Chapter 2 Meet Again

19 2 0
                                    


CHAPTER 2 Meet Again






Nakahiga pa ngayon si Amanda dahil kagigising niya lang at tulala sa kanyang kisame. Marahil ay iniisip niya pa rin ang mga nangyari nitong nagdaan na araw. Nakilala niya si Lorenz, nahimatay at natulog sa bahay ng lalaking hindi pa naman niya lubusang kakilala at baka nga hanggang doon nalang sila.

"Meeoooowwww.. meeeoooow.." Patuloy na pag iingay ng kanyang pusa at naagaw nito ang kanyang atensyon.

"Gutom kana ba Baby Poppy?" Tumingin si Amanda sa kanyang cellphone para tignan ang oras. Alas nuebe na pala ng umaga. Bigla siyang tumayo at nataranta. "Ay hala! May klase pala ako ng 11 A.M!" Bumangon na ito at pinakain si Poppy ang kanyang black and white na persian cat. Pagkatapos ay, naligo na ito at nag bihis. Hindi nag-me-make up si Amanda dahil maganda na ang kutis nito. Sana all.

Maamo ang kanyang mukha, hanggang ibaba ng balikat ang buhok nitong kulay dark brown, matangos na maliit ang ilong, mapula ang labi at may singkit na mata. In short chinita si Amanda. Japanese kasi ang Lolo nito.

Ayaw niyang ma-late dahil first day niya pumasok sa klase. Nagkaroon kasi ng long weekend dahil sa bagyo at patuloy na malakas na ulan.

Iniwanan ni Amanda si Poppy ng snacks at tubig dahil malamang baka hapon or gabihin na siya sa pag uwi. "Poppy, behave ha.. I love you.. una na si Mami.." Nilambing lambing muna nito ang alagang pusa bago tuluyang umalis ng apartment. Mahal na mahal ni Amanda ang pusang si Poppy. Regalo kasi iyon ng yumao niyang Lola. Tatlong taon na si Poppy. Pakiramdam nga niya ay kailangan na nito ng kasama o kalaro man lang dahil baka nalulungkot itong mag isa kapag pumapasok siya o umaalis.

Kinakabahan si Amanda nang makarating sa University. Buti nalang ay napa-aga siya ng thirty minutes. Agad siyang pumasok sa room nila at naupo sa likod bandang sulok. Mahilig talaga itong babaeng to sa mga sulok-sulok. Hayyy.

Nag-labas siya ng libro upang makapag-basa muna habang hindi pa nag sisimula ang klase.

Maya-maya pa'y isa isa nang nagdatingan ang kanyang mga magiging kaklase. May iba na magkakakilala meron din namang iilan na tahimik lang at hindi namamansin gaya niya. Naagaw ng kanyang atensyon ang isang lalaki na agad namang tumabi sakanya. Ngunit hindi niya iyon pinansin. Naalala niya nga pala na late siya ng isang araw sa pag pasok dahil may mga inasikaso pa siya sa pag credit ng mga subjects niya. Nag karoon pa ng longweekend na walang pasok dahil sa patuloy na malakas na pag-ulan.

"Excuse me, Miss.. ngayon ka lang pumasok?" Nagulat ito nang tanungin siya ng katabi niya. Napatulala pa ito saglit dahil gwapo ang lalaki, at matangkad.

Agad naman siyang tumango bilang pag Oo niya dito at muling ibinaling ang atensyon sa librong binabasa.

"Ang swerte mo Miss, dahil katabi mo ako." Mayabang na sambit ng katabi niyang lalaki. "Alam mo ba na madami ang gustong umupo dyan sa inuupuan mo.." dagdag pa niya.


Agad namang nakaramdam ng pagka irita si Amanda, Ang yabang naman! Gwapo naman siya pero hindi ko siya type dahil sobrang hangin niya. "Ganon ba?" Agad siyang nag-salita. "Okay, lilipat na lang ako.." Sinara nito ang librong binabasa at sinukbit ang bag nia sa balikat at akmang tatayo na pero, "No, Miss.. Jan ka lang, para hindi ako tabihan ng ibang babae." Pinigilan siya nito at hinawakan pa ang braso niya.

Nakaramdam ng panginginig si Amanda at bumilis ang tibok ng kanyang puso. Hindi talaga siya sanay sa mga ganito lalo na kung lalaki pa ang gagawa.

Hindi niya alam kung matatakot ba siya o ano. "Much better na ikaw na lang ang katabi ko kaysa iba.." dugtong nito habang nakangiti.

Gusto Mo Kape?Where stories live. Discover now