Nagising ako nang marinig ang mga kuluskus sa buang paligid. Nang mabuhay ang aking diwa ay naramdaman ko kaagad na humapdi ang aking tiyan...
"Nako, panigurado, malala patong nito sa atin at buntis pala itong si Ineng"
"Nakaka awa nga eh pero kailangan ko ng pera ngayon at wala na akong pang bili ng shabu mamaya. Buti nalang talaga, nag go sign na si Boss"
"Wag mong i mention iyon at alam mo namang politiko. Bobo naman kasi nitong Mayor Montenegro, alam na tatakbo siya sa politika, hinahayaan lang umiiyak ang anak sa kalsada at buntis pa!" Narinig ko pa ang tawa nila
"Kapag ba pinatay natin ito, tapos na trabaho natin?"
"Sabi ni Boss, wa na muna daw patayin. Kapag nalang daw bumaba si Mayor Vincenzo, duon lang daw natin patayin at isunod si Mayor" may aliw pa sa kanilang mga boses na parang aliw na aliw sila sa kasamaan nila
I cried silently. I was aware that I am being kidnapped and we already expected this to happen even before but bakit ngayon pa? Ngayon pang madadamay ang anak ko?
"K---Kuya.... W---Wag nyo po muna akong papatayin ha? K---kahit anak ko nalang po, buhayin ninyo. Wala po siyang alam. P---paanakin niyo lang po ako, panigurado po malapit na. P---please po, parang awa niyo na" I was really desperate. Kahit ako nalang. Wag lang iyong anak ko. Hindi ko kaya... Okay lang. Kahit torture pa gawin nila sa akin okay lang.
Napatingin sa akin ang isang lalaki at ngumiti "O, gising na pala si Ganda! Wag kang maingay diyan para hindi namin maisipan na barilin una iyang tiyan mo"
I felt my world stop as my fear invaded my whole being na katawan ko na ang agad na nakinig sa kanila. Hindi gumalaw at hindi makapag salita ang aking bibig. Umiiyak lang ako habang iniisip ang anak ko...
Lord, kahit ako nalang po... Wag ang anak ko... Just please... Listen to my prayers, Lord. Kahit ngayon lang... Okay lang po, kahit patayin nila ako pagkatapos kong manganak. Kahit gahasain pa nila ako, buong puso akong hindi maglalaban, basta lang, wag nilang idamay ang anak ko....
I don't know how long I cried. Dinadalhan lang nila ako ng pagkain sa gabi at dalawang gabi ang lumipas iyak parin ako ng iyak dahil sa takot at kirot ng aking tiyan. Hindi ako makatayo o maka galaw man lang dahil napaka higpit ng pagkaka tali nila sa akin and I never plan of escaping. I won't risk.
Eren... Please, kahit anak nalang natin... Pa, please.... Anak ko nalang iligtas ninyo. Please save my child...
"O kumain ka na at akoy naaawa na sa iyo. Wala atang pake sayo Papa mo. Last na bukas kung wala parin ay papatayin ka nalang namin" walang awang sabi ng lalaking nagbigay sa akin ng pagkain.
Nanlaki ang aking mga mata at umiling iling. Umiiyak.
"W-Wag po, p---parang awa niyo na. Iyong anak ko... Paanakin ninyo po muna ako. M---maawa naman po kayo sa anak ko, may anak din po kayo kaya sana---" Hindi na ako pinatapos nito dahil imbes na pakainin ako ay nilagyan ng scotch tape ang aking bibig.
"Tumahimik ka at naririndi na kami sa kakaiyak at pagmamakaawa mo! Kasalanan ito ni Mayor na Papa mong walang pake sayo! Wala ka bang asawa, Ineng at parang okay lang naman sa kanilang mamatay kayo ng anak mo dito at huwag mo idamay ang anak ko dito! Trabaho lang. Mabuti kasi kayong mga mayayaman, ma-pera. Hindi na kailangan kumapit sa patalim!"
I was crying the whole day, and then the night came. Everyone was panicking.
"Putang ina! Kunin mo iyong buntis na anak! Para patakasin tayo. Putang ina! Ang dami nila! Hindi natin kaya iyon. Sampo lang tayo, daan ang kasama nila! Puta may sniper silang dala!" Rinig ko ang takot at balisa sa boses ng lalaki na mukhang nasa labas ng kwarto.
YOU ARE READING
Eren Pierce Salazar
No FicciónTrigger Warning: Physical and Mental Abuse/ Dramatic Maria Gracia Montenegro is a girl who's always in pain but never forgets to smile. A girl, who understands everyone, but can't understand the path she wants because the only thing she wants to und...