Chapter 28

4.4K 92 1
                                    

Kinabukasan napapakusot pa sa mata si Avery sunday ngayon at bukas na ang family event nila Ellie sa school nila.

Naglakad si Avery papuntang mansyon ngunit malapit palamang siya nang naksalubong na niya si Albus na kakauwi lang.

"Sir kararating mo lang?" Tanong ni Avery. Tinitigan siya ni Albus sa halip na sumagot ito lumapit ito sa kaniya.

"It's cold," sabi nito. Napakunot naman ng noo si Avery

"Huh? Edi pumasok kana," takang sagot niya ngunit napansing niyang gumalaw ng bahagya ng kilay ni Albus.

"Hug me..." Napanganga si Avery sa hinci niya inaasang sagot mula dito.

"Huh?" Pag-uulit niya dahil hindi parin siya makapaniwala sa kaniyang narinig.

"Hug me," nagtataka man pero nilapitan siya ni Avery at hinagkan. Naaamoy parin niya ang pabango nito na tila nagpapakalma sa kaniyang kalamnan.

Naramdaman niya ang kamay ni Albus na ipinalupot sa kaniyang bewang maya-maya pa sininubsob ni Albus ang kaniyang mukha sa leeg nito.

"You smell like tangerine." Sambit nito. Nag-init ang pisngi ni Avery habang pinapakiramdaman ang pagdampi ng hininga ni Albus.

Sa hindi kalayuan nakamasid si manang Flor. Ngayon lang niya nakita na nagkaganito ang kaniyang amo.

Bumalik sa kaniya ng ang ala-ala ng paguusap nila ni Melaine, ang ina ni Albus.

"Madam sigurado ka po bang hahayaan niyo si Sir Albus na bumukod?" Tanong ni Manang Flor habang nandoon palang siya sa bahay ng mga Gastrell.

"Gusto ni Albus iyon, ayaw ko sana ang kaso malaki na siya, gusto ko din siya matuto na hindi lang kami ang nakakasalamuha niya, alam mo naman si Albus, hindi ba?" Bakas ang pag-aalala sa mukha ng ginang ngunit siya maging wala paring magawa.

"Maam sa tingin niyo ba makakabuti ito kay Sir Albus? Paano nalang kung mag-panick siya?" Napabuntong hininga ang ginang.

"Kaya nga naisipan ko na lumipat ka din sa bahay niya manang, alagaan mo si Albus ha." Hindi nakasagot ang matanda pero sumangayon din siya kalaunan...

Lumipas ang ilang taon nasaksihan ni manang Flor kung pano mag-isa si Albus ngunit nagulantang nalang siya sa isang balita na nakabuntis si Albus ng isang dalaga at nagsama sila sa bahay na iyon hanggang sa maipanganak si Ellie pero walang bago, dahil ni minsan hindi nakikisalamuha si Albus sa kanila. Nakikita ni Manang Flor na pinakikisamahan lang niya ito dahil sa responsibilidad ngunit nakita din niyang nag-iisa ni Maurine ang araw-araw na ganun ang pagsasama nilang dalawa.

"Ano manang kamusta?" Tanong ng ina ni Albus nang bisitahin niya ang mga ito.

"Wala pong bago Madam." Napabuntong hininga ang ina ni Albus bago napatango.

"Sana lang dumating ang araw na bumalik na ang anak ko... Hindi naman talaga siya ganyan kasalanan namin ito eh... Kung hindi lang..." Napatakip ng mata ang ginang.

"Wala pong may kasalanan no'n madam..."

Bumalik sa kasalukuyan si Manang. Napaninsin niyang wala na doon si Albus at Avery.

Babalik na sana siya sa pagdidilig nang biglang tumunog ang cellphone ni Manang Flor. Hinugot niya ito mula sa kaniyang bulsa.

"Hello Madam."

"Manang nabalitan ko meron tutor ngayon si Ellie. Kamusta naman? Ang sabi din ng mga anak ko magiging step Mom daw siya ni Ellie." Nanlaki ang mata ni Manang ngunit kalaunan napangiti.

Gastrell Brothers Series #1 Secret Possession COMPLETED Where stories live. Discover now