Chapter 40

5.3K 95 10
                                    

"Manong papasukin mo na ako," sabi ni Ellie habang kinakatok katok ang gate. Tumingin naman ang dalawang guard sa kaniya dahil naka-school uniform pa si Ellie dahil kagagaling lang niya sa school nila.

"Hindi nga pwede, may pasok kapa bakit nandito ka?" Napabuntong hininga si Ellie sa sinabi nito.

"Ano ba naman iyan, ang kulit niyo naman. Nandito po ako kasi susunduin ko Mom ko," sabi niya. Nagkatinginan muli ang dalawa.

"You mean a-attend ang Mom mo sa graduation? Patapos na sila," sabi ng isa habang naiirita na sa kakulitan ni Ellie. Bigla namang sumama ang tingin ni Ellie sa dalawa.

"Isusumbong ko kayo kay lola at lolo, they will buy this whole school just to kick  you out!" Inis na sabi niya pero bigla namang sumulpot si Avery habang nagtatakang nakatingin sa kanila kasunod ang ibang estudyante na paalis na.

Ngayon ang araw ng graduation nila Avery at kakatapos lang din ng ceremony.

"Ellie? Anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ni Avery bago nilapitan sila.

"See manong guard, there she is my mom!" Napanganga si Avery sa kaniyang narinig mula kay Ellie.

"Ano bang kalokohan ito Ellie?" Tanong ni Avery dahil natatatandaan niyang hindi maayos ang loob ni Ellie nang umalis siya sa bahay na iyon.

Nawala ang pagkasigla sa mata ni Ellie bago siya nilapitan. Nagkatinginan ang lahat ng mga naghihintay doon, maging si Adrian at ang magulang ni Avery napatulala.

"Avery I'm sorry for pushing you away... My dad become miserables without you so I felt guilty... Can you accept me to be your daughter?" Napaatras si Avery dahil sa kaniyang pagkagulat gulat ngunit kalaunan biglang sumilay ang ngiti sa kaniyang labi.

"Inutusan kaba ni Sir Albus dito?" Umiling si Ellie.

"Pero sa isang konsidyon baka naman maging evil step mother ka ha," biglang natawa si Avery bago hinila si Ellie payakap sa kaniya. Binitawan na niya ang kaniyang bouquet na natanggap niya ngayong graduation niya upang makayakap si Ellie. Nang marinig niya ang sinabi nito, iyon  pinakamagandang regalong natanggap niya ngayong araw na ito.

Dahil pagkatapos ng graduation niya nagbabalak talaga siyang bumalik sa bahal nila Albus uapng makausap si Maurine at si Ellie, hindi lang talaga siya makapaniwala na si Ellie mismo ang pupunta sa kaniya.

Nakangiti silng pareho ni Ellie habang ang mga nanunuod doon tulala sa mga pangyayari.

Humiwalay sa yakap si Ellie. "Tara na Avery sumama kana sa akin dali!" sabi niya bago hinila si Avery na walang balak na magreklamo.

Paalis pamang sila napahinto si Ellie na  parang may naalala siya.

"Saglit! Sumunod po kayo sa amin," sabi niya sa pamilya ni Avery na tulala parin sa nangyayari.

"Teka saan ba tayo pupunta Ellie?" Tanong ni Ellie bgo siya pumasok sa may kotse.

"Secret. Surprise nga diba? Paano pa magiging surprise ang sinabi na?" Napanguso si Avery. Hindi parin siya makapaniwala ngayon, habang nasa byahe siya hindi niya mapigilan ang mapaisip.

"A-ah anong nangyari bakit biglang ganito?" Tanong ni Avery. Halos hindi ng sink in sa kaniya ang nangyayari ngayon pero alam niyang masaya siya sa mga nangyayari.

"You didn't know that my dad love you?" Tanong ni Ellie. Napaatras naman si Avery dahil hindi niya iyon inaasahan, ang alam lang niya pumayag lang si Ellie na maging step mom niya kung ipu-pursue niya si Albus pero hindi ang ganito.

"Huh?!" Sigaw ni Avery habang nanlalaki ang mata. Napatakip naman sa tenga si Ellie sa lakas ng boses niya.

"Ang lakas naman. You know kasi Mom talk to me and I found out that Dad was really lonely without you that's why I decided to talk to you." Hinila ni Ellie ang kamay ni Avery.

Gastrell Brothers Series #1 Secret Possession COMPLETED Where stories live. Discover now