si Kian.






"What requirement?" Kumunot ang mga noo namin dahil sa tanong ni prof.






"FS po." Sagot ni Kian.






"FS? You already submitted your FS together with Andrei right?" Nagkatinginan kaming lima dahil sa narinig. Ang pagkakaalam namin ay tinanggal ni Andrei ang pangalan ni Kian sa FS nila kasi hindi na sila nag-uusap dalawa.





"Po? Akala ko po—"





"He's even the one who asked me to pair him with you." Gulat na gulat kaming lima at halos mapamura pa si Stell. Mabuti na lang at natakpan agad ni Paulo ang bunganga niya.





Sinabi namin kay prof na magpapasa pa rin si Kian ng FS kahit na nando'n pa rin ang pangalan niya kasi hindi naman natapos ni Kian 'yon pero sinabi niya na hindi na raw kailangan. Nabunutan naman kami ng tinik sa dibdib pero nagugulumihanan pa rin ako sa mga rebelasyon.













"Una pa lang ayoko na talaga sa Andrei na 'yan eh." Saad ni Kian.






Nandito kami ngayon sa music club nila Paulo at Stell. Kami lang dito at wala ang mga clubmates nila.






"Parang ang daming hindi magandang motibo." Dagdag pa niya.






"True. Medyo creepy na rin. Paano niya napa-oo si prof na ipagpares kayo? Very strict pa naman 'yon." Pagsang-ayon ni Stell.







"Kaya pala sinabi niya sa akin na he did it his way. Naguguluhan pa ako dati kasi ayaw niyang sabihin sa akin. Ngayon malinaw na. Isa 'yon sa mga ginawa niya para mapalapit sa akin."







"Sinabi niya 'yon? Nagagawa nga naman ng pag-ibig." Napailing na lang si Josh.






"Anyway, atleast ay hindi na kailangan ni Kian magpasa ng FS. Midterm na nextweek at wala na tayong time para gumawa." Sabi ko naman. Tumango naman sila.






Hoy Panget! | A KENTIN AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon