Chapter 2 - The vow would not be of love, but of hatred
RENATA
Humihingi ako ng tulong; sigaw ako nang sigaw ngunit imbes ba tulungan ako ay tila ba'y pinagtatawanan pa ako, at ang boses ng halakhak na iyon ay nagmumula kay Abaddon.
Hindi ako makakilos. Bakit ayaw akong tulungan ng asawa ko? Bakit hinayaan niya lang ako na mahulog sa malalim at madilim na bangin?
"Wife?! Rena! Rena, wake up!"
Matagal din bagi ako nagising. Nagising dahil sa bangungot. Bangungot na animo'y totoo. Ang lalim ng paghinga ko at ang lakas ng kaba ko sa dibdib. Nang mahimasmasan, napatingin ako kay Aba na kakabalik lang sa kama namin sabay abot sa akin ng isang bago ng tubig. Dahan-dahan ko iyon ininom at naupo sa uluhan ng kama. Habol pa rin ang paghinga.
"Are you okay? What's wrong?"
Umiling ako. "W-wala... masamang panaginip lang."
"Matulog ka na ulit. Napagod ka lang ng husto. I love you."
Tumungo ako sa veranda ng kwarto namin. Mayamaya lang ay naalala ko na naman 'yung panaginip ko na iyon.
"Ugh! Anong ibig sabihin nun?" Mahina kong tanong sa sarili.
Malinaw na malinaw sa isipan ko ang mga salitang iyon. Pakiramdam ko parang harap-harapan na sinabi iyon sa akin ni Aba.
"You will marry me; The vow would not be of love, but of hatred."
Bigla na naman akong nakaramdam ng takot. Gusto kong kwesyunin si Abaddon kung mahal niya ba ako, pero sa limang taon namin na magkasintahan ay hindi naman niya ako pinakitaan nang kakaiba, o hindi niya naman pinaramdam sa akin na hindi niya ako mahal; araw-araw pinaparamdam niya sa akin na mahalaga ako sa kanya—na mahal niya ako.
"Okay, let me know Doc Santiago. See you, then."
Sinalubong ko si Aba nang makapasok na ito sa kwarto namin. Tama nga ako may kausap siya sa ibang linya—related sa trabaho nito.
"Good morning. Sorry I didn't wake you up." Isang magaan na yakap at halik sa noo na ginawad sa akin ni Aba.
Umiling ako. "Ayos lang. Nagugutom na ako, Mahal." Nauna na akong kumalas ng yakap sa kanya.
"Oh? Sorry, tara na sa baba nagpahanda na ako ng breakfast natin do'n."
"Thank you!" Kinuha ko ang kamay niya at hinila palabas ng kwarto.
Hindi ko na inisip pa 'yong panaginip kong iyon. Masyado lang ako napagod kahapon kaya lung ano-ano na ang napapanaginipan ko. Kabaliktaran iyon ng lahat sa reyalidad. Panaginip lang iyon—hindi dapat pagkaalalahanan.
"You sure you okay? You had a bad dream last night. I wonder what happen."
I deeply sigh. Sinabi ko lahat sa kanya, pero imbes na seryosohin iyon ay natawa nalang ito.
"Thank goodness. What a relief."
I agreed. Wala na akong nasabi basta nag-almusal nalang kami at nagplano para bukas na honeymoon namin sa Japan. After a long conversation to him, I recieve a call from Thea. Hindi ako nagdalawang isip na sagutin ang tawag niya at kausapin ito. Nagulat ako sa ibinalita sa akin ni Thea—sinugod sa hospital si Avil. Kahapon lang ay ang sigla at nakikipagbiruan pa namin—ni hindi mo makitaan na may sakit siya. Gustuhin ko man na bisitahin siya ay pinigilan na ako ni Thea. She's fine and stable.
"Sorry, did you wait long?" Tanong ko kay Aba—nagkakape.
"Anong sabi ng doktor?" He ask.
"She's fine, nothing to worry." Paninigurado ko. He just nod and sip his coffee.
BINABASA MO ANG
The Revenge Of Rebirth Ex-Wife (R18+)
Gizem / GerilimAt the age of twenty-six, Renata Sumatra married her longtime boyfriend Abaddon La Valle, thirty-four year old-an doctor of surgeon. Renata is a successor of cosmetic company. She is good in her job, a smart and very humble. Meanwhile, Abaddon is a...