CHAPTER 4 Annoying
Oras na ng uwian. Hindi alam ni Amanda paano niya yayayain si Levi papuntang Coffeeshop para pag usapan ang project nila as partners. Hays, bahala na nga... Kung sasama siya o hindi.
"Ahm. Levi.. tara na.." Tanging nasabi lang nito sabay tumalikod at naglakad na papalabas ng classroom.
Tinignan siya ni Levi, "Pano ba yan mga tol'? Aalis muna kami ni Miss Newbie.." Pagmamalaki nito sa mga kaklase namin. Napaka-yabang talaga ng isang to, buti may mga kumakaibigan pa sakanya. Sa isip isip ni Amanda.
Sumunod naman agad si Levi sakanya, kung kanina nauuna siyang mag-lakad ngayon ay sabay na sila at halos magkadikit pa dahil uwian na, madaming estudyante at masikip ang corridor kung saan sila naglalakad gawa ng mga nagkumpulan na students.
"Oh, bat kaya kasama niya si Levi?"
"Is she the new girlfriend?"
"Sus, dagdag lang yan sa collection ni Levi.."
"Mas maganda naman ako sakanya no!"
"Dapat ako nalang ang niyaya niya eh!"
Kaliwa't-kanan ang mga bulungan ng mga babaeng estudyante, dahil sa magkasama at sabay sila maglakad ni Levi. Nakaradam ng irita at inis si Amanda sa mga naririnig niya. Kung hindi lang sa lintek na project na yan, hindi ko talaga sasamahan tong mahangin na to! Aniya sa sarili. Dedma nalang siya sa mga naririnig at nagpatuloy sa paglalakad.
Wala si Ria ngayon dahil mag aasikaso din ito para sa kanilang project. Wala munang madaldal for todays bidyow.
Si Levi naman, feeling sikat at taas noo habang naglalakad. Hindi pala feeling kasi totoong sikat naman talaga ito lalo na sa mga babae.
Binilisan ni Amanda ang kanyang paglalakad para maunahan at hindi makasabay ang binata. "Hey, Amanda.. wait for me.. Bat ka ba nagmamadali?" Biglang tanong ni Levi na hinahanabol ang kanyang mga hakbang.
Hindi niya ito sinagot. "San ba tayo mag-dedate?" Dito na nagpintig ang tenga niya at huminto siya sa paglalakad sa kanyang narinig at hinarap si Levi.
"We're not going out for a date! And FYI we will never be.." Mariin na sabi nito. So annoying! Talaga yatang sinusubukan nito ang kanyang pasensya.
Tinawanan lang siya ni Levi at nagtuloy tuloy na sila sa paglalakad.
---
"We're here.." matipid na sabi ni Amanda habang nakatayo na sila sa tapat ng Gusto Mo Kape? Coffeeshop. Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Amanda. Sa labas palang kasi ay tanaw na nito ang isang lalaking nakatalikod na may matipunong pangangatawan, walang iba kundi si Lorenz.
"Tara na, pasok na.." Bigla siyang bumalik sa ulirat. Nauna na pala si Levi sa entrance ng Coffeeshop. Sumunod naman si Amanda.
Pagpasok sila agad silang binati ng isa sa mga staff. "Welcome, Ma'am and Sir. Our coffee is waiting to serve you." Masiglang pambati nito sakanila. Agad namang nilingon ni Lorenz ang pumasok, nagulat pa ito ng makita si Amanda na may kasamang lalaki.
"Welcome po.." Walang emosyon na bati nito. "Have a sit po, as we take your orders." He said with a serious tone of voice. Iniabot ni Lorenz ang menu kay Amanda.
Tumayo si Lorenz malapit sa table nila para madali siyang makakalapit kapag nakapili na ang dalawa sa menu.
"Lilibre mo ba ako Miss Newbie?" Hirit ni Levi. Nagbibiro lang naman ito.
YOU ARE READING
Gusto Mo Kape?
RomanceNag-umpisa ang lahat sa isang katanungan, "Gusto Mo Kape?". Hanggang sa nahulog ang loob sa isa't-isa. Makaka-survive kaya ang mainit-init nilang pag-mamahalan o mapapalitan ito ng pait at hinagpis. Love is like a coffee, it's addictive and it make...