Chapter 24

4.5K 72 1
                                    

"Ber months na!" Sigaw ni Ellie sa sala. Nakangiti ang mga katulong na nakatingin sa kaniya.

Ilang araw na din ang nakakalipas at maraming nagbago sa bahay ni Albus.

"Dad! Mag-decorate po tayo ng Christmas decor!" Tumatalon-talon pa na sabi ni Ellie nang makasalubong niya si Albus na paalis palang sana sa bahay. Naka-black suit na ito habang inaayos na ang kaniyang neck tie.

"Call Antonio to buy that," sabi ni Albus dahilan upang mapanguso si Ellie.

"But I want us to buy it." Napahawak sa si Ellie sa sarili niyang kamay.

"I'm busy—" natigilan si Albus nang makita ang itsura ng kaniyang anak. Napapayuko na ito kaya naman biglang sumagi sa kaniyang isipan ang sinabi ni Avery sa kaniya.

'Sir Albus dapat pagbigyan mo naman ng paminsan minsan si Ellie, bata pa siya, mas gusto nila nasusunod gusto nila saka alam mo naman ang mga bagay na hindi pwede sa pwede'

Napabuntong hininga si Albus. "Ok, let's go later after my work, tell Avery to go with us."

"Yey! Pero Bakit po gusto niyong kasama si Avery?" Nagpantig ang tenga ng mga katulong habang lihim na napapangisi, si Albus naman natigilan sa tanong ng kaniyang anak.

"So you won't get boring," pagpapalusot niya bago napatingin sa pintuan. Bahagyang napaawang ang labi ni Albus nang makita ang isang bulto ng taong nakakumot at nakatayo doon.

Dahil sa tingin ni Albus lahat ng nandoon ay napatingin din.

"Waah multo!" Sigaw ni Ellie at napatakip pa sa kaniyang mata.

"Ahem... hindi ako m-multo"  inuubo at nanginginig pang sambit ni Avery.

"Avery? Anong nangyari sa iyo?" Tanong ni Ellie bago siya nilapitan. Nanatili naman sa si Albus sa kinakatayuan niya habang nakikinig siya sa mga ito.

Pilit na ngumiti naman si Avery. "May cold intolerance lang ako." Doon naalala ni Albus kung bakit madalas mawalang ng malay si Avery pag nasa ulan ito at madali siyang manginig sa lamig.

"Sana nagpahinga ka nalang, bakit pumunta kapa dito?" Tanong ni Ellie. Napangiti si Avery dahil kita niya ang pagaalala sa mukha ni Ellie.

"Pumunta lang ako para sabihan na may lesson ka mamaya at saka ok lang ako no," sabi niya, sadyang nilalamig lang siya.

"Avery follow me..." napatingin silang pareho kay Albus na umakyat pabalik.

"Sundan ko lang ha," pagpapaalam niya kay Ellie bago sinundan si Albus. Sumusunod lang siya hanggang sa nakarating sila sa kwarto niya.

Nasa tapat palang sila nang hinila siya papasok ni Albus.

"May problema ba Sir?" Tanong ni Avery ngunit isang mainit na yakap ang sumalubong sa kaniya dahilan upang mapapikit siya.

"Do you still feel cold?" Tanong ni Albus. Gustong maluha ni Avery, ito ang unang pagkakataon na may dumamay sa kaniya pag sinusumpong siya ng ganito, ni isa walang yumakap sa kaniya pag nakakaramdam siya ng matinding lamig.

"Thank you..." tumulo ang luha sa mga mata ni Avery bago sinuklian siya ng yakap.

"Bakit umiiyak ka?" Tanong ni Albus. Umiling-iling lang naman si Avery bago hinigpitan ang yakap kay Albus.

"Masaya lang ako. Ang init kasi ng katawan mo Sir," sabi ni Avery. Hindi na umimik si Albus, nanatili parin siyang nakayakap matapos non pinunasan ni Avery ang kaniyang luha at himiwalay ng yakap

"Ok na ako, pumasok kana," utos ni Avery kaya naman nagkatitigan silang dalawa.

