Chapter 54

558 9 1
                                    

Tulala ako sa kwarto habang iniisip lahat ng sinabi ni Karl. matagal niya na akong gusto?pero bakit hindi ko napapansin o nararamdaman manlang?hindi nga ba o sadyang nakatuon lang ang buong atensyon ko sa iba noon?

Inis akong umupo sa kama at ginulo-gulo ang buhok ko. Hindi ako makatulog, alas onse na ng gabi. Magbuhat ng nag-usap kami ni Karl kanina ay nagumpisa na akong mailang sa kanya, kahit kaninang nagyaya silang magswimming ay hindi ako naki-join, nagkulong lang ako sa kwarto.

Nang dumating naman ang oras ng hapunan ay sabay-sabay kami dahil hindi naman pwedeng magpapahuli ako dahil sanay kami sa mansyon na sabay-sabay na kumain, mapa-umaga man, tanghalian o hapunan.

Kaya't  ginawa ko nalang kay Karl ay umiwas, habang na sa hapag kami ay hindi ko siya tinapuman manlang ng tingin basta't tinuon ko nalang ang atensyon ko sa pagkain at mabilis ding nagpaalam pagkatapos kong kumain.

Nagpaikot-ikot ako sa loob ng kwarto, gusto ko sanang bumaba ng dining area para uminom ng gatas, ang kaso ay natatakot akong baka gising pa si Karl o baka bigla siyang lumabas ng guest room. dito kasi siya nananatili dahil na rin sa kagustuhan ni grandma, wala pa raw kasi siyang kasama sa mansyon nila dito dahil na sa england pa ang grandma niya kung nasaan ang magulang niya, may mga inaasikaso pa raw ito.

Muli akong umupo sa kama. parang gusto ko tuloy kumain ng strawberry waffle tsaka chocolate muffins kaso wala naman kaming stocks non?napatingin ako sa cellphone ko ng marinig kong tumunog ito. Mabilis ko naman itong inabot upang silipin kung sinong nag message. Bigla kong naalala na nakalimutan ko ng replyan si Tyrell dahil sa sobrang lutang ko.

Ty:

Are you still awake?

Ako:

Yes.

Ty:

Sleep now Darling. It's already midnight.

Ako:

Hindi pa ako inaantok, nagc-crave ako sa waffle tsaka muffins.

Ty:

You want that darling?

Ako:

Kasasabi ko lang Ty.

Umirap ako sa kawalan at ngumuso habang hinihintay ang reply niya. Ngunit lumampas na ang mahigit kinse minutos ay wala pa rin ako nare-receive. Inis kong binagsak ang cellphone sa kama, posible kayang nakatulog na siya?maari lalo na at madaling araw na.

Kinagat ko ang labi ko at humiga nalang sa pagkakahiga sa kama. hanggang ngayon ay hindi pa rin ako dinadapuan ng antok. Kahit anong pilit kong pikit o bali-balimtad ay gising na gising pa rin ang diwa ko.

Bumugtong hininga ako at akmang pipikit muli pero naudlot ito ng tumunog ang cellphone ko kaya mabilis kong tinignan kung sinong caller, napakurap-kurap ako habang nakatingin sa screen. buong akala ko kasi ay tulog na si Tyrell, pero bakit sita tumatawag?tumikhim muna ako.

"Hello?" Bungad ko.

"Darling.." Namamaos ang boses nito mula sa kabilang linya.

"Hmm.. bakit?"

"I'm here in front of your gate.."

Napabalikwas ako ng upo. "Huh?"

"I'm here in front of your gate, darling.." Ulit niya.

"A-anong ginagawa mo diyan?" Gulat na tanong ko.

"I bought you waffles and muffins, darling.."

Umawang ang bibig ko. "T-talaga?"

Stained of the Past(UnderEditing)Where stories live. Discover now