Chapter 19

214 6 1
                                    

"Hi rhianna."Kumalabog ang dibdib ko ng marinig ko ang pamilyar na boses ni aeris paglabas ko ng office.

Inutusan kasi ako ng teacher na mag collect ng papers ng section namin, dahil nagpagawa siya ng reflection paper samin about sa movie na pinanood nya samin.

"A-aeris.."Nagumpisa na akong manginig. Pasimple akong sumulyap sa paligid kung naroon ba ang mga alipores nya.

"You look pale.."Puna nya kaya bumalik ang atensyon ko sa kanya."Sinundan talaga kita kanina nung makita kitang pababa ng building nyo,"Aniya.

"B-bakit may problema ba?"Hindi ko maiwasang mautal.

"Actually wala.. i'm just here para manghingi ng sorry dun sa nangyari satin last time.. nung nasaktan kita physically, sorry... Nagselos lang naman ako and narealized kona sobra na pala yung ginawa ko sayo."Nagulat naman ako sa sinabi nya.

Ngumiti ako."Nako, wag mo ng intindihin yun.. tapos na yun, kalimutan nalang natin."

Nagulat naman ako ng hawakan nya ang kamay ko."I'm sorry talaga rhiana, i did'nt mean to hurt you pero nasaktan kita kaya sobrang sorry talaga."Wala akong mabakasang kaplastikan sa mga salita nya."Sana rin maging friends tayo para naman makabawi ako sayo."Patuloy nya oa at inabot sakin ang kamay nya.

Nagulat naman ako sa sinabi nya parang hindi pa ako makapaniwala."O-okay,"Nauutal na sagot ko at tinanggap ang pakikipag-kamay nya.

Malapad s'yang ngumiti kaya alanganin akong ngumiti pabalik. Nanlaki ang mata ko ng yakapin nya ako, napalunok naman ako ng sunod-sunod.

"Thank you rhianna, totoo nga yung sinabi nila na mabait ka,"Sabi nya tsaka bumitaw sa pagkakayakap sakin."Friends na tayo ah?"

Dahan dahan naman akong tumango."F-friends."

Ngumiti naman siya ulit at may kinuha sa sbag nya, bumaba naman ang tingin ko doon ng iabot nya sakin, nagtataka akong nagbalik ng tingin sa kanya.

"A-ano yan?"

"Invitation for my birthday, since friends naman na tayo...sana makapunta ka para maipakilala din kita sa iba kopang kaibigan,"Aniya.

"S-sorry, aeris pero hindi ko kasi alam kung papayagan ako ni mama.. pero susubukan kong magpaalam,"Sagot ko at tinanggap ang inaabot nya.

"Sige na payag kana, minsan lang naman eh.."

"Susubukan kong magpaalam, aeris pero hindi pa ako sigurado.."

"Basta pag pinayagan ka, pumunta ka ha?"Ulit nya, hindi na ako sumagot at ngumiti nalang bago tumango."Oh, i need to go na, bye rhianna.. thank you ulit,"Paalam nya habang nakatingin sa cellphone nya.

"Bye aeris."Sagot ko.

Kumaway lang siya bago tuluyang maglakad palayo. Nanatili naman akong tulala sa pwesto kung saan nya ako iniwan, hindi ako makapaniwala na nanghingi siya ng tawad sakin at hindi lang yun, nakipagkaibigan pa siya. Totoo kaya yun?pero kita ko naman ang sinseridad ni aeris kanina habang nagsasalita siya.

"Ano yun, rhi?"Halos mapatalon naman ako sa gulat sa biglang pagsulpot ni karl.

"Bakit kaba nanggugulat?"Hinimas kopa ang dibdib ko.

"Sorry,rhi.. nakita ko kasing kausap mo si aeris, may ginawa ba siya sayo, sinaktan kaba nya?"Sunod sunod na tanong nya sakin, bakas ang pagalala sa boses nya.

Umiling naman ako at mahinang hinampas ang kamay n'yang nakahawak sa mga braso ko dahil tinitignan nya kung may pasa ba ako o anong sugat.

"Ano kaba, karl.. kumalma ka nga,"Pagpapakalma mo sa kanya."Wala s'yang ginawang masama sakin, sa totoo lang nanghingi sya ng tawad sa nangyari nung nakaraan..at nakikipagkaibigan na sya sakin."Nakangiting patuloy ko.

Stained of the Past(UnderEditing)Where stories live. Discover now