"Can I kiss you?" Biglang napangisi si Avery bago tumango, kusunod noon ay inilapit ni Albus ng kaniyang labi sa dalaga at doon nila panagsaluhan ang mainit na halik.

Matapos ng ilang segundo naghiwalay ang kanilang labi. Natawa naman si Avery na tinapik ng likod ni Albus.

"Sige na Sir, baka magtaka pa si Ellie bakit ang tagal mo," sabi niya. Napabuntong hininga nalang si Albus, parang pakiramdam niya ayaw niyang pumasok.

"Let's go to the mall later Ellie want to buy Christmas decor." Napalunok si Avery bago lumawak ng kaniyang ngiti.

"Sir ang laki ng pinagbago mo, in good way naman so keep it up!" Nag thumbs up pa si Avery.

Hindi umimik si Albus at nanatili parin sa ganoon ang kaniyang itsura.

"Ngumiti ka naman dyan Sir oh," sabi niya bago inangat ang kamay at inilagay sa pisngi ni Albus bago pinangiti ang labi ni Albus.

"Ayan," binitawan ni Avery ang labi niya at kusang lumitaw ang ngiti sa labi ni Albus. Natulala si Avery bago tumingkayad upang hinalikan ng mabilis ang labi ni Albus.

"Ang pogi," nakangisi niyang sabi. Napabuntong hininga naman si Albus bago sila sunod na lumabas.

Sumunod na lumabas si Avery at sabay silang bumaba, nadatnan nila si Ellie na napatingin sa kanila.

"Anong pinagusapan niyo dad?" Tanong niya. Namula ang pisngi ni Avery bago napayuko.

"May sinabi lang ako, I'll go now," sabi ni Albus pero napatingin naman si Ellie kay Avery. Napabuntong hininga si Avery bago nilapitan si Albus at kinalabit dahiln upang mapalingon sa kaniya si Albus.

"Magpaalam ka naman ng maayos Sir," sabi niyo.

"Dad can I hug you?" Tanong nito. Tumango si Albus pero sa likod ng kaniyang kamay ay hinawakan niya si Avery bago niyakap ni Ellie ang kaniyang ama.

Lihim na naptingin ang mga katulong sa kamay ni Albus at Avery, sa isang gilid naman napapakagat ng labi si Almia dahil sa kaniyang nasasaksihan.

Humiwalay sa yakap ang mag-ama bago tuluyang umalis na si Albus.

Naiwan si Ellie at Avery na napatingin sa pintuan.

"May gagawin kaba ngayon Ellie?" Tanong ni Avery nang humarap na siya.

"Manunuod sa cinema, gusto mo bang sumama? Manubuod ako ng anime." Napangiti si Avery bago tumango.

"Sige mauna kana doon kukuha lang ako ng makakain mo." Nakangiting tumango si Ellie bago umakyat sa hagdan.

Nang mawala na si Ellie sa paningin niya nagsilapitan ang mga katulong kay Avery, nabigla naman siya at napaatras.

"Uy Avery no iyon ha, spill the tea anong meron sa inyo ni Sir Albus?" tanong ni Almia habang nakangisi.

"Wala naman namamagitan sa amin," sabi ni Avery habang mamumula pa ang mukha

"Wala daw.. nako tigilan mo kami, tignan mo nga nung dumating ka dito nagbago lahat, alam mo ba sinabihan ni Sir Albus si manang na ok na daw ang makipagusap." Alam na ni Avery iyon dahil nahahalata din naman niya iyon.

"Ewan ko din, saka huwag nga kayong magisip ng kung ano-ano marinig pa kayo ni Ellie, iba isipin nun," sabi niya. Tinusok naman ni Coleen ang tagiliran niya habang nakangiti.

"Kahit na, salamat parin Avery dahil dumating ka napagaan mo ang puso ng amo namin," sabi niya. Napabuntong hininga naman si Avery.

"Wala naman akong ginawa, inintindi ko lang nararamdaman niya. Lahat ng tao may lihim na pinagdadaanan, kaylangan lang nila ng kasama na iintindi sa kanila."

Gastrell Brothers Series #1 Secret Possession COMPLETED Where stories live. Discover now