Chapter 14

213 3 0
                                    


"Rhi, sa sabado sana natin gawin yung project natin okay lang ba?papayagan kaba nila tita?" Tanong ni Elli.

Nilingon ko naman siya. "Magpapaalam ako sigurado naman na maiintindihan ako nila mama." Nakangiting sagot ko.

"Grabe bagsik ng 2nd grading hindi ko kinakaya, sunod sunod na ipapasa, grabe naman, grabe din mga teacher hindi ba uso sa kanila salitang pahinga?kakapasa palang ng isa may ipapasa nanaman.." Reklamo ni Darah, natawa naman ako dahil mukha talaga siyang stress na stress.

"Nakakatuwa ka palang makitang nas-stress?" Pangaasar ni Elli.

Inirapan naman sya ni darah. "Tigilan mo ako Ellizandra.. nga pala, nasabihan mona ba sila Matthew at Van about sa project na gagawin sa inyo?" Tanong nito. Magkakagroup kasi kami sa mga group activities palagi kahit pa sa group projects ay palaging kami ang magkakagrupo.

Umasim naman ang mukha ni Elli. "Si Van nasabihan kona." Pinal na sagot niya. "Pero si matthew wala akong pakielam sa kanya." Dagdag nito na nagpahalakhak samin ni Darah.

Tatlong buwan ang nakalipas mula ng matapos ang birthday ko, tapos na din ang 1st grading namin, hindi pa nakikita ang awardees pero komportable ako dahil matataas naman ang scores ko sa examm quiz at kahit na sa recitation. Sa tatlong buwang nagdaan, wala ng ginawa sila Van Matthew, Karl at isaiah kung hindi sumama samin, may isa pa silang kaibigan, Noah ang pangalan, hindi ko alam kung nasaan dahil dalawang beses lang naman sumama samin at hindi na naulit pa. Ni hindi ko rin nakikita.

Sa tatlong buwan na samahan namin ay mas nakilala namin ang isat -isa para tuloy kamimg bagong grupo dahil kami lang talaga ang magkakasama, pero katulad noon ay hindi pa ri magkasundo si Matthew at Elli, palagi pa rin silang nagbabardagulan at madalas na nagtatalo sa bagay bagay. Si Van naman ay maayos na maayos kami, pero hindi ko maintindihan kung ano ba talaga ako para sa kanya dahil mas lalo siyang naging sweet at mabait, alagang alaga niya ako hindi lang yun talagang pinandigan nya ang paghahatid sakin kahit na humihindi ako ay wala akong nagagawa sa pangungulit at pamimilit nya.

"Bakit ba hanggang ngayon mailap ka parin kay Matthew?mabait naman siya?" Natatawang tanong ni Darah.

Sumama naman ang timpla ng mukha ni Elli. "Mabait din naman ako, Darah. hindi nga lang kay matthew."

"Speaking of the devil.." Dagdag pa niya. Mabilis ko namang sinulyapan ang tinitignan nya.

Natanaw kong palapit na si Van at Matthew sa direksyon namin. Tapos na kasi ang klase namin ngayong umaga, kaya lunch break na. Sigurado akong magkakasabay nanaman kami.

"Ano girls tapos na kayo?kain na tayo?" Bungad ni Matthew.

Umirap naman si Elli ."Apurado ka?bakit hindi kapa mauna?"

"Naguumpisa nanaman kayo." Natatawang sabi ni Van. "Baba na nga tayo, baka san mapunta yang bangayan niyo.." Patuloy nya at sumulyap sakin.

Umiwas naman ako ng tingin. Pinagpatuloy ko nalang ang pagaayos ng gamit sa loob ng bagpack ko bago tumayo.

"Tara na. Baba na tayo,"Yaya ko sa kanila.

Mabilis naman silang kumilos at sabay sabay kaming lumakad palabas ng classroom. Katulad ng nakasanayan ay malaman pinagtitinginan nanaman kami ng mga istudyanteng nadadaaanan namin pero binaliwala nalang namin.

"Nasa canteen naba sila Karl?" Tanong ko kay Van.

Tumango naman siya. "Kararating lang din daw ng canteen, hihintayin nalang daw tayo bago sila magorder ng foods." Sagot nito at muling sumulyap sa cellphone niya. Katext niya yata.

"Elli, diba sa bahay nyo tayo sa saturday?" Baling ni van kay Elli.

Tumango naman si Elli. "Oo, bakit?"

Stained of the Past(UnderEditing)Where stories live. Discover now