Chapter 21

4.5K 76 0
                                    

"Ellie your stepmom is really beautiful!"

Teka...ANO DAW?!

Parehas na nanlaki ang mata namin ni Ellie at sabay pa kaming umiling.

"No way!" Bago ko palang sana dedepensahan sarili ko natahimik na ako agad nang maisabi ni Ellie 'yon.

"Oh, akala namin, kasi para kayong mag nanay haha," sambit naman ng isang dalaga nakapony tail ito ng dalawa.

"No, she's just my tutor beside I don't want dad to like anyone ok? He's only belong to mom." Pilit nalang akong ngumiti bago tumango.

"So ano, una muna ako ha, Ellie huwag kang pasaway papagalitan ka ng dad mo," pagpapaalala ko sa kaniya. Ngumiti naman siya sa akin. Inabot ko naman baba niya bago ko hinaplos iyon na para siyang tuta. Haha ang cute kasi.

"Ok!" Handa na sana akong tatalikod nang may maliit na kamay ang humila sa pulsuhan ko. Napatingin ako, kaibign pala ni Ellie. Kulot ang buhok niya, may lahi siguro ang batang ito kulay blue kasi ang mata.

"Stay with us. Can we play?" Tanong niya. Napanganga naman ako. Ano ba baman ito, anong lalarunin namin? Saka hindi ba medyo dalaga na sila para maglaro? Well 13 palang naman sila.

"Me-make-up-an ka namin tapos rarampa ka sa pool later!" Excited nilang sambit. Mas napapanganga ako sa aking narinig. Ano bang trip ng mga batang ito.

"Wait bakit si Avery? She also have homework to do, collage students na siya it's mean busy siya," pagtatanggol sa akin ni Ellie. Sige Ellie, pagtanggol mo ako please, hindi ko trip mga gusto ng kaibigan mo.

"Ngayon lang Ellie. Don't be kill joy, you know we don't have ate while you have Avery. Gusto lang namin ayusan siya, pangarap kaya namin maging make up artist balang araw." Tinignan ako ni Ellie. Pinanlakihan ko siya ng mata para sabihin na tulungan niya ako pero ngumiti siya kaya naman wala na, alam kona ngiti niyang 'yan.

"Ok, sige. Mukhang maganda nga ayusan si Avery, hindi kasi siya nag-aayos, mukha tuloy siyang stress." Ako stress?! Traydor kang bata ka! Pagkatapos ng ginawa ko sayo ito isusukli mo?!

"No..." bulong ko pero hinila na nila ang pulsuhan ko papunta sa bahay ni Sir Albus. Tulala lang ako hanggang sa mahila nila ako sa loob ng kwarto ni Ellie.

Ang alam ko pinaupo nila ako sa harapan ng salamin ni Ellie tapos sinumulan na nila akong ayusan. Napapansin ko magagaling sila sa ganyang taon nila, marunong na sila sa ganito dinaig pa ako.

"Ayan ayos na!" Napatingin ako sa salamin, medyo wala namang nagbago pero mukha akong fresh ngayon.

"Next naman susuutin mo ito!" Inabot sa akin ni Ellie yung fitted red na dress na napakaikli.

"Teka ang ikli naman nito?" tanong ko. Nagngisian sila at nagapiran pa, aba pinagtutulungan ba ako ng mga ito?

"Bagay sa iyon yan!" Sabi naman nila sabay tinulak pa ako sa banyo.

Wala na akong nagawa kung hindi isuot nalang, wala din naman si Sir Albus dito para mahiya ako. Makikisabay nalang ko sa trip ng mga batang ito para matapos na ang kalokohan nila.

Sinuot ko ang dress tapos napatingin ako sa salamin, para naman akong anak ng mafia boss dito eh na pupunta ng bar. Ahh nakakahiya!

Lumabas ako at nang makita nila ako nagpalakpakan sila.

"Wow Ate Avery ang ganda mo!" Sabi ni Abrina, isa sa kaibigan ni Ellie.

