Chapter 29

4.4K 83 1
                                    

"Teka bakit kasama pa ako?" Tanong ni Avery nang makapasok siya sa kotse.

"Syempre alam mo na hindi naman kami magkikibuan ni Dad, mabo-boring ako no, kaya kasama ka," sabi ni Ellie. Mabuti nalang wala pa dito si Sir Albus kung hindi narinig na niya anak niya.

"Oh sige," pagsangayon ko nalang. Maya-maya pa dumating na si Sir Albus. As  usual naka suit siya.

"Ready?" Tanong niya sa amin. Tumango naman kami ng sabay ni Ellie matapaos no'n pinaandar na niya ang kotse.

Bahagya akong tumitingin kay Sir Albus dahil kasi nitong nagdaang araw iba na kinikilos niya simula noong may nangyari sa amin... Hindi sa nagiging delusional lang ako perp 'yon kasi nararadaman ko.

Hindi pa nasusundan ang pangyayaring iyon at ewan ko ba parang hinahanap ko ang sensasyong iyon kasama siya...

Shit hindi maganda ito, manyakis na talaga ang utak ko!

"Do I look attractive to you?" Bulong niya. Napalingon ako kay Ellie, gumagamit siya ng cellphone kaya naman nakahinga ako ng maluwag bago ko siya tinignan.

"Hindi ah," pagsisinungaling ko, syempre anong mangyayari sa akin pag umamin ako? Edit inamin kona din na tumititig ako sa kaniya!

Matapos no'n hindi na siya nagtanong pa at natahimik na kami buong byahe.

Maya-maya pa nakarating na din kami sa school, nasa gate palang bumaba na kami dahil nasa dulo pa ang parking lot.

"Hintayin ka nalang namin dito," sabi ko. Tumango si Sir Albus. Matapos makuha nmin sagot niya lumabas kami ni Ellie.

"Ms.Avery?" Napalingon kami nang nakita ko ang pamilyar na binata na nagsilata sa aming likuran kanina lamang.

Lumapit ako sa harapan ng kotse habang siya naman lumapit sa akin, si Ellie nanatili lang sa tabi, napapayuko.

"Oh ikaw iyon ah," sabi ko. Hanggang ngayon gusto ko parin kotongan ang batang ito. Hindi kasi talaga maganda ginawa niya kay Ellie. You can't insult someone just because their family isn't doing well. No one have a right to question it, everyone have their own story why they're like that.

Pero alam ko naman na bata pa itong si Damian. Maiintindihan din niya na hindi talaga tama ang ginawa niya.

"I just want to say sorry about my rude approach to Ellie," sabi niya. Napatingin siya kay Ellie pero napansin kong nagngitian silanh dalawa at namula pa ang muka ni Ellie. Nako nagdadalaga na talaga siya.

"It's ok, huwag mo na gagawin iyon ha kung hindi nakikita mo itong kamay ko? Ipapalo ko ito sa pwet mo," sabi ko bigla siyang napangiwi pero kalaunan napangiti.

Magpaaalam na sana ako para lapitan ulit si Ellie ngunit laking gulat ko nang hawakan niya ang kamay ko.

"You know when I met you I really like you." Napanganga ako sa kaniyang sinabi ngunit bago paman ako makasagot bigla akong napatalon nang bumusina ang kotse ni Sir Albus. Unti-unti akong napatingin sa kotse na nasa harapan namin, medyo madilim sa loob pero nakita kong masama ang tingin niya sa akin.

"Ayy!"

Bigla kaming naghiwalay kami ni Damian.  Napunta siya sa kabilang side at ako naman sa kabilang side nang biglang paandarin ni Sir Albus ng kotse at pinaharurot niya iyon sa harapan namin kanina mabuti nalang mabilis kming umalis.

Balak ba niya kaming patayin?! Anong problema no'n?!

"Avery, Damian like you?" Mahinang tanong ni Ellie. Napatingin ako sa kaniya bago hinawakan ang balikat niya.

Gastrell Brothers Series #1 Secret Possession COMPLETED Where stories live. Discover now