Chapter 57

419 8 0
                                    

"Erin!"
"Gising na, Erin!"
"Huy!"

Pilit na hinahablot ni kuya Rowan ang Comforter na nakatalukbong sa mukha ko pero pinipilit ko itong hinihila para hindi lumantad ang mukha ko. Antok na antok pa talaga ako.

"Erin!"
"Huy, gumising kana!"

Saglit akong dumilat pero agad ding pumikit dahil antok na antok pa ako, puyat kasi ako kagabi dahil hinintay kong makalanding ang plain na sinakyan ni Tyrell, hindi kasi ako mapakali dahil alam kong na sa flight siya.

Sinubukan ko namang matulog pero hindi talaga ako makatulog, wala naman akong dapat ipag-alala pero hindi ko maiwasan, kaya ang ginawa ko ay hinintay ko siyang makarating dito sa london, habang nasa byahe siya ay magkausap kami hanggang sa nakarating siya sa hotel na tinutuluyan niya.

Mag aalas kwatro na yata ng matulog kaming dalawa dahil magkausap pa rin kami kahit noong namamahinga na siya sa hotel.

"Gising na Erin!"

Napangiwi ako ng maramdaman kong sumampa siya ng kama. Akala ko ay hihilain niya lang ulit ang comforter pero laking gulat ko ng lumundag lundag siya sa kama, dahilan para maalog ako. Inis kong inalis ang comforter na nakatabing sa sariling mukha at umupo para samaan siya ng tingin.

"Good morning," Nakangising sabi niya.

Mas nag salubong ang kilay ko.

"Kuya inaantok pa ako, bakit ka ba gising ng gising?" Pupungas-pungas na tanong ko.

"May bisita ka.."

Kumunot ang noo ko. "Bisita?"

"Oo, na sa baba.. mag-ayos kana, kanina kapa niya hinihintay," Ulit niya.

"Hanggang dito talaga nakasunod pa rin, iba talaga nagagawa ng pagmamahal.."

Naiwan akong nakatanga sa kwarto ng lumabas si kuya Rowan. may binubulong pa siya pero hindi kona naiintindihan sa sobrang hina. Hindi ko tuloy alam kung maniniwala ba ako o hindi, baka kasi inaasar niya lang ako.

Saglit pa akong tumulala sa kawalan bago  ako tumayo ng kama at dumiretso sa bathroom, para mag hilamos at toothbrush. Inayos ko rin ang magulo kong buhok bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Pagbaba ko ay ganun nalang ang pamimilog ng mata ko ng makita kong na sa sala lahat ng pinsan ko, nandito rin sila tito, tita, grandma at si Karl kaharap si Tyrell?

Tyrell?? Anong ginagawa niya dito?

Lahat sila ay napunta sakin ang atensyon ng maramdaman nila ang presensya ko pagbaba ng hagdan, pakiramdam ko uminit ang pisngi ko. Kinagat ko ang labi ko at humalik kay grandma.

"Good morning, grandma,"

"Good morning hija," Ngumiti ito.

Nilingon ko naman sila tito at tita. "Good morning.. tito, tita," Sambit ko at bumeso kay tito at tita.

"Good morning," Bati pabalik ni tito samantalang ngumiti naman si tita.

"Good morning, Rhi.." Bati rin ni Karl.

Nilingon ko siya. " Good morning din,"

Kinagat ko ang labi ko bago mag-angat kay Tyrell na nakatayo sa harap ko, may hawak itong bouquet of red tulips. Kumalabog ang dibdib ko lalo na at nandito silang lahat, pasimple kong sinulyapan ang mga pinsan ko, ang iba ay nagpapalipat-lipat ang tingin samin samantalang ang iba naman ay halatang inaantok pa pero seryosong nakatitig samin.

Tumikhim si Tyrell, kaya mas trumiple ang kalabog ng dibdib ko. Bakit sobrang lakas ng epekto ng simpleng bagay na ginagawa niya?

"Good morning.."

Stained of the Past(UnderEditing)Where stories live. Discover now