PROLOGUE

36 4 0
                                    

PROLOGUE



All our dreams can come true if we have the courage to pursue them.


"Congratulations pare! Sawakas natupad na din yung pangarap mong mag-karoon ng sarili mong CoffeeShop!" Masayang masaya si Kobi sabay akbay sa bestfriend nitong si Lorenz, ang nag mamay-ari ng "Gusto Mo Kape?" Coffeeshop na bagong tayo lang sa loob ng isang park malapit sa San Martin University.

"Salamat sa inyong lahat, salamat at hindi kayo nawala sa espesyal na araw na ito." halos mangiyak-ngiyak si Lorenz habang nagpapasalamat sa lahat ng dumalo sa ribbon cutting niya ngayong araw at grand opening ng kanyang coffeeshop.

Masayang nagkainan ang mga bisita ni Lorenz at nagkaroon ng konting salo-salo. May buy 1 take 1 na promo ang coffeeshop sa unang trentang bibili dito at may free pa na isang cookie. Hindi makapaniwala si Lorenz na dadagsain ang coffeeshop niya dahil halos katabi nito ay Milk tea shop at iba pang food stalls na matagal nang naroon.

Idagdag pa na naka-live sa Facebook ang bestfriend nitong si Kobi. Nakatulong din ito upang mas magsipuntahan ang kanilang mga iilang kaibigan.

Hindi naman kalakihan ang Coffeeshop pero masasabi mong marami ang pwedeng makapag dine-in dito at mayroon din silang maliit na al-fresco sa may 2nd floor. Habang lumilipas ang oras ay lalong dumadagsa ang mga tao sa coffeeshop ni Lorenz. Nariyan pa't unang araw din pala ngayon ng pasukan sa eskwela. Sakto ang opening niya.

Pag-sapit ng ala-sais ay halos naubos ang iilang flavor ng kape, cookies at iilang pastries.

"Pare, una na ako at nagpapasundo si Mommy kila Tita." Nag-paalam na si Kobi. "Congrats ulit! Pagbalik ko may libre akong kape ha, kasi tinulungan kitang humakot ng customers." Pag-bibida ni Kobi kay Lorenz.

"Wala nang libre ngayon pre! Business is business." Aniya. "Pero pre, salamat ng marami sa pag-tulong sakin ngayon dito.. Kung hindi dahil sayo, baka walang coffeeshop ngayon dito.." Sabay tapik sa balikat ng kaibigan.

"Joke lang, madami naman akong pera pambayad." Sabi nito sabay tawa. Tinapik din nito sa balikat si Lorenz, "Ano ka ba, suportado kita Pre! Osya pre, alis na ko." Biglang buhos naman ng malakas na ulan pag alis ni Kobi.

"Ingat!" sambit ni Lorenz sa nag-paalam na matalik na kaibigan.

Napansin ni Lorenz na wala nang pumapasok sa shop, kaya naman naisipan na nitong mag-close para ngayong araw.

Nagpahinga muna siya sa opisina at nagbasa ng iilang mga messages. Madaming nag congratulate sa pagbubukas niya ng coffeeshop. Isa lang yata ang message na medyo nalungkot siya. Ang message ng pinsan niya.

Bumuntong hininga nalang siya at lumabas ng opisina upang asikasuhin na ulit ang kabubukas pa lamang na business.

Tumingin siya sa orasan, alas-otso na pala. Gusto pa sana niyang mag-operate hanggang 9:00 PM kaya lang halos naubos na ang nasa menu nila at wala na ring tao sa mga oras na iyon dala na din ng patuloy na malakas na ulan.

"Everyone, makinig kayo." Sigaw nito upang maagaw ang atensyon ng tatlo niyang tauhan sa coffeeshop. "Tayo ay magco-closing na, maraming salamat sa effort niyo ngayong..." Naagaw nito ang kanyang atensyon ng biglang may pumasok na isang babae sa Coffeeshop at basang-basa ang damit nito at bag. Lahat ay halos napatingin sa pumasok na iyon.

Shit! Bakit naman kasi ngayon ko pa hindi nadala yung payong ko?! At bakit naman kasi biglang umulan, samantalang sobrang init kanina! Inis na inis si Amanda habang tumatakbo at nag-hahanap ng masisilungan. Halos nag-sara na kasi yung iilang shop at kainan dahil sa lakas ng ulan.

Gusto Mo Kape?Where stories live. Discover now