CHAPTER 12 Overthinking
Alas-dose na ng hating-gabi pero hindi pa rin makatulog ni Levi. Damn! Bakit hindi ka mawala sa isip ko Amanda?! Hala ka, Levi. Buti nalang tanghali pa ang pasok niya bukas. Dilat pa rin siya hanggang ngayon. Bukod kay Amanda, hindi rin mawala wala sa isip niya ang sinabi ng kanyang Daddy. Napatalukbong na nga lang siya ng kumot.
Simula nung araw na sinabi ng Ama niya na mag-aaral pa siya ng Engineering course after he graduated, hindi na iyon nawala sa isip niya. Hindi iyon ang gusto niyang mangyari.
Habang lumilipas yung mga araw, pakiramdam niya ay papalapit ng papalapit yung gustong mangyari ng Daddy niya. Ang Mom naman niya ay suportado sa mga desisyon niya, kaso wala na din itong magawa pag Daddy na niya ang nag-salita.
May pagka-superior kasi ang Ama nito, di hamak naman na mas close niya ang kanyang Ina. Hindi ko naman talaga gusto mag Engineer, si Dad kasi ang kulit! Sa isip-isip pa nito.
"Dumagdag pa tong si Amanda! Waaaaahhh." Kausap nito ang sarili niya habang hindi mapakali sa kanyang higaan. Nag-simula tong kakaibang nararamdaman niya nung pumayag si Amanda na gumawa ng project sa bahay nila. Nung moment na inilapit niya ang mukha niya dito, tila gusto niyang halikan ang dalaga. Pero hindi naman siya manyak para gawin iyon kaya napigilan din niya. Pati yung nangyari sa apartment ni Amanda, ay hindi naman talaga niya sinasadya kaya nga umalis nalang siya para wala nang gulo.
Malaki ang respeto niya sa dalaga dahil nakikita niya kung gano ito kabait at katahimik hindi gaya ng ibang mga babae na nagkakandarapa sakanya upang magpapansin.
Kinuha niya ang cellphone niya na nakapatong sa bedside table niya. Pumunta siya sa Photos, at doon tadtad ng pag-mumukha at pictures nila ni Amanda. Ang totoo niyan ay madami itong stolen shots sakanya. Hindi ko buburahin ang mga ito kahit matapos at maipasa na namin yung project at documentation. Sa isip-isip niya.
"Ang ganda niya talaga.." Sambit nito. "Simple pero ang lakas ng dating.. I guess that's what makes her special.." Anito. Tinamaan na kaya siya kay Amanda Reyes?
Hindi niya maintindihan ang sarili, bakit niya ba ginagawa yung mga bagay kay Amanda na hindi naman talaga niya ugaling gawin. Ano bang meron sayong babae ka!
Nag-iiba naba ang taste o tipo niya sa isang babae? Baka naman mas pinipili na niyang maging better person, at hindi na yung Levi na nagpapalit-palit ng babae, malakas mambully, nag papaiyak ng babae at nakikipag away sa babae.
This time he wants something new, something different and something na magpapabago ng mindset niya pagdating sa mga babae. And I think that's because of Amanda.. Hindi namalayan ni Levi na nakatulog na pala siyang iniisip si Amanda.
---
Kobi's Calling ..
"Hello, Pre.." Bungad ni Lorenz pagkasagot niya ng tawag.
"Pre, nandito ako sa Manila. Labas tayo?" Pag aya ni Kobi. Buwan buwan naman siya lumuluwas ng Manila at may Condo unit din ito dito. Kaso kapag busy sa Coffee Bean Farm nila ay madalas itong nasa Baguio.
"Nasa coffee shop pako eh.. After ko mag-sara kita tayo sa usual Bar na pinupuntahan natin." Aniya. Sumang-ayon naman si Kobi atsaka ibinaba ang tawag.
Bet Side Grill and Resto Bar
Naunang dumating si Kobi sa napag-usapang lugar nila ni Lorenz. Sa Bar na' to namulat ang dalawa sa bisyo nilang alak. Ang bar na ito ay pag-mamay-ari ng family friend nila Kobi kaya naman lagi silang dito nagpupunta dahil malaki din ang nadidiscount nila sa mga inoorder nila, bukod don malawak din ang bar na ito.
YOU ARE READING
Gusto Mo Kape?
RomansaNag-umpisa ang lahat sa isang katanungan, "Gusto Mo Kape?". Hanggang sa nahulog ang loob sa isa't-isa. Makaka-survive kaya ang mainit-init nilang pag-mamahalan o mapapalitan ito ng pait at hinagpis. Love is like a coffee, it's addictive and it make...