CHAPTER 8 Mission
"Napatawag ka Kuya Lorenz?! Sobrang late naman yata ng chika mo.." 10 PM na nang biglang umilaw ang cellphone nito dahil tumatawag ang pinsan niyang si Lorenz.
"Ria, I'm with her now!" Halata sa boses nito na natataranta ito.
"WHAAAAAT?! You mean you're with Amanda Reyes right now Kuya?!" Napabangon tuloy sa pagkakahiga si Ria nang marinig ang sinabi ng pinsan. Kaya naman pala hindi ito pumasok kanina.
"Yes!"
"Woah! Pano? Bakit? Saan?" Sunod sunod na tanong nito.
"Long story pero i-shortcut ko nalang ha.."
"Okay Kuya I'll listen."
Ikiniwento ni Lorenz ang nangyari ng gabing yon, kung paano sila nag kita, kung paano niya hinatid si Amanda hanggang sa mahimatay ito. Masaya si Lorenz na sawakas nagkaharap na sila ni Amanda. Kahit na medyo awkward ang una nilang pag kikita ay masaya ang puso nito sa mga nangyari.
"OMGGGGG! Kuya, I'm happy for you.." Kilig at tawa ang maririnig sa reaksyon ni Ria sa kabilang linya.
"Thank you Ria, thanks for listening by the way.."
"I can't wait to finally meet her Kuya! Ako talagang bahala sa kanya sa school." She said. "And Kuya, Congrats sa opening ng Coffee shop mo! Sorry di ako nakadaan kanina."
Gumaan ang puso ni Lorenz sa narinig, sawakas kahit papano mababawasan ang pag aalala niya para kay Amanda.
"Don't worry it's okay, see you nextweek.. Goodnight Ria!" and they both ended the call.
Inilapag ni Lorenz ang cellphone atsaka pumasok sa kanyang kwarto. Mahimbing na natutulog si Amanda. Lorenz walk towards her, naupo siya sa space sa gilid ng kama niya, King size ba naman kasi, kahit magpag gulong gulong sila ni Amanda roon ay pwedeng pwede.
Tinitigan niya itong Mabuti. She's so beautiful and peaceful. I want her so badly. Lorenz whispered to himself. Inalala niya yung mga nangyari sakanila ngayong gabi at hindi niya mapigilang matawa sa mga cute na reaction ni Amanda. Lalo na nung natakot ito habang nag hihintay sa waiting shed ng masasakyan. Gusto ko naman talaga siyang ihatid eh, diko maintindihan bigla nalang siyang umalis ng Coffee shop. Ang hirap pa namang umarte na hindi ko alam ang pangalan at address niya. Mga tumatakbo sa kanyang isip. He yawned. Dinapuan na rin siya ng antok.
Since malaki naman ang kama niya, he decided na don na din matulog. Wala naman siyang balak na gawan ng masama ang dalaga. Bagsak na din siya dahil sa pag asikaso ng kakabukas niyang Coffee shop.
They sleep together, peacefully.
Kinabukasan, maaga siyang nagising at bumangon, kailangan niya kasing pumunta sa Coffee shop. Kaka open lang ito at gusto niya hands on talaga siya dito. Madami pang kailangan ayusin at i-improve sa Gusto Mo Kape? Coffee Shop. Sa totoo niyan ay hiring pa nga siya ng isang staff na tututok sa cashier. Sa ngayon kasi ay mayroon siyang 3 staff sa Coffee shop niya.
Tulog pa rin si Amanda. Hinayaan lang niya iyon, kumuha siya ng susuotin sa closet, kinuha na rin niya ang kanyang towel at agad na nagtungo sa banyo para makaligo na. Pag labas niya ay dun na siya nag bihis sa may living area, dahil ayaw naman niyang mag bihis sa kwarto knowing na natutulog pa roon si Amanda dahil baka mamaya bigla itong magising.
Halos malaglag ang twalya ni Lorenz ng marinig ang boses ni Amanda, "Ahhmm... Lorenz..." Nilingon niya ito at nakaramdam siya ng hiya dahil naka tapis lamang siya. Lintek! Ano ba yan, nakakagulat naman ang babaeng ito bigla nalang sumusulpot. Buti nalang hindi pa 'ko nag huhubad. "Shit! Wait lang wag ka munang tumingin!" Natatarantang boses nito. Agad niyang sinuot ang shorts at tshirt niya at humarap kay Amanda.
YOU ARE READING
Gusto Mo Kape?
RomanceNag-umpisa ang lahat sa isang katanungan, "Gusto Mo Kape?". Hanggang sa nahulog ang loob sa isa't-isa. Makaka-survive kaya ang mainit-init nilang pag-mamahalan o mapapalitan ito ng pait at hinagpis. Love is like a coffee, it's addictive and it make...