Chapter 20

253 5 0
                                    

"Rhianna, anak...ayos kalang ba?"Tanong ni mama.

Ngumiti naman ako at tumango. Hindi ko namalayan na natulala na pala ako habang hinihintay na maluto ang piniprito kong bangus. Sinilip ko ang isda kung pwede nabang baliktarin pero nakita kong medyo hilaw pa.

"Anak, may problema ba?kanina ko pa napapansin na parang may bumabagaba sa isip mo.. pwede mo naman akong sabihan kung mayroon man,"Sinserong sabi ni mama.

Umiling naman ako."Wala naman po mama, pagod lang po siguro ako sa school.."Palusot ko

"Ganun ba anak?ako na kayang magprito dyan?magpahinga kana?"Presinta ni mama.

"Hindi na po mama, ayos lang po ako.. kayang kaya kona pong iluto ito,"Angal ko.

"Sigurado ka anak?"Paninigurado ni mama.

Tumango naman ako."Opo, magpahinga kana muna mama.. tatawagin ko nalang po kayo kapag naiprito ko na yung ulam natin,"

Paglabas ni mama ng kusina ay nagpakawala ako ng bugtong hininga. Banalik ko ang paningin ko sa niluluto ko. Hindi parin ako mapakali, paulit-ulit kasing pumapasok sa isip ko yung tanong ni papa. Tinatanong ni papa kanina kung anong meron samin ni van, hindi ko naman sinasadyang magsinungaling at sabihing wala namang namamagitan samin ngayon hindi ako pinapatahimik ng konsensya ko.

Wala ako sa sarili hanggang matapos akong magluto, muntik ko pang masunog ang isda mabuti nalang at nabalik ako sa wisyo kaya nahango ko agad sa kawali.

"Ma, pa kakain napo."Tawag ko sa kanila pagkatapos kong ihanda ang hapag.

Ilang minuto lang ay narinig ko na ang habag ni mama at papa, papasok ng kusina.

"Parang matamlay ka anak, may problema ba?"Puna ni papa ng magsimula na kaming kumain.

Umiling naman ako."W-wala po, pa.."

"Sigurado kaba anak?kanina ko pa napapansin na parang balisa ka.."Bakas ang pagalala sa boses ni mama."Kung may problema nak, nandito lang kami ng papa mo, handang makinig sayo, ha?"

Kinagat ko naman ang pang-ibabang labi ko. Mas lalo akong nakonsensya. Sorry ma, pa.

"Wag po kayong magalala ma, pa.. wala po akong problema, siguro po medyo pagod lang ako sa school."

"Ganun ba anak?"Ani papa."Kung ganon ako nalang ang maghuhugas, magpahinga na kayo ng mama mo.."

"Nako, mahal ako na.. kaya kona 'to, ikaw nalang muna ang magpahinga."Mabilis na angal ni mama.

"Ikaw ang pahinga ko mahal, kaya nakikita palang kita nawawala na ang pagod ko."Banat ni papa.

"Ikaw talaga mahal,"Hinampas pa ni mama si papa.

Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti dahil sa lambingan ni mama at papa, para silang mga teenager. Sana balang araw makatagpo rin ako ng lalaking mag-aalaga at magmamahal sakin sa hirap man o ginhawa katulad ni papa.

Pagkatapos ng hapunan ay nakipagtalo pa ako kay papa dahil sinabi kong ako na ang maghuhugas dahil nakapagpahinga naman na ako dahil inabot rin kami ng kwarenta minutos sa lamesa kanina. Pero katulad ng inaasahan ko hindi nagpatalo si pap kaya sa huli siya pa rin ang naghugas ng pinagkainan namin.

Tulala ako sa kisame ng kwarto. Pagkatapos ko kasing maglinis ng katawan ay nagpaalam na ako kila mama at papa na magpapahinga na pero ngayong nakahinga na ako ay hindi pa rin ako naman ako tinatamaan ng antok.

"Tama na ang muni-muni anak, matulog kana...may klase kapa bukas,"Nagulat ako sa biglaang pagsasalita ni mama kaya mabilis ang naging paglingon ko sa pituan kung saan sya nakatayo.

Stained of the Past(UnderEditing)Where stories live. Discover now