Chapter 16

184 4 0
                                    


"Van kanina pa tayo naglalakad san ba tayo pupunta?" Hinihingal na sabi ko.

"Van, san nga kasi tayo pupunta?" Ulit na tanong ko, medyo masakit na rin ang paa ko dahil kanina nya pa ako kinakaladkad.

Nakahinga ako ng maluwag ng huminto sya kaya napahinto na rin ako. Kumunot ang noo ko ng marealize kong sa field nya pala ako dinala. Walang gaanong studyante dito ngayon dahil siguro ay may klase. Kami kasi ay vacant namin ng tatlong oras ngayon dahil kasali sa meeting ang tatlong subject teacher namin kaya nagulat ako ng pumunta sa upuan ko si van at kinakaladkad ako pababa ng building hanggang sa makarating kami dito.

"Bakit tayo nandito van?" Kunot noong tanong ko at nilingon sya.

Nakita ko naman ang pagbasa nya ng pangibabang labi nya gamit ang dila nya."Rhi, may sasabihin ako.." Sinserong aniya.

"Ano ba yun van?kinakabahan naman ako sayo.."Dinaan kopa sa biro pero ang totoo ay kumakalabog ang dibdib ko.

Nagulat ako ng hawakan nya ang kamay ko, kaya bumagsak ang paningin ko doon."Rhi, kasi ano.."

Mas lumalim ang kunot ng noo ko."Ano?"

"Ano kasi rhi, ano.." Halos hindi nya mabigkas ang gusto nyang sabihin.

Humalakhak ako."Ano van?ano?puro ka ano?ano ba sasabihin mo?" Hindi ko maiwasang tawanan sya namumula ang tainga nya.

Bahagya pa akong natigilan ng mahuli ko sya'ng nakatitig sakin."Rhi, ano kasi eh, ano kasi.

"Ano bang problema van?ano ba yang gusto mong sabihin?bakit hindi mo masabi sabi?" Sunod sunod na tanong ko.

"Kasi ---"

"Kasi ano rhi,"Pagputol ko sasabihin nya. "Oh diba van. yan nanaman sasabihin mo?ano ba yang gusto mong sabihin at hindi mo matapos tapos?Ang mabuti pa babalik nako sa classroom."Patuloy ko at akmang maglalakad na palayo.

Nguniti natigilan ako ng bigla sya'ng magsalita."Rhianna Loerin, i like you."Pakiramdam ko nanigas ako sa kinatatayuan ko. Hindi ako agad humarap sa kanya.

Ano raw?gusto nya ako?totoo ba to?

Napaidtad ako ng hawakan nya akong muli ni hindi ko namalayan na nakalapit na pala sya sakin. Dahan dahan nya akong hinarap sa kanya.

"Rhi, narinig moba yung sinabi ko?" Ulit nya pero nanatili akong hindi umiimik."Rhi, gusto kita, gustong gusto.."Ulit nya. Pero ako ay nanatiling lutang dahil sa biglaang pag confess nya. Anong sasabihin ko?sasabihin koba na gusto ko rin sya?talaga namang gusto ko sya.

"Huy rhi.." Agaw atensyon nya at kinalabit pa ako. pero ako ay nanatili lang na wala sa sarili, narinig ko pa ang magkakasundo na mura nya sa pabulong na paraan.

Humugot sya ng malalim na paghinga bago hawakan ng dalawang kamay nya ang mga kamay ko."Rhianna, sabi ko gusto kita, do you hear me?i said i like you.. do i need to repeat it again and again?" Malakas na usal nya. Doon lang ako natauhan kaya mabilis na uminit ang pisngi ko.

Totoo ba to?si van?gusto rin ako?pero paano nya akong nagustuhan?alam kong ai aeris ang gusto nya noon palang.

Kinagat ko ang pangibabang labi ko."Van, s-sigurado kabang gusto mo ako?" Nahihiyang tanong ko kaya umiwas ako ng tingin.

Hinawakan nya naman ang pisngi ko at dahan-dahang hinarap sa kanya."Yes. Gusto kita rhi. Gustong gusto kita.." Walang bakas ng biro sa paraan ng pananalita nya dahil seryosong seyoso sya.

"Pero bakit a-ako?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Nakita ko ang paggalaw ng adams apple nya."Bakit hindi ikaw?" Balik tanong nya.

Stained of the Past(UnderEditing)Where stories live. Discover now