Chapter 12

4.5K 84 0
                                    

"Who gave you permission to go out?"

"Dad we just buy—" hindi pa natatapos ni Ellie ang sasabihin niya nang naglakad ito palapit sa kaniya.

"I don't want any excuses. Go to your room," he said with his husky voice. Napayuko nalamang kami ni Ellie bago ko siya napansing naglakad paalis doon.

"Look at me Ms.Zamora." Inangat ko ang aking tingin bago napapalunok habang napapahigpit ang aking hawak sa kape na hawak-hawak ko.

"Sir Albus sorry," paghihingi ko ng tawad pero hindi manlang nag-iba ang ekspresyon niya, nanatiling mataam niya akong tinititigan.

"Pack you things, I don't want you to be here again." Sambit niya. Napanganga ang aking bibig sa kaniyang sinambit.

"Po?" Pagkukumpirma ko. Hindi pwede saan nalang ako pupunta kung palayasin ako?

"You hear me Ms.Zamora, I hired you to be Ellie tutor but wht did you do? You're clearly bad influence to her." Hindi ako nakaimik, totoo naman kasi na imbis na umawat ako kanina inaway kopa iyong binatang iyon.

"Pasesnya na aalis nalang po ako," sambit ko. Hindi na siya sumagot kaya naman naglakad na ako patalikod. Bawat paghakbang ko pabigat ng pabigat ang aking yapak dahil in the first place ayaw ko naman talaga umalis.

Inaamin ko, noong una nakakasuka ang bahay na ito. Kulang sa pagmamahal na pati mga tauhan parang mga robot kung kumilos pero habang tumatagal mas napapamahal ako sa bahay na ito, kung kaylan pa kami nagkaayos ni Ellie biglang mangyayari ito. Siguro nga wala talagang permanent sa mundong ito.

Naglakad ako patungong garden dahil doon ang daan kung saan ako pinapatuloy.

Pumasok ako sa maliit na bahay kung saan kwarto lang ang pwede. Inabot ko ang bag ko at nilagay ko lahat ng aking damit habang ramdam ko parin ang pagbigat ng aking dibdib, once again, failure nanaman ako para sa isang tao.

Una, my family, my client and now the only person who help me from drowning doesn't want me to be around anymore.

Nang matapos ko nang i-pack lahat ng gamit ko naglakad ko palabas. Habang naglalakad ako sa garden napapangiti ako kasi dito ko unang nakausap si Ellie, isang suplada na ayaw makipagusap sa iba pero ngayon nakakausap kona, dito din ako unang pinagalitan ni Sir Albus. Siguro nga talagang totoo sinabi niya sa akin una palang that he will watch me kaya lahat ng galaw ko alam niya.

Nang makalabas ako sa garden nakasalubong ko si Sir Albus kinkausap si manong Antonio sa harapan ng bahay, natigil ako maging sila natigil sa paguusap at sabay na napatingin sa akin.

Nilapitan ko siya, may biglang naisip ang mala demonyita kong utak. Tutal papaalisin naman na ako bakit hindi ko sulitin.

"Sir." Pagtawag ko bago lumapit sa kaniya.

"Antonio send her wherever she want to go" utos ni Sir Albus kay manong Antonio na parang hindi ako pinansin pero humarap din ito sa akin.

"Hindi na, kaya ko naman, pasensya na ulit sa pagabala at thank you sa pagpapatira sa akin dito pansamantala kaya naman gusto kong suklian iyon." Ngumiti ako at tumingkayad upang magtapat ang aming mukha bago ko dinampi ang aking labi sa kaniyang labi. Napangiti ako dahil naramdaman kong nanigas ang kaniyang katawan.

Dahan-dahan akong umayos, nanalalaki naman ang mata ni manong Antonio.

Habang natitigilan sila kinuha ko ang pagkakataon na maglakad paalis pero bago pa ako makalayo bahagya akong huminto. "Sir Albus please be gentle to Ellie, she's a lovely girl," sambit ko at tuluyan nang umalis.

