Chapter 39

4.8K 99 2
                                    

"Can we talk?" Naglakad palapit si Maurine  bago siya naupo sa tabi ni Albus, handa na sana siyang hahawakan ang kamay ni Albus ngunit parehas na napaatras ang kanilang kamay.

Unti-unting lumayo si Albus palayo kay Maurine. "Sorry," sabay nilang sabi. Malakas ang intolerance ni Albus sa alak ngunit medyo nahihilo na ito sa mga oras na iyon.

Napatingin sa harapan si Maurine kung nasaan ang TV sa loob ng kwarto ni Albus.

"I-I... I-I'm sorry... I shouldn't leave you... I didn't know that what happen, I'm sorry." Bumuhos ang luha sa mata ni Maurine habang napapakuyom ng kaniyang kamay.

"You shouldn't..." Bulong ni Albus bago siya lumagok ulit ng alak. Mabilis na kinuha ni Maurine ang alak palayo kay Albus.

"Ellie told me you shouldn't drink right?" Tanong niya pero hindi umimik si Albus. "You know I was terrible mother and a wife, I was full of guilt when I found out the truth."

"It's also my f-fault. I didn't t-treat both of you as my f-family... Before I-I didn't know I needed s-someone beside me... I thought it's ok to be alone, I thought having Ellie is fine without bond but there's someone teach me to be a good father... To be a normal person..." Tuluyan nang tumulo ng luha sa mata ni Albus. Ipit na ipit siya sa sitwasyon, pinili na niya ang anak niya pero ang bigat-bigat ng dibdib niya.

Tinuro ni Avery na si elleyi lang ang meron siya ngunit nahihirapan siyang pumili, gusto niya parehas silang dalawang pipiliin niya.

"You're a normal person Albus!" Hindi na mapigilan ni Maurine ang masaktan sa kaniyang naririnig.

"A normal person have expression and emotion. Before I was only a person who don't have any expression or even emotion. I didn't stop you for leaving me, I watch Ellie cried but I didn't even get pity or guilty but h-how?... W-why I can't help not to feel sad right now..." Napahawak si Albus sa kaniyang dibdib.

Tumutulo naman ang luha ni Maurine na pinapanood si Albus. Halata sa mata niya na gulong-gulo, dahil ibang-iba sa lalaking piankasalan niya ang nakikita niya ngayon sa kaniyang harapan.

Isang lalaking walang emosyon ang kaniyang pinakasalan pero ngayon ibang-iba na siya... Puno na ito ng emosyon at ng nakikita niya ngayon ay puno ng pagsisisi at pagkalungkot.

Napakagat sa labi si Maurine bago niya pinikit ang kaniyang ulo.

Bumuntong hininga siya bago tumayo at naglakad papunta sa pintua. Handa na sna siyang aalis nang napahinto siyang muli

"I can't live without her again... I can't live like this without her by my side..." Napapikit si Maurine bago niya tuluyang sinara ang pinto.

                                    —

Avery POV

"Avery nabalitaan ko nangyari, ok ka lang?" Nagaalalang tanong ni Almia, kasalukuyan silang ngayon sa stage upang gawin ang pinakalast na scene ng project nila.

"Hmm?" Tila naibalik sa tamang wisyo si Avery bago tinignan si Almia pero nang mapagtanto niya ang sinabi ni Almia bigla siyang tumango habang pilit na ngumiti.

"Kitang kita sa mata mo ang lungkot, huwag mo akong lokohin..." Napayuko si Avery habang napapapisil sa sarili niyang palad. Hanggang ngayon mabigat parin ang dibdib niya sa nangyayari.

"Normal lang naman sa akin ang malungkot hindi ba? Alam ko dapat nakinig na ako noong una sa sinabi mo pero hindi ko parin pinigilan sarili ko... Hinayaan kong malunod ako sa pagmamahal na hindi ko naman dapat maramdaman dahil may anak na si Sir Albus at malala pa doon kasal siya..." Mahina niyang sambit. Napahawak si Almia sa balikat ni Avery bago hinarap si Avery sa kaniya.

Gastrell Brothers Series #1 Secret Possession COMPLETED Where stories live. Discover now