Avery POV
Pagkatapos ng pagtuturo ko kay Ellie bigla niya akong hinila plabas ng bahay. Hindi ko nga alam kung pwede ba kaming lumabas kasi alas singko na ng hapon, malapit na mag agaw dilim.
"Marunong kabang mag-drive?" Tabong ni Ellie sa akin habang inaabot ang susi. Tumango naman ako bago ko inabot iyon.
Naglakad siya papuntang kabilang side at pumasok sa passenger seat habang ako naman ang sumunod at pumasok sa driver seat. Matapos non pinaandar kona ang sasakyan.
Maya-maya pa nang makarating kami sa guardhouse bigla kaming hinarang ni Manong Antonio kaya ihininto ko ang sasakyan sa harapan niya.
"Ma'am Ellie, saan kayo pupunta?" Tanong niya. Napatingin naman ko kay Ellie dahil hinihintay ko kung magdadahilan ba siya o magsasabi ng totoo.
"Bibili lang kami kape para kay dad." Napailing ako. Mahit nag sabi siya ng totoo hindi manlang marunong gumalang ang batang ito.
"Pero Ma'am hindi po pwede, pinagbabawal ni Sir Albus umalis ka lalo na't ganitong oras." Napansin kong napairap si Ellie sa hangin.
"Kuya nantito naman po ako eh, hindi ko siya pababayaan, promise at saka saglit lang talaga kami." Sa pagkakataon na ito ako na nagsalita. Natigilan siya pero maya-maya pa naglakad siya papuntang gate saka kami pinagbuksan.
Pareho kaming napangiti ni Ellie.
"Ellie no funny business ha, ako malalagot pag may nangyari sayo," pagbaling ko sa kaniya habang nagda-drive parin ako.
"Para namang makakawala ako, beside tutulungan nga kita hindi ba?" Halata ang irita sa kaniyang boses kaya naman napailing nalang ako pero inangat ko ang aking hinliliit.
"Anong gagawin diyan?" Tanong niya nang tinapat ko ito sa kaniyang mukha.
"Promise me." Nagpakawala siya ng buntong hininga bago nakipag pinky swear sa akin.
Mas napangiti ako. Alam ko naman kahit demonyita ugali niya may side parin siya na ayaw niyang ipakita sa amin, kung saan napaka soft side nito.
Natahimik na kami pagkatapos non.
Nang makarting kami sa mall nag-park lang ako sa parking lot tapos sabay na kaming bumaba ng kotse.
Wala kaming imikan habang naglalakad. Ewan koba, katulad siya ng daddy niya napaka-cold din ng personality niya, sa mga taong hidni niya ka-close.
Nang makarating kami sa coffee shop napalingon na ako sa kaniya. "Anong coffee gusto ni Sir Albus?" Tanong ko habang nakatingin sa may counter,bnamimili kasi ako sa menu.
"Espresso," bored na sagot niya. Tumayo ako sa may upuan.
"Dito kalang ha," pagpapaalala ko.
"Yeah, yeah just go." Tinitigan ko lang siya, nakapalumbaba siya habang nakatitig sa may menu. Nang makuntento ako naglakad na ako papuntang counter para mag order .
"What your order maam?" Tanong sa akin. Sinabi ko naman ang gusto ko sa kaniya, isang order ng espresso, isang order ng cappuccino at isang order ng ice caramel macchiato.
Hinintay ko nalang oder ko, boring din naman, hidni din naman ako kakausapin ni Ellie pag bumalik ako doon.
Maya-maya pa dumating na din order ko kaya naglakad na ako papunta kay Ellie pero palapit palang ako nang makita ko si Ellie na may kasagutan, nakatayo ito sa harapan ng isang lalaki na sa tingin ko kasing edad lang niya.
Mabilis akong lumapit pero bago palamang ako makalapit napansin kong itunulak ng lalaki si Ellie dahilan upang matumba ito.
Tumitingin na ang customer sa kanila.Inilapag ko ang order ko sa occupied table. At mabilis na tinulak ang lalaki.
"Hoy anong ginagawa mo ha!" Bulyaw ko bago ko nilapitan si Ellie upang tulungang tumayo.
Nanlalaki ang mata ng binata. "He's my schoolmate. He's bullying me, telling that my parent doesn't love me!" Matilim ang mata na ibinaling ni Ellie sa lalaki ng kaniyang tingin.
