Chapter Six

149 4 0
                                    

Chapter Six

Regret

I can't help it but to still watch the empty corridors to our bedrooms in the second floor of our house now. Dito kasi ako madalas na hinihintay ni Stephen noon para makausap ako...

Stephen went back to his family already. At halos hindi na rin kami nagkita pagkatapos. Because when I started college I got busy studying and preparing for med school after.

Ang huling nagkita kami ni Stephen ay sa lamay na ng Mama niya... His mother died of sickness. At matagal na rin pala itong may sakit na tinago lang din sa mga anak niya. Kaya pagkatapos ay si Stephen na lang at ang kuya niya... Since their dad has left them a long time ago...

"Sigurado ka bang magiging maayos lang kayo ng kapatid mo?" I heard Daddy talking to Stephen's older brother.

Tumango naman ito sa kay daddy. "Opo. We will be fine, tito. May iniwan din naman po sa amin si Mama. Thank you, po." He said to dad.

"Sige, basta, hijo, kapag may kailangan kayo huwag lang kayong mahihiyang lumapit sa amin, ha?" Kinausap din ni Mommy ang kuya ni Stephen.

At sa huli ay tumango lang din ito kay Mommy.

Binaling ko ang tingin ko sa kay Stephen na nandoon lang din at matamlay... He's probably sad about his mother's passing.

And I understand kasi namatayan sila. But I didn't really know yet how he feels exactly right now. Even though my family also lost a loved one, noong nawala na rin si kuya sa amin. Pero tingin ko ay iba rin siguro ang pagluluksa para sa kapatid at para sa nanay mo na nawala na. It's probably not the same feelings for us...

Now Stephen is only left with his older brother at sila na lang dalawa. And I thought that how hard must it be for the two brothers?

I felt sad for Stephen. Gusto ko siyang lapitan at kausapin. I wanted to try comforting him. Pero tingin ko rin kasi nang mga panahon na 'yon ay hindi ko kaya o hindi ko alam kung paano, so instead I just stayed there hanggang sa nilibing na rin ang mama niya pagkatapos. I was just there all along and just watching him...

And then after that ay balik lang din muli ako sa pag-aaral ko. Hanggang sa naging sobrang busy na rin ako at sa medical school pa pagkatapos. I haven't seen Stephen that much after, and we also haven't talked to each other any more for a long time...

Kaya naman ngayon ay parang hindi pa rin ako makapaniwala halos na may anak o sariling pamilya na niya pala si Stephen. I haven't talked to him about it yet, pero tingin ko ay mukhang ganoon na nga siguro because it explains why he has Shiloh now, right?

It's not a bad thing, though.

Karapatan naman niya iyong magkaroon ng sarili niyang pamilya and it