Chapter 7 Class President

12 2 0
                                    


CHAPTER 7 Class President




Kakaiba rin ma-inlove tong si Kuya Lorenz eh! Gagawin pa akong stalker, taga-subaybay at kakaibiganin ko pa yung babaeng sinasabi niya. Sa isip-isip ni Ria. Kaka tapos lang nila mag-usap ng Kuya Lorenz niya sa cellphone patungkol kay Amanda Reyes. Hindi naman niya ito matanggihan dahil parang totoong Kuya na rin ito sakanya. Lalo na't nag iisa lang siyang anak. Wala siyang kapatid, kaya naman ganon na lamang ang pagiging friendly at jolly nito sa ibang tao na siyang kabaligtaran naman ni Amanda.


Natanggap na ni Ria ang sinend ng Kuya Lorenz niya sa kanyang email.


Naglalaman ito ng mga impormasyon tungkol kay Amanda Reyes. Agad niya itong binuklat para basahin.


Next month ay pasukan na, mag eenroll palang din si Ria. Madali na sakanya ang mag enroll dahil hindi siya nawawala sa pagiging Dean's Lister sa school. Active siya sa mga organizations sa school, masasabing matalino ito at disiplinado sa pag aaral. Pag nakatapos siya ay gusto niyang magkaroon ng sariling Cake Shop kaya naman Culinary Arts ang kinuha niyang kurso sa kolehiyo. Suportado naman ang both parents niya dito dahil nga nag iisang anak ay binibigay agad ang lahat ng gusto at pangangailangan niya. Ang ama niya ay isang NBI Agent, ang mama naman niya ay isang Manager sa Sales Company.

22 taong gulang na si Ria, pero hindi pa ito nag-kaka boyfriend kahit kailan. Madami namang gustong manligaw at nagpaparamdam na gusto siya pero hindi talaga matuloy-tuloy. Open naman siya na magkaroon ng relationship o nobyo kaso kapag sasagutin na niya ang nanliligaw ay biglang nawawala naman yung feelings niya o interes niya sa taong yon.

Maliban sa isang tao na simula 1st year college pa lang ay talaga namang mahal na niya.


Si Levi Sarvida, ang lalaking matagal na niyang palihim na minamahal.

Nung una silang maging mag kaklase ay napukaw na nito ang kanyang atensyon at pansin. Pasaway ito, bully at malakas mang-asar. Pero nagulat siya ng halos pumasok ito sa TOP 10 ng klase. Para sa isang makulit at pasaway na estudyante, mahirap makipag sabayan sa mga matatalino pero iba tong si Levi. Kaya simula non humanga na siya sa binata hanggang ngayon.

Ngunit never niya ito inamin, o pinahalata na may gusto siya rito. Sa katunayan nga niyan ay palagi silang nag-babangayan. Lagi niyang kinokontra o pinapatulan si Levi tuwing may bubullyhin itong kaklase nila. In short para silang aso at pusa. Sa paraang don lang kasi siya pinapansin ni Levi. Pero pag dating lahat sa mga achievements niya sa school ay wala itong pakialam.

Napabuntong-hininga si Ria habang nakahiga sa kama at nakatingin sa kisame. Kailan kaya ako magkaka boyfriend? "Psssh, makaligo na nga lang." Bumangon na ito at dumiretso na sa banyo.


---

"Good morning, Ma'am, may gusto lang po sana akong ipa-check sa records ng mga sections." Nandito pala si Ria sa University dahil nag-enroll siya, sawakas wala na siyang iisipin. 2 weeks nalang at mag uumpisa nanaman ang klase. Bukod sa pag-eenroll ay nais niyang malaman ang magiging section ni Amanda. "Ma'am pwede ko po ba malaman ang section ni Amanda Reyes." Hiling nito sa admin ng University.

"Bakit? Kilala mo ba siya?" Tanong nito.

"Ah, eh.. Yes Ma'am, bestfriend ko yan! Transferee po siya.. Hehehe.." Pag sisinungaling nito. Naku, Kuya Lorenz hindi naman talaga ako marunong mag-sinungaling pero eto na, Lord, sorry po talaga. Sa isip isip nito. Kaya lang naman niya sinabi yun ay para hindi na magtanong pa tong kausap niya.

Gusto Mo Kape?Where stories live. Discover now