HP! 12

379 11 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.












Stell's POV








Ilang araw nang malamig ang pakikitungo ng dalawa, or should I say ni Jio kay Kian. Alam kong masama ang loob niya kay Kian dahil hindi ito nagpasa ng requirement na FS sa isa naming subject na partner niya si Andrei.





Ito namang si Kian, hindi na rin masyadong sumasama sa amin. Parati na lang nauunang umalis. Wala tuloy kaming tagahatid. Ems.





Si Andrei rin, parang kakaiba ang mga kinikilos nitong mga nakaraang araw. Hindi na siya tumatabi sa amin. Parati ring nakasunod ang mata kay Kian. Kapag inaapproach niya si Kian ay umaalis ito agad.






Ano ba'ng nangyari sa kanila? Humihina na yata ang radar ko ngayon? Hindi na ako nakakahagilap ng chika eh.





"Una na ako guys." Pagpapaalam ni Jio sa amin. Isa pa 'to. Hindi na rin namin madalas nakakasama.






Nakapagtataka lang na nakayanan nilang dalawa ngayon na hindi nag-uusap. Usually naman hindi nila pinapatagal kung may hindi sila pinagkakasunduan.






Pagkaalis ni Jio ay kaming tatlo na lang ang naiwan. Maggugroup study sana kami ngayon kasi malapit na ang midterm exam namin pero mukhang magseself study na lang.






"Tumatagal na ang away nila. Wala ba tayong gagawin?" Tanong ko sa kanila.






"Oo nga. Mas okay pa na parati silang magbangayan kaysa hindi sila nag-uusap. Nakakabingi na rin." Pagsang-ayon ni Josh.






"Alamin muna natin ang problema nilang dalawa. Wala tayong kaalam-alam sa mga nangyayari eh. Mahirap naman na tumulong tapos mas makakasira pa pala tayo." Sabi ni Paulo.






"Ako na kakausap kay Jio." Sabi ko sa kanila.







"Ako na kay Kian." Sagot naman ni Pau.







Hoy Panget! | A KENTIN AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon