Chapter 69

165 5 5
                                    

Nagtikhiman ang mga pinsan ko kaya napabitaw kami ng yakap sa isat-isa. Nag-init ang sobra ang pisngi ko dahil na samin ang atensyon nilang lahat.

"Miss na miss ang isat-isa?mamaya na lambingan, pag solo niyo na." ngumisi si kuya Rowan.

Pinandilatan ko siya pero nagkibit balikat lang siya at ngumisi. Bahagya akong lumayo kay Tyrell, kitang kita ko ang pag-angat ng dalawang kilay niya kaya umiwas ako ng tingin.

"Nakakatuwala talaga kayong tignan dalawa," tumawa si grandma. "Matanda na ako pero kinikilig pa ako sa inyo."

Nagtawanan ang mga pinsan ko pati na iba naming kasama sa mesa kaya mas lalo akong pinamulahan. Hindi sinasadyang mapatingin ako kay Tyrell na may sinusupil na ngiti sa labi, tumikhim ako at inirapan siya.

"Masyado na tayong nalilibang," bakas ang tuwa sa boses ni grandma. "Let's take a seat. Hindi ba kayo nangngawit?" biro pa nito.

Nagsibalikan kami sa kanya kanya naming upuan. Sinubukan kong makisabay sa biruan ang kwentuhan pero sadyang hindi ako mapakali dahil ramdam na ramdam ko ang paninitig sakin. Lumunok ako dahil hindi ako komportable kung kanina ay malakas ang loob kong paglaruan si Van at Aeris sa pamamagitan ng paningin ko, ngayon naman ay para akong maiihi dahil hindi ko alam kung ano bang dapat kong pakikitungo kay Tyrell.

"Tyrell, hijo i heard na mahilig ka raw mag donate sa mga charities?" ani grandma.

Tumikhim si Tyrell. "Yes grandma, when I'm not busy with the firm. I visit every orphanage I help to personally provide toys, foods and groceries for the childrens."

"Tyrell loved kids so much." sinserong ngumiti si tita Christina.

"Mahilig ka pala sa bata Ty?" nakangising singit ni kuya Rowan.

"Yes, i loved kids."

"Bakit hindi ka nalang gumawa ng sarili mo ng anak, pre?"

Nabulunan ako sa sinabi ni kuya Rowan kaya mabilis akong inabutan ng tubig ni kuya Brix na agad ko rin tinanggap.

"Are you okay?" bulong niya.

Nagpunas ako ng labi at tumango. Hindi sinasadyang mapatingin ako kay Tyrell na nakatitig sakin ngayon, bumilis ang tibok ng puso ko kaya nag-iwas ako ng tingin.

"I-i'm okay, kuya." ngumiti ako ng tipid.

"You know what, Tyrell hijo. Erin also created a charity for orphans. You both have the same mindset, to help the person in need," agaw atensyong sabi ni grandma. "Parehong pareho talaga kayo na marunong mag malasakit sa kapwa," dagdag pa nito.

"So, you're not coming back in newyork Erin?" malambing na tanong ni Tita Christina.

Umiling ako. "Nope tita, i'm staying here for good. Siguro po bibisita nalang ako sa new york dahil nandoon ang ibang business ko,"

"You're a doctor Erin, where hospital do you want to work?"

Napatuwid ako sa biglang pakikisali ni Tyrell. Kinagat ko ang labi ko, kinalma ko ang nagwawala kong puso bago nagsalita.

"I have a plan to build my own public hospital for patients na walang kakayanan sa buhay. Doon ko balak mag trabaho,"

"What about your law course?wala ka namang balak i-apply," binasa niya ang pang-ibabang labi niya. "Do you want to hire you in our firm?"

"No— i mean, wala pa akong balak mag apply, i want to more focus on the hospital i planned and of course to charity for orphans," bigla akong nataranta.

Ayaw ko namang isipin niya na tinatanggihan ko siya, gusto kong maintindihan niya na mas gusto ko munang tumulong sa iba at higit na mas nangangailangan, katulad nalang ng mga bata sa ampunan.

Stained of the Past(UnderEditing)Where stories live. Discover now