Chapter 29

1K 17 2
                                    

"Sigurado ka anak?ayos kana?walang masakit sayo?"Nagalalang tanong ni mama.

Tumango ako."Sumama lang yung pakiramdam ko kahapon, ma.. ayos na'po ako, kailangan ko pong pumasok."Sagot ko."Dalawang araw na kayong hindu nagtitinda dahil sa'kin ma, bukas po magtinda na kayo ni papa."

"Wag mo kaming alalahanin anak, may ipon naman tayo."

"Kahit na papa, nagalaw nyo na yung ipon na sana ay para sa ibabayad sa motor."Dahilan ko.

"Anak, wag mong papansinin lahat ng sinasabi nila sa'yo.. mas kilala mo ang sarili mo,"Ngumiti si mama at hinalikan ako sa sentido.

Ngumiti ako."Kung ano man yung sasabihin nila mama tatanggapin ko'po..pasok sa kanang tainga labas sa kaliwa,"

"Basta't wag ka lang nilang sasaktan nak, ibang usapan na yun."Sinserong sabi ni mama."Kahit anong tingin ng iba sa'yo hinding -hindi magbabago ang paningin namin ng papa mo sa'yo, mas naniniwala kami sayo kaysa sa mga lumalabas ng kung ano -ano na wala naman katotohanan."

"Salamat po mama,"

Tumango naman si mama at muling hinaplos ng buhok ko bago ako pakawalan."Pumasok kana anak, baka mahuli kapa sa klase mo."

"Ihahatid na kita anak,"Presinta ni papa. Hindi na ako umangal pa at tumango nalang.

Tulala ako habang nasa byahe kami patungong iskwelahan, sa totoo lang ay kumakalabog ang dibdib ko lalo na sa mga sinabi ni karl sakin kahapon. Pinipilit ko lang maging malakas sa harap ni mama at papa pero ang totoo ay natatakot ako dahil paniguradong kalat na kalat na sa iskwelahan yung tungkol sa video at larawan, wala mang katotohanan ay walang maniniwala sakin lalo na at wala akong ibedensya.

"Anak, kung hindi ka ayos umuwi ka ha?"Paalala ni papa pagdating namin ng harap ng iskwelahan.

Ngumiti ako ng matamis."Wag pa kayong magalala papa, ayos po ako."

Kumaway ako kay papa hanggang sa tuluyan ng mawala ang tricycle namin sa paningin ko. Humugot ako ng malalim na hininga bago tuluyang pumasok ng gate.

Maraming studyante ang napapatingin at sumusunod ng tingin sa'kin, yung iba pa nga ay nagbubulungan at parang diring diri sila habang nakatingin sa'kin. Umiwas ako ng tingin at pinag-walang hahala nalang lahat, pumikit ako ng mariin.

Kalma rhi, walang totoo sa lahat ng paratang nila sayo.

"Ang lakas ng loob n'yang pumasok pa."

"Yuck, painosenteng tignan, sabi ko sa inyo may tinatago ring kulo sa loob yan eh,"

"Saan siya humuhugot ng lakas ng loob na pumasok pa?"

"Kawawang van.. nauto ng babaeng inossente ang mukha, may tinatago naman palang kalandian,"

"Akala kopa naman inosente siya.. yun pala kung sino-sinong lalaki ang kinakalantari,"

Iilan lang yan sa mga bulungang naririnig ko mula sa mga kapwa istudyante ko. Napapikit ako ng mariin dahil kinakalma mo ang sarili ko, gusto mong magsalita, gusto kong ipagtanggol yung sarili ko, gusto kong manumbat pero mas pinili kong manahimik.

Walang gana akong naglalakad paakyat ng building namin. May mga istudyante parin akong nakakasalubong pero yumuyuko nalang ako. Pagpasok ko ng classroom ay tumahimik ang mga kaklase para bang may dumaang anghel. Hindi ako nag-angat ng tingin pero ramdam ko ang tingin nila sakin katulad ng mga nadaanan ko kanina mula sa pagpasok ko ng gate hanggang pag-akyat ko ng building.

Agad akong napalingon ng maramdaman kong may magaan na kamay ang kumalabit sakin. Nagtama ang mata namin ni elli, bakas ang pagalala at awa sa mata nya.

Stained of the Past(UnderEditing)Where stories live. Discover now