Mga ilang minuto ang nilakad ko sa papunta sa gate.

Nang makarating ako sa labas nagpara agad ako ng taxi, mabuti nalang meron na.

Pumasok ako sa loob noon bago sinabi sa driver ang address ni Almia, mukhang lalakasan ko nalang loob ko para makitira muna.


Sa labas ng bahay ni Albus natauhan si manong Antonio at biglang umiwas ng tingin.

"Punta napo ako Sir." Nagmadaling umalis si Antonio doon.

Nang makaalis si Antonio biglang naibalik sa katinuan si Albus, napahawk siya sa kaniyang labi habang ramdam niya ang unang pagtibok ng mabilis ng kaniyang puso. Ito ng unang pagkakataon na tila naginit ang kaniyang katawan sa panandaliang halik na iyon.

Mabilis na tumalikod ito upang pumasok sa loob ngunit nakasalubong niya si Ellie, nakayuko ito habang hawak na ang kape na nilapag ni Avery sa lamesa bago siya umalis.

"Dad, we're really sorry. I just want to help Avery to talk to you then I told her you like coffee but my schoolmate approach me. Lagi niya akong sinsabihan tungkol sa inyo ni mom at narinig iyon ni Avery kaya naman pinagtanggol niya ako." Napatingin lamang si Albus sa kape na iyon bago niya nilipat ang tingin sa kaniyang anak..

"Avery is gone, I told her she won't ever appear again," sambit niya. Nanlaki bigla ang mata ni Ellie.

"No! Dad you can't do it! Hindi naman talaga kami nakipagaway, wala namang nangyari sa akin bakit kaylangan mo siya paalisin?!" Sigaw niya bahagyang napatingin at natigil ang ibang katulong sa kanilang ginagawa at lihim na nakikinig.

"It's my rule, she's not supposed to be close to you and she know that," sambit niya gamit ang malalamig niyang tono. Nanatili lamang siyang nakatayo doon.

"I don't understand you! Kung gusto mo magisa sa mundo h'wag mo ako idamay. I'm not expressionless like you—"

"Ellie that's enough! That's your dad you're talking about!" Biglang napatingin sila sa pintuan nang pumasok ang apat na Gastrell at ang nagsalita non ay si Bowen.

"But it's true! You know for the first time nagkaroon ako ng kaibigan sa loob ng bahay ns ito! Ni isa sa katulong walang nagsasalita dahil iyon ang rule mo! Hindi kami robot kung wala kang pakiramdam huwag mo kaming idamay!" Sigaw niyang muli. Napatingin sila Bowen kay Albus, hindi manlang nag-react ang kuya nila kahit pa ganoon na kasama ang binabanggit ng kaniyang anak.

"Ellie hindi mo alam iyang sinasabi mo, tama na!" Pagbabawal ni Crue, lalapitan na sana niya si Ellie pero umatras ito.

"I get it, all this years, alam kona kung bakit pinili kang iwan ni mom, kung bakit pinili niyang iwan tayo, dahil hindi niya matiis ang makisama sa walang emosyon na kagaya mo!" Napakuyom ng kamao ang apat na Gastrell, sila ang nasasaktan sa sinasabi ng anak ni Albus sa kanilang kuya dahil hindi manlang siya nito nirerespeto..

"Ellie that's enough!" Sigaw ni Maximus. Ito ang unang beses na nagtaas siya ng boses kaya bigla nalang naluha si Ellie dahil hindi siya sanay na sinisigawan siya maging si Albus never siyang pinagtaasan ng boses.

Marahas na inilapag ni Ellie ang kape na binili nila bago tumalikod at tumakbo paakyat ng kwarto.

"Kuya you ok?" Tanong ni Rufus kay Albus nang malakapit ito pero hindi sumagot ang kuya nila, nanatili lamang nakatayo doon si Albus habang nakatingin sa itaas.

Gastrell Brothers Series #1 Secret Possession COMPLETED Where stories live. Discover now