HP! 21

474 14 0
                                        

Content Warning: The following scenes contain alcohol drinking & inappropriate words not suitable for young readers. Readers discretion is advised.













Stell's POV









Napatakip ako ng bibig ko ng dare instead of drink ang nasabi ko. Buset na bibig 'to! Lasing na talaga ako!







"Lakas ng loob natin ngayon ah! Tinamaan ka na ba?" Natatawang tanong ni Josh.








"Drink kasi dapat 'yon eh!" Pagrereklamo ko.






"Walang bawian dito Stell kung ayaw mong matulog sa labas ng kwarto!" Hirit ni Kian. Laro ko, ako rin ang nadadali. Putek!






"Game na! Dali!"







"Masyado ka namang maligalig Jio. Porke't nakakalamang ka ngayon." Tinawanan lang ako. May pahawak-hawak pa sa tiyan niya.








Nilapit ko ng kaunti ang upuan ko kay Paulo kaya walang humpay na panunukso na naman ang natanggap namin. Si Paulo naman hindi na maipinta ang mukha. Buti na lang hindi ako painter. Eme.






"Bilis na Stell. Hawakan mo na ang kamay ni Paulo." Mga atat! Humanda kayo. Gaganti ako ng bonggang bongga!







Bakit ko ba 'to naisipang laruin? Tapos hindi pa kami okay ni Pau? Ugh! I hate myself!








"Ito na nga eh! Hindi ba uso ang hintay sainyo?" Sabay sabay silang sumagot ng hindi maliban kay Paulo na seryoso lang ang mukha.






Kinuha ko ang kamay ni Paulo ng walang pasabi at hinawakan ito pero mga reklamador 'tong mga ungas na 'to. Kailangan daw naka-intertwined. Langya!






Wala na akong nagawa kundi sundin sila. Tinakpan ko na lang ang mukha ko ng isang kamay ko habang hinihintay na matapos ang oras.







"Hoy! 30 seconds lang ha! Hindi 30 minutes!" Ang tagal! Sure akong naka isang minuto na eh.







"Malapit na. Konti na lang." Natatawang sabi ni Josh. Pinagkaisahan talaga nila ako.






"26 27 28 29 30!" Nagbilang pa ang tatlo para kunwari totoo talaga! Apaka talino!







Bago ko binitawan ang kamay ni Paulo ay naramdaman kong pinisil niya ng marahan ang kamay ko.






Guni-guni ko lang ba 'yon? Pero naramdaman ko talaga eh! What the heck!








Nilayo ko kaagad ang upuan ko sa kanya at bumalik sa dati kong pwesto. Pinahid ko ang kamay kong basa ng pawis sa shorts ko.









Sino ba kasing hindi pagpapawisan ang kamay kung si Paulo—I mean kung hindi kami nagpapansinan ni Paulo? Ang awkward kaya. 'Di ba? Dapat gets niyo 'yon!






"Tama na ang laro. Matulog na tayo." Napatayo ako bigla dahil sa sinabi ni Jio. Siya pa lang hindi nakakapagdare eh. Daya!








"Hoy beh! Hindi ako papayag! Ikaw lang ang hindi nakapaglaro sa atin." Pagrereklamo ko.







"Kasalanan ko bang malas kayo? Problema niyo na 'yon!"







Hoy Panget! | A KENTIN AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon