Chapter 37

4.6K 74 0
                                    

Sa harapan ng pintuan ni Albus nagaalangang kumatok si Ellie.

Isang araw na ang nakakalipas matapos na sigawan niya si Albus, dahil dito na guiguilty siya.

"Dad... Are you there?" Mahina niyang sabi bago siya kumatok ng ilang beses. Nang walang sumagot pinihit niya ang pintuan ngunit nagulat siya nang makitang walang buhay ang itsura ng kaniyang ama, magulo ang buhok nito at halata sa mata nito na hindi siya natulog.

"Dad... You should take your medicine, Avery—" natigilan si Ellie dahil laging pinapaalalahanan ni Avery si Ellie na sabihan lagi ang ama nito na uminom ng gamot niya. "—I mean, Dad did you take it yet?" Umiling lang naman si Albus.

Naupo si Ellie sa tabi ng kaniyang ama.

"Dad... I'm sorry," sabi niya. Tumango lang naman si Albus. Muli silang natahimik sa loob ng kwartong iyon.

Mga ilang minuto silang ganoon hanggang sa tuluyan nang tumulo ang luha sa mata ni Ellie." Dad, hindi ba talagang pwedeng m-mahalin mo ulit si Mom? N-nagmamakaawa ako sayo, g-gusto ko lang naman na makasama kayong dalawa... h-hindi ko ba iyon makukuha?"

Natigilan si Albus bago napatingn kay Ellie, nakita niya ang lungkot sa mata mata ni Ellie.

Inabot ni Ellie ang kamay ni Albus. "Dad... Please make up with mom. I don't want us to separate again," umiiyak niyang sambit. Hindi nakaimik si Albus at napatingin lang siya sa harapan.

Hindi siya makapili if he will choose to pursue Avery or make his daughter happy.

Napapikit siya ng mediin bago tumango at hinila si Ellie upang yakapan ito. "Don't cry, I'll make it up to you." Mas lalong napahigpit ang kapit ni Ellie sa kaniyang ama.

                                       —

Makalipas ang ilang araw napagpasyahan nila Albus na pumunta ng mall dahil request ito ni Ellie.

Nanuod lang sila ng Cine at kumain.

"Dad the movie is good right?" Tanong ni Ellie bago napatingin kay Maurine na nakangiti lang.

"Yeah..." Nakita ni Ellie ang rekyson ng kaniyang ama, halatado sa kaniya na hindi siya nag-enjoy, at pilit lang na nakikisama sa kanila.

"Avery I'll buy you anything you want." Natigil sila nang marinig ang pangalan na iyon sa hindi kalayuan. Isang babae at lalaki ang magkaholding hand, nagtatawanan silang dalawa habang naglalakad palayo.

Napatingin si Ellie kay Albus, b iglang nag-iba ang timpla ng mukha nito. Tila may kung anong madilim na nakapalibot sa kaniyang ama habang nakatingin sa palayong dalawang taong iyon.

"Ahh ano let's go home," pag-agaw ni Maurine ng atensyon peor naglakad lang si Albus palayo habang nakasunod naman sila Ellie sa kaniya.

Laglag ang balikat ni Ellie sa mga oras na iyon dahil ang akala niya magiging masaya na siya ngunit nagkamali lang pala siya.


Samantala naglalakad si Avery at si Neo sa may loob ng mall, magka-holding hand sila dahil pinakausapan siya ni Neo na magpanggap dahil sinusundan sila ng palihim ng babaeng nagkakagusto sa kaniya.

"Matagal pa ba ito?" Bulong ni Avery habang nakangiti para hindi siya mapansin.

"Saglit lang," sabi ni Neo. Bapailing naman si Avery dahil sa request ng kaniyang pinsan pero natigil siya nang may mahagip ang kaniyanng mata sa hindi kalayuan.

"Sir Albus?" Bulong niya. Nawala ang ngiti sa kaniyang labi nang makitang magkakasama ang mga tatlo.

Nagsimula nanamang kumirot ang dibdib niya at ano mang oras tutulo na ang luha na namumuo sa kaniyang mata

"Oh natahimik kana dyan," pag-agaw sa kaniya ng atensyon ni Neo. Pilit na ngumiti si Avery bago siya umiling

"Wala, tara na nga," nakakuyom ang kamaong sabi niya. Pinipilit niyang maging ok sa harapan ng pinsan niya pero gusto na talaga niyang sabihin na gusto na niyang umuwi.

