Chapter 18

173 5 0
                                    

"Rhi, may assignment ka?" Pagpasok na pagpasok ko ng classroom yun ay yun agad ang bungad ni Darah sakin.

"Bakit, Darah hindi ka nanaman ba gumawa?" Mataray na tanong ni Elli.

Namula naman ang pisngi ni Darah. "S-sa condo ni isaiah ako natulog kaya kanina lang ako nakauwi—"

Nanlaki ang mata namin ni Elli. "Ano bakit doon ka natulog?"Malakas na tanong ni Elli.

"Hinaan mo naman ang boses mo, Elli.." Nahihiyang sabi ni Darah, inirapan naman siya ni elli.

"Bakit ba kasi doon ka natulog?anong dahilan?" Gulat na tanong ko pero mahinahon ang boses ko.

"Wala lang...nanonood kasi kami ng movie, tapos late na natapos kaya doon na ako natulog," Sagot niya. "Hindi ko tuloy nagawa ang assignment ko kasi nakalimutan ko.." Dagdag pa nya.

"Buti pinayagan ka?" Hindi makapaniwalang tanong ni Elli.

Bumungisngis naman si Darah. "Wala kasi si mommy at daddy kagabi, maids lang ang nasa bahay kaya nakatakas ako.."

Hinampas naman ni Elli si darah. "Ikaw.. dapat hindi ka natutulog sa condo ni Isaiah, hindi mo naman siya boyfriend ah?"Halata ang inis sa boses ni Elli.

"Bakit wala naman kaming masamang ginawa ah?nanood lang naman kami."Apila ni darah.

"Kahit na darah, ang pangit tignan.. wag mo ng uulitin to ah?"Panenermon ni elli.

"Oo na.."Napipilitang sagot ni darah tsaka ngumuso.

"Tama na yan,"Saway ko sa kanilang dalawa.

Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang notebook at inabot kay darah,"Gawin mona ang assignment mo.. nagawa ko naman,"

Masayang masaya nya namang tinanggap ang notebook."Thank you rhi.. the best ka talaga!"Tili ni darah.

Tumawa naman ako."You're welcome, darah.."

Dalawang linggong mabilis na ang lumipas magbuhat ng nanggaling kami sa beach nila van at bumalik na ulit kami sa normal. Pasok sa school sa umaga at syempre sa hapon kapag uwian na ay tutulong kila mama sa palengke.

"Rhi, exam na pala ulit in two weeks, nakapagreview kana?"Tanong ni darah sakin.

"Hindi kopa na-review lahat pero yung ibang subject nasimulan kona para hindi ako mahirapan sa iba pa.."Sagot ko.

Tumango naman si darah."Ako rin na-review kona yung iba,"

"Anong pinagbubulungan nyo?"Tanong ni darah ng sumulyap sya samin habang magsusulat.

"Yung exam, nakapag review kana ba?"Sagot ni elli.

Ngumiti naman si darah."Konti."Iniwestra nya ang daliri nya."Pero mag-rereview ako, baka sabay kami ni isaiah."

"Ngayon kolang nalaman na kailangan din pala ng partner kapag mag rereview?"Kunot noong sabi ni elli."Paano naman kaming self review lang?"

Natawa naman ako."Eh di tawagin mo rin si matthew para may partner ka.."

Sinamaan naman ako ng tingin ni elli."Alam mo rhi, ang aga mong manira ng araw,"

"Grabe ka naman.. elli, ang sweet nyo kaya  nung mga nakaraang araw.."Pangaasar ko.

"Pinakikisamahan ko lang siya dahil ayaw nya akong tantanan, rhi.. palagi sya sa bahay namin at nagpapasipsip sa magulang ko."Inis na sabi nya at umirap pa sa kawalan.

Nagkibit balikat nalang ako at hindi na sumagot dahil alam kong hindi namah magpapatalo si elli. Nang matapos ni darah ang pagkopya ng assignment ko ay binalik nya na rin ang notebook ko kasabay ng pagdating ng teacher namin sa first subject.

Stained of the Past(UnderEditing)Where stories live. Discover now