Chapter 9 She Returned

16 3 1
                                    




CHAPTER 9 She Returned








Hinihintay nalang nilang maluto ang pasta at tikiman time na. Nakaramdam ng excitement si Amanda, sa totoo niyan e nagugutom na din siya. "Amanda.. maupo ka na, ako nang bahala mag serve nito.." Anito. Saktong dami lang yung niluto nila dahil next week pa naman ang schedule ng taste test ng kanilang Professor. Mas maganda kung matikman na nila at para mas maimprove pa nila kung may kulang pa sa lasa nito.

Nagkatinginan sila ng marinig nilang bumukas ang gate. Nakaramdam ng kaba si Amanda, Sino kaya yung dumating? Tanong sa isip nito. Hangga't maaari ay ayaw niyang madatnan siya ng parents ni Levi dito dahil baka mamaya ay kung ano ang isipin sakanya lalo na't babae pa siya.

"Ma.." Sambit ni Levi nang agad na makita ang ina sa kusina.

"Hey Son.. Ang bango naman niyan, dun pa lang sa may garahe, I can already smell this.." Tukoy nito sa niluluto ni Levi. Hindi agad nito napansin si Amanda. Bandang sulok kasi ito naka upo.

Parang hindi maka hinga si Amanda sa kinauupuan niya ngayon. Lalo na't nakita niya ang Ina ni Levi. OMG! Ang ganda niya, parang magkapatid lang halos sila. Mukha siyang masungit, sana naman ay hindi siya magalit kapag nakita niya ako dito. Sa isip-isip niya habang nakaupo.

"Ahm, Ma.. Hindi mo man lang pinapansin yung bisita natin.." Sambit ni Levi. "Inuna mo pa tong pagkain.." Pabirong sabi nito at tumawa.

Agad na lumingon ito sa direksyon ni Amanda. Bahagyang nagulat pa ng makita siyang naka upo.

"He..hello p-po, good afternoon po.." Halos mautal ito sa sobrang hiya. Ni hindi makatingin ng diretso sa ina ni Levi.

"Oh I'm so sorry dear.." Baling niya dito. "Good afternoon too, what's your name by the way?" She asked.

"I'm, A-Aman..da.. po Ma'am.." Nakangiting sabi nito ngunit halatang nahihiya ito.

What's with this girl?! She's so freakin cute! Nakatingin lang si Levi kay Amanda at sa Ina nito.

"What a beautiful name, Amanda.. Nice meeting you.." Nakangiting sagot ng ina. "Don't call me Ma'am, nakakatanda iyon.. Just call me, Tita Erlin.." Pahabol nito. "Okay, madami pa akong gagawin. Maiwan ko na kayo dito.." Dagdag pa niya.

Nakahinga ng maluwag si Amanda, napakabait naman pala ng Mom ni Levi, masayahin din ito. Kahit mukha itong mataray kung titignan.

"Pasensya kana sa Mom ko, she's just crazy.." Nakangising sabi ni Levi. Ngumiti na lamang siya at nag-kibit balikat.

Bigla tuloy niyang namiss ang mga parents niya. Kailan kaya sila makaka bisita man lang dito sa Pinas? Naisip niya tuloy ang mga ito, halos 3 years na din silang hindi nag-kikita.

"Tikiman time.." Inilapag na ni Levi ang fries at pasta para matikman na nilang dalawa. "Ladies first.." Levi said.

Napalunok ng malalim si Amanda bago kumuha gamit ang kutsara niya, "Walang lason to ha." Birong hirit ni Amanda sakanya.

"Lason wala, gayuma baka meron.." Hirit naman ni Levi. Inirapan niya ito bago sumubo, sira talaga ang isang to.

Nang matikman niya iyon ay namangha siya sa lasa. My gahd! Bat' ganito to kasarap? Baka nga nilagyan niya to ng gayuma? Ang sarap talaga, gusto kong ubusin ang isang plato! Sa isip-isip niya.

"So how's the taste of it?" Casual na tanong nito sakanya. "Masarap ba?" Dagdag pa niya.

"Okay lang.." Tipid na sagot nito. Pero deep inside Sobrang sarap Levi. Pwede bang akin nalang to? Iuuwi ko na to lahat! Sa isip-isip nito.

Gusto Mo Kape?Where stories live. Discover now