Nang matapos ang kalokohan ng pinsan niya agad din siyang umuwi at dumiretsyo sa kwarto. Handa na sana siyang magmukmok pero laking gulat niya nang biglang pumasok si Adrian sa loob ng kwarto niya.

May dala pa itong popcorn at drinks. Napapunas sa luha si Avery habang nagtatakang nakatingin sa kapatid niya.

"Kuya anong ginagawa mo dito?" Naglakad ito palapit sa kaniya bago nilapag ang pagkain sa lamesa.

"Tigilan mo na nga kakaiyak mo Avery." Mapasimangot si Avery bago napasinghot. Nasa kalagitnaan siya ng pagiyak nang pumasok ang kapatid niya...

"Ano ngang ginagawa mo dito?"

"Manunuod ako," sabi ni Adrian bago binuksan 'yong TV at nilipat niya ito sa sport channel.

"Meron ka namang kwarto ha! May TV ka din sa kwarto mo. Kuya naman nakakahalata na ako lagi ka nalang ganyan!" Inis na sabi ni Avery, lagi kasi silang pumapasok sa kwarto niya. Simula ng makabalik siya kung ano-ano pang pinapagawa ng kuya niya sa kaniya, ginagawa niya itong katulong sa paggawa ng project niya.

"Wala mas gusto ko dito may problema ka ba?" Baliwalang sabi nito. Bagsak nalang na nahiga si Avery sa kaniyang kama

"Ilipat mo nga iyan kuya! Hindi naman ako mahilig sa sport eh, ang boring," sabi ni Avery pero tila nagbibingi bingihan naman si Adrian at hindi siya pinakinggan.

Wala namang choice si Avery kundi tumingin sa TV ngunit habang nanunuod siya tila nakaramdam agad siya ng antok.

Mga ilang minuto ang nakakalipas napalingon naman si Adrian sa kaniyang likod at nakita niya si Avery na natutulog na. Napabuntong hininga siya bago pinatay ang TV at kinumutan si Avery bagi kunuha lahat ng gamit niya.

Nang makalabas siya ng kwarto nakasalubong niya ang kanilang ina. Nag-aalala ang itsura nito.

"Ano kamusta?"

"Nakatulog na siya Mom, alam kong effective ginawa ko lagi 'yong inaatok pag-sport ang channel." Napangiti ang kanilang ina dahil hindi nila makuhang makitang laging umiiyak si Avery o laging nagmumukmok. Ginawa iyon ni Adrian para malibang si Avery at para hindi puro iyak ang kaniyang ginagawa.

"I was mad right now. She shouldn't fall for that guy." Napakuyom ng kamao si Adrian.

"I know... it's all our fault..."

                                      —

"Dad come let's pick strawberry together with mom in the farm," pagaaya ni Ellie kay Albus nang makita niyang pababa ng hagdan si Albus.

Ilang araw ng hindi pumapasok si Albus at lagi lamang ito sa kaniyang kwarto kaya gusto nila itong libangin.

Pansamantalang ang mga kapatid niya ang umaasikaso sa komonya ni Albus, ngsasalitan ng mga ito pagkatapos nilang asikasuhin din ang sari-sarili nilang negosyo.

"You can go. I'm not feeling well," sabi nito bago dumiretso sa may kusina. Pinanood nila ito. Napatingin naman si Maurine kay Ellie, halata sa mata ng kaniyang anak na ilang segudno nalang iiyak na ito.

Napabuntong hininga siya bago napatingin muli sa pintuan ng papuntang kusina at doon lumabas si Albus, may dala itong wine. Hindi sila pinansin ni Albus at nagpatuloy lang sa paglalakad hanggang sa makaakyat na ito sa hagdan.

"Mom, he's always getting drunk. You should stop him." Sabi ni Ellie. Hindi naman nakaimik si Maurine pero hinaplos niya ang ulo ni Ellie bago siya hinagkan.

"Oh bakit paang wala nanamang buhay ang bahay na ito?" Napatingin sila sa apat na lalaking pumasok.

"Tito..." Mahinang tawag ni Ellie..

Nagkatinginan ang apat bago sila tumango sa isat-isa.

"Ellie. Can we talk to you?"

Gastrell Brothers Series #1 Secret Possession COMPLETED Where stories live. Discover now