CHAPTER 1 Gusto Mo Kape?Marahang umungol si Amanda ng magising ito. Unti-unti nitong dinilat ang kanyang mga mata habang napasapo sa kanyang ulo. Marahil nasobrahan ito sa tulog, napasarap yata sa ibang kwarto.
Malabo ang mata ni Amanda, kung kaya't hindi niya muna napansin na nasa ibang kwarto siya. Kinapa nito ang salamin sa bedside table. Tumingin na din ito sa oras ng mahawakan niya ang cellphone niya.
"Whatdapak!!!!!??!!!!" Halos mawindang ito sa nakikita ng masuot ang salamin at makadilat ng maayos. "Where am I?!!!!!!! Nasan' ako!!!???" Takang-takang inilibot ni Amanda ang kanyang mga mata. Halatang panlalaki ang kwarto dahil sa kulay nitong gray at black ngunit hindi maikakailang malinis at mabango ang kwarto. Nakaka-akit ang amoy nito. Kaamoy nito yung sasakyan na sinakyan niya kagabi.
Speaking of kagabi?! Don't tell me na nandito... OMG! Nandito nga ako sa kwarto niya! Sa kwarto ni Lorenz! Mag-katabi kaya kami sa kama? San kaya siya natulog? Mga tanong na tumatakbo sa utak niya. Nakita niya nga kasi ang picture nito na nakasabit sa pader ng silid ng ilibot niya ang paningin niya dito. Kumpirmado kwarto nga ito ni Lorenz.
Agad-agad tumayo si Amanda at kinuha ang kanyang mga gamit saka lumabas ng kwarto. Lalo pa itong nagulat sa kanyang nakita. Si Lorenz, naka-tapis lamang ng tuwalya habang nakalikod. Napatakip ng kamay si Amanda sa kanyang mga mata.
Rated SPG! Jusko po! Tila mahihimatay muli ang dalaga sa mga nasasaksihan nito. Ikaw ba naman makakita ng malaking katawan, matambok na pwet at muscles sa balikat, ewan ko lang kung hindi malaglag ang panty mo.
"Ahhmm.. hmm... Lorenz.." Mahinang sabi nito pero narinig pa rin ni Lorenz.
"Shit! Wait lang, wag ka munang tumingin!" Nagulat ito at nataranta pero huli na, nakita na siya ni Amanda na naka-tapis.
Dali dali itong nag-suot ng shorts at t-shirt. Maliligo palang kasi siya kaya siya naka-tapis. "Hindi ka man lang nagsabi na gising kana pala.." Bulalas nito sa dalaga.
"Nagulat din ako na nandito ako at wala sa apartment ko.." Aniya habang nakayuko at hindi magawang tumingin kay Lorenz.
"You fainted last night. I don't know where your exact house is, that's why dinala nalang kita dito sa Condo ko. Don't worry hindi naman kita pinagsalamantahan." Pilyong sabi nito sabay ngisi.
Umangat na ang ulo ni Amanda at nagtama ang tingin nila ni Lorenz. May kung anong naramdaman siya ng mag-tama ang kanilang mga tingin. "I'm sorry, and thank you nga pala.." Unti-unti din itong ngumiti sa binata kahit hiyang hiya ito.
Nag-lakad papuntang kusina si Lorenz. "Nah, it's okay.. Konsensya ko pa kasi kung iwan kita doon or ipag-bilin sa ibang tao." Dagdag pa niya habang kumukuha ng pagkain at inumin sa refrigerator.
"Ahm.. I think I should go." Sambit ni Amanda at tila nag-mamadali na. "I will be late on my class." Dagdag pa niya. May pasok nga pala, ano ba yan first day ko pa naman sa university ngayun tapos late ako! Nag aalalang pag iisip nito.
Lorenz chuckled, "Walang pasok ngayon, suspended na kagabi pa." He said. Tuloy-tuloy pa rin kasi ang malakas na ulan.
Nanlaki ang mata ni Amanda sa narinig. Pumalakpak din ang tenga niya dahil sawakas makakaligtas siya sa pag-papakilala sa bawat subject. Transferee kasi ito sa San Martin University at talagang wala pang kakilala kahit isa.
Isa talaga siyang dakilang loner at introvert.
"I really think I should go home." Hindi talaga ito magpapapigil na umalis. Nakatayo na nga ito malapit sa pinto ng unit at bitbit ang bag niya.
YOU ARE READING
Gusto Mo Kape?
RomanceNag-umpisa ang lahat sa isang katanungan, "Gusto Mo Kape?". Hanggang sa nahulog ang loob sa isa't-isa. Makaka-survive kaya ang mainit-init nilang pag-mamahalan o mapapalitan ito ng pait at hinagpis. Love is like a coffee, it's addictive and it make...