"Totoo naman ah, iniwan ka ng mama mo hindi ba? Tapos yung dad mo never umattend sa family activity sa school." Sa pagkakataon na ito sinamaan ko na siya ng tingin.
"Hoy ikaw bata ka, saan mo naman nalaman iyan ha? Kabata bata mo palang nangengealam kana sa buhay ng iba, hindi kaba pinalaki ng magulang mo at ganyan ugali mo?" Pagbabara ko. Naramdaman ko naman na medyo hinila ni Ellie ang kamay ko siguro para pigilan ako.
"Bakit nangengaalam kadin. Ang sungit lang naman niyang si Ellie kaya sinabi ko iyon."
"Sino ba magulang mo at makausap nga." Pananakot ko, nabakas naman ang takot sa kaniyang mata.
"What happening here?" Bigla kaming napalingon. Nanlaki ang mata ko nang masilayan ko ang isang lalaki na may hawig kay sir Albus, may salamin siya pero hindi natatago ang mala anghel niyang mukha.
"Tito!" Biglang tumakbo si Ellie sa kaniya at niyakap ito.
"Bakit may kaguluhan dito?" Tanong niya bago napatingin sa amin.
"Napaaway lang naman si Ellie, pasensya na hindi ko nakita agad." Sagot ko habang nakayuko.
Napatingin siya kat Ellie. "Ellie tumawag sa akin dad mo, hindi ka nagpaalam sa kaniya right?" Tahimik na tumango si Ellie.
"Go homw, ako na kakausap sa batang ito pero nasabi kona din sa dad mo nangyari." Sumangayon nalang kami at umalis doon, kinuha ko ang binili ko.
Nang makalabas kami, natigilag ako nang biglang tumili si Ellie at nakipag-apir pa sa akin.
"Ang galing mo dun! Alam mo ngayon ko lang nakita na natakot iyon, papansin kasi yun, lagi nalang niya ako inaasar about my parents." Ngayon ko lang siya nakita na ganito kaya napangiti ako.
"Pag may ganun pa na magaaway sayo, you can tell me bubunutan ko sila ng sungay." Natawa kaming pareho na para bang walang naghihintay sa aming sakuna.
Nang makarating kami sa kotse pinaandar ko agad iyon.
"Alam mo maganda ka naman pala kasama eh, bakit hindi ka sumama sa amin ng mga kaibigan ko?" Tanong niya. Mabilis naman akong napailing.
"Ano kaba ang babata niyo para samahan ko no, saka mas busy kasi ang college life hindi ko makayang mageasy-easy lang," sagot ko. Akala ko nga madi-disapoint siya pero hindi, nakangiti parin siya nang tumingin ako bahagya. Binalik ko ang aking tingin sa harapan.
"Sayang naman, but it's ok sa bahay ka naman na nakatira," sagot niya. Napangisi ako kasi mukhang this time nakuha kona kiliti ng batang ito.
"Oo, tuturuan kita mag review," pangaasar ko kaya bigla siyang napanguso, ang cute talaga.
"Review nanaman?! Ayaw ko nun! Gusto ko manuod tayo ng movies o kaya ayusan mo ako para may mai-post ako sa Instagram," sambit niya. Bahagya akong natawa kasi dinaig pa niya ako.
"Oo na. Oh nandito na pala tayo," sambit k. Buti nalang pinagbuksan agad kami ni manong Antonio ng gate.
Nakarating kami sa garahe at lumabas kami doon.
"Sa tingin mo galit na si dad?" Tanong niya. Nagkibit balikat ako kahit alam ko naman na ang sagot syempre sermon talaga ablt namin nito.
Pagkabukas palang ng pinto bumungad na si Sir Albus sa amin, nakatayo siya doon kaya dahil sa gulat ko muntikan pa akong mapahiyaw buti nalang napigilan ko. Ayaw pa naman niya ng maingay.
"Who gave you permission to go out?"
YOU ARE READING
Gastrell Brothers Series #1 Secret Possession COMPLETED
RomanceALBUS ZIX GASTRELL Isang bilyonaryo si Albus, single dad ng isang dalagita at kinakatakutang ng lahat dahil sa malalamig nitong titig at pagkatao. Naghahanap siya ng tutor dahil sa napapabarkada ang kaniyang anak at doon niya nahanap si Avery, isan...