Chapter 3 My New Favorite

18 2 0
                                    


CHAPTER 3 My New Favorite







"OMG!!! Mag-kakilala kayo ni Amanda? Kuya Lorenz?!" Halos mawindang si Ria sa nasaksihan.

"Ahm.. Hindi.." Amanda

"Oo magkakilala na kami.." Lorenz

"Huh!? Ano ba talaga? Ang gulo niyo!" Napakamot si Ria sa ulo, hindi maintindihan ang dalawang 'to. Sabi ni Amanda, hindi daw. Si Lorenz naman, oo daw.

"Ah eh, what I mean is hindi pa kami close." Bigkas ni Lorenz habang naka-tingin lang kay Amanda. Agad na iniwas ni Amanda ang kanyang mga tingin sa binata. Nakaramdam ito ng hiya at napalunok ng malalim. Pinagpapawisan pa ang mga kamay nito ng malamig. Kala mo naman bibitayin na sa kaba.

Relax Amanda! Si Lorenz lang yan, yung tumulong sayo at nakita mong nakatapis ng tuwalya. Makulit na mga salita ang tumatakbo sa isip niya ngayon habang kaharap ang binata.

"Ah, okay. Osya! Basta Kuya si Amanda, and you.." Nguso nito kay Amanda. "He's the owner of this Coffee shop, my cousin, Kuya Lorenz.." Pag uulit ni Ria.

"Hi Amanda.." Inextend ni Lorenz ang kanyang kamay bilang pormal na pagpapakilala.

Tinignan iyon ni Amanda. "Hello, kku..ku..ya Lorenz.." Mautal utal na sabi nito dahil hindi niya alam kung Lorenz lang ba ang itatawag niya o Kuya. Hindi naman niya hinayaan na mapahiya ang binata, kinamayan niya din ito ng mabilis.

"Hey, kuya.. Ilibre mo naman kami ni Amanda.." Umangkla ito sa pinsan at naglalambing. "Remember, may utang ka sakin.." Aniya. Sabay sinigkitan niya ng mata ang kanyang Kuya Lorenz.

Ngumiti ang binata, "Sure, pili na lang kayo sa menu then sabihin niyo dun sa counter." Agad naman din itong pumayag.

"Ahh.. No!" Biglang sabi ni Amanda. "Ahm, nakakahiya.. Ako na mag babayad nung sa'kin." Aniya. Ganito ba talaga dito sa Manila, mahilig manlibre ang mga tao? o baka naman may kapalit to. Si Amanda lang yata yung taong ililibre na pero tumatanggi pa.

"Stop it Amanda! It's on me!" Maarteng sabi ni Ria. "Niyaya kita dito, kaya akong bahala sayo.." Dagdag pa niya.

"Oo nga, matagal kong hindi nakita tong paborito kong pinsan eh." Sabay gulo sa buhok ni Ria.

"Stop it Kuya, ginugulo mo yung buhok ko!" Wika ni Ria.

Nakaramdam ng inggit at lungkot si Amanda. Marahil ay hindi niya nararanasan yung mga ganitong kulitan lalo na't wala naman siyang kapatid, hindi pa siya ganon kalapit sa mga pinsan niya. Puro lalaki kasi, dalawa lang ang babae. Namiss tuloy bigla ni Amanda ang kanyang pamilya.

Umoder na si Ria ng coffee, si Lorenz naman bumalik sa kanyang opisina dahil may mga inaasikaso pa ito dahil bagong bukas lang ang coffee shop. Mag iisang linggo palang itong nag-ooperate.

Nanlaki ang mata ni Amanda nang matikman ang inorder na kape para sakanya ni Ria. May naalala siyang kalasa nito, Oh my gaaaaahd! Halos kapareho ng lasa nung paborito kong kape sa paborito kong coffeeshop sa Baguio! Breakfast and Kofi.. waaaaaaahh! Bakit magkalasa sila! Hindi mawala wala sa isip niya ang pagkamangha sa lasa ng kape na natitikman niya ngayon. Mukang may bago na akong favorite. Sa isip-isip nito.

"Ang sar-rrapppp.." Mahinang sabi ni Amanda.

Napatingin si Ria sakanya, "I told yah! Masarap dito!" Pagmamalaki ni Ria.

Unti-unti nang napapalagay ang loob ni Amanda kay Ria, pero nahihiya pa rin siya sa dalaga kahit papano. Hindi din kasi ito sanay ng nililibre ng ibang tao, dahil siya lang naman ang gumagastos sa kanyang sarili mula pa noong mangibang bansa ang kanyang mga magulang.

Gusto Mo Kape?Where stories live. Discover now