CHAPTER 10 Ghost From The Past
Uwian na.
Kanina pa pabalik-balik si Ria sa kanyang kinatatayuan. Aabante-aatras, tila madami siyang iniisip at hindi mapakali. Bumubulong-bulong din ito pero hindi malinaw.
"Ahm, Ri-aa, okay ka lang ba?" Nag aalalang tanong ni Amanda. "Maupo ka kaya muna, hmm.." Dagdag pa niya, nahihilo na ito sa kanya. Kasi naman, baka mapag kamalang nababaliw na ang kaibigan sa inaasta nito.
Nandito sila ngayon sa Gusto Mo Kape? Coffee Shop. Hinihintay nilang dumating si Lorenz, lumabas daw kasi ito at may pinuntahang meeting lang saglit kasama ang bestfriend na si Kobi.
Naupo na rin si Amanda, siguro napagod na siya dahil kanina pa ito nakatayo. "Hayy.." Isang malalim na hininga ang pinakawalan nito. "I'm so sorry Amanda.. if I'm acting weird right now." She said at tumingin sa labas ng coffee shop. "Ang tagal naman ni Kuya Lorenz.." Anito.
Wala namang magawa si Amanda kundi samahan ang kaibigan. Siya lang din naman kasi ang close at kilala nito aside from Levi na kapartner niya sa isang project.
"Wait, ikukuha kita ng tubig." Tumayo si Amanda papunta sa counter at humingi ng tubig para kay Ria. "Oh, heto uminom ka muna ng tubig pangpakalma.." She said softly.
Tinignan siya nito at bahagyang ngumiti, "Thank you Amanda.." then Amanda smiled back.
Makalipas ang ilang minuto, huminto at nag-park ang isang puting sasakyan at kasunod nito ang pulang sasakyan naman sa di kalayuang banda tanaw kasi ang parking lot ng park.
Si Lorenz, dumating na din sawakas kasama din nito si Kobi. Pag pasok nila ay agad itong lumapit sa pwesto nila, ng makita sila nito.
"Ria.. Amanda.." Sambit niya at lumiwanag ang mukha nito ng makita si Amanda.
"Kuya Lorenz! Kuya Kobi," She greeted. Tumango naman si Kobi at tumingin din kay Amanda. "We have a big major problem!" Tarantang sabi nito. "My gahd!" Dugtong pa niya at ayan nanaman siya hindi mapakali.
"Hey, Ria.. just calm down. Sabihin mo sakin ano bang nangyari? What's the problem?" He said. Bahagyang tumingin ito kay Amanda na nakaupo lang at pinapanood silang mag-pinsan.
"Ahm, we need to talk in private.." Wika ni Ria. Napa isip na si Lorenz, seryoso ang pinsan na may problema nga silang kakaharapin dahil kailangan pa nilang lumayo. "Amanda, excuse us.. importante lang talaga..Pre, ikaw na bahala kay Amanda.." Baling nito kay Kobi.
"Sure, pre dito lang kami." Kobi said.
"Amanda, wait lang ha.. relax ka lang dyan, mabait yan si Kuya Kobi.." Sabi naman ni Ria sakanya. Tumango naman si Amanda.
"Okay lang Ria, wag mo akong alalahanin.." She said.
Nagtungo sila agad sa opisina ni Lorenz, naiwan si Amanda at Kobi doon, umorder na lamang sila ng kape. Nagpakilala na din si Kobi sakanya, hindi pa kasi siya pormal na naintroduce ni Lorenz dahil mukang mas importante ang sasabihin ni Ria. Nag kwentuhan nalang muna si Amanda at Kobi habang hinihintay ang mag-pinsan.
---
"Kuya Lorenz, she's back!" May halong inis sa tono nito. "That bitch is back!" Dagdag pa niya. Kitang-kita ang galit at inis nito.
Tila naguluhan si Lorenz, "Sinong bumalik? Ria.." Naguguluhang tanong nito.
"Ava Mendoza is back Kuya! The girl who leave you without a word and broke your heart!" Dismayado niyang sabi.
Napatigil si Lorenz, napauwang rin ang labi niya, hindi siya makapaniwala sa narinig niya. Parang bumalik lahat ng ala-ala niya sa mga nangyari tatlong taon ang nakakalipas, bumalik lahat ng sakit, galit at pait na naranasan niya ng iwan siya ng unang babaeng sobrang minahal niya si Ava.
YOU ARE READING
Gusto Mo Kape?
RomanceNag-umpisa ang lahat sa isang katanungan, "Gusto Mo Kape?". Hanggang sa nahulog ang loob sa isa't-isa. Makaka-survive kaya ang mainit-init nilang pag-mamahalan o mapapalitan ito ng pait at hinagpis. Love is like a coffee, it's addictive and it make...