Chapter 5

317 5 0
                                    

"Masarap ba anak?" Tanong ni mama sa'kin, kasalukuyan kasi akong kumakain ng bilo-bilo na binili niya sa naglalako kanina-nina lang.

Tumango naman ako."Opo ma ang sarap po." Sagot ko,

Tinapos kona ang pagmimiryenda ko at hinugasan ang pinagkainan ko ng bilo-bilo bago ko kinuha kay mama ang pamasmas.

"Ma ako na dito. Magpahinga kana muna." Sabi ko, tumango naman si mama at umupo sa inuupuan ko kanina.

Sinalubong ko si papa at nagmano."Kaawaan ka ng diyos anak."

Pinagmasdan ko si papa na hingal na hingal, hindi ko rin kasi alam kung saan siya galing dahil kaninang dumating ako ay wala siya. Ang naisip ko naman ay baka nagtinda ng tinapa sa gitna pero mukhang hindi naman.

"May problema ba pa?" Tanong ko sa kanya ng makaupo na siya sa tabi ni mama.

"Wala si tonyo nak.. Kumuha pa naman ako ng pandinda natin na pandagdag, yun nga lang ay wala akong kasamang magbubuhat ng isang plangganang galunggong."Sagot nito na mukhang namomoreblema.

Gusto ko sanang magpresinta na tumulong kaso alam kong hindi papayag si mama mas lalo na si papa.

Bumugtong hininga naman ako. "Gusto moba pa, pakiusapan ko si aadam?" Tanong ko sa kanya habang inaayos ang mga paninda naming kamatis.

Umiling naman si papa. "Hindi na nak, nakakahiya naman lalo na at may trabado din ang batang yon.."

"Anna may naghahanap sayo." Rinig kong saad ni peter na kaibigan ni aadam.

Kumunot naman ang noo kaya mabilis akong humarap.

Namilog ang mata ko ng magtama ang mata namin ni Vanjosh, anong ginagawa nya dito?

"Hi rhianna." Bati niya, napalunok naman ako.

Alanganin naman akong ngumiti. "Ikaw pala Vanjosh anong ginagawa mo dito?"

"Pasensya kana Rhianna kung biglaan akong pumunta dito sa pwesto niyo. Gusto ko lang sanang ibigay to sayo, nakalimutan mo kasi sa kotse ko.." Sabi niya.

Bumaba ang tingin ko sa inaabot niyang folder. Shit. oo pala nakalimutan ko sa dashboard ng kotse niya kanina, oo hinatid niya nanaman ako dahil nagpupumilit nanaman siyang ihatid ako kahit tumatanggi ako. mabilis ko namang tinanggap.

"Nako Vanjosh, pasensya kana nawala kasi sa isip ko, naabala ko pa tuloy ang oras mo." Nahihiyang sabi ko.

Ngumiti naman sya.

"Teka, nak sino' to?" Biglang sulpot ni mama sa gilid ko na hindi inaalis ang pagkakatitig kay Vanjosh.

"Hello po tita, i'm Vanjosh Gideon Eros Villanueva. Rhianna's friend po.." Pakilala ni Van tsaka inabot ang kamay niya na agad namang tinanggap ni mama.

"Sandali anak, ito ba yung sinasabi mong kaibigan mo na madalas maghatid sayo?" Usisa naman ni papa na hindi ko man'lang namalayan na nakalapit na rin pala.

Tumango naman ako. "Opo pa, si Vanjosh nga po pala kaibigan ko mama,papa.." Pakilala ko kila mama at nilingon si van ."Vanjosh, sila mama at papa nga pala.." Ngumiti naman si Vanjosh sa kanila.

"Nako, napakagwapo mong bata iho." Nakangiting puri ni mama.

"Salamat po.." Ngumiti si Vanjosh.

"Ganyan rin ako ng binata ako, iho. Madalas din akong masabihang gwapo.." Singit ni papa, kaya mabilis siyang siniko ni mama.

Tumawa naman si Van.

"Biro lang o siya, maiwan kona muna kayo dito at hahanap pako ng makakatulong ko ." Paalam ni papa sa'min.

Stained of the Past(UnderEditing)Where stories live. Discover now