"Kaya nga! So tara na! Gusto naming tignan masterpiece namin!" sabi naman ni Zandra. Nagpapasalamat ako dahil wala silang hills na pinagamit, naka white shoes lang ako, 'yong kanina kopang suot.

Hinila nanaman nila ako palabas.

Bagkatinginan sila mana g Flor sa akin.

"Anong nangyayari dito?" Tanong niya. Napabuntong hininga nalang ako.

"Trip po nila eh," sagot ko nalang. Hindi pa nakakasagot si manang Flor nang hinila na nila akong muli palayo doon.

Nang makalabas kami pumunta kami sa garden at pinatayo nila ako sa swimming pool.

"Ate Avery pose dali!"

"Huh?" Tanong ko. Lumapit naman sa akin si Ellie at inayos ang tayo ko.

"Look fierce." Ewan ko ba bakit nagpapauto ako sa mga batang ito!

Ginawa ko nalang ang gusto nila. Mga nakailang shot din maya-maya pa inutusan nanaman nila akong mag model. Hindi ko talaga gusto itong nangyayari.

"Kunwari bueaty queen ka ha, magpakilala ka," sabi naman ni Ellie. Waaah ayaw kona!

"Ayaw kona Ellie, ano ba ito," sambit ko, nagbabakasakali akong titigilan na nila ito pero umiling lang naman sila.

"Dali na habqng wala pa si Dad, for sure papagalitan tayo pag nakita niya ito," sagot niya kaya naman nagmamadali akong rumampa paikot ng pool at nang matapos tumayo ako sa harapan nila.

"I'm Avery Zamora 24 years old from—" nanlaki ang aking mata nang makita ko ang dalawang lalaking nakatayo sa may banda gilid, si secretary Richard tapos...tapos shit... Sir Albus!

"Bakit natahimik ka Avery?" Tanong ni Ellie pero sinundan niya ang tingin ko habang si Sir Albus nakatulala sa akin.

Namula agad ang aking tenga bago tinakpan ng aking katawan kahit may takip na talaga ito sadyang maikli lang tapos napaka revealing talaga, halos kita nga kalahati ng dibdib ko!

"D-dad." gabi na din pero dito mago-over night ang mga dalagita sa bahay ni sir Albus.

"Ano ang ginagawa niyo?" Tanong ni Richard dahil hindi parin nakakaimik si Sir Albus. Maging ako tikom ang aking bibig habang umiiwas ng tingin sa kaniyang malamig na mata.

"Go inside now Ellie," biglang banggit ni Sir Albus. Tumango naman sila bago umalis, napanganga nalang ako kung paano nila ako iwan dito.


"Well, I'll go now first Sir," paalam naman ni Richard bago umalis habang si Sir Albus naglakad palapit sa akin.

Para akong naitami sa tile ng pool sa mga oras na ito. Hindi ako makagalaw.

Maya-maya pa lumapit siya sa akin tapos nakita kong hinubad niya ang coat niya. Napalunok ako nang ipinatong niya ito sa aking balikat.

"You're old enough to agree in their play Avery." Alam kong pinapagalitan niya ako kahit hindi nagbabago ang timpla ng boses at ng ekspresyon niya, sanay naman na ako.

Napayuko ako. "I'm sorry... hindi ko lang kasi mahindihan si Ellie," pagsabi ko ng totoo. Ellie was smiling earlier, hindi ako makahindian dahil bihira lang siyang ngumiti dahil sa feeling niya nag-iisa siya sa malaking bahay na ito.

"Let's go." Naglakad siya palayo, sinundan ko naman siya, ito yung daan papunta sa tinutuluyan ko.

Nang makarating kami humarap siya sa akin.

Binuksan ko naman ang pintuan. "Gusto mo bang pumasok muna sir?" Tanong ko habang nakangiti pero tinignan niya ako taas baba. Biglang nag-init ang aking katawan kung paano niya ako tignan.

"Are you trying to seduce me Avery?"

Gastrell Brothers Series #1 Secret Possession COMPLETED Where stories live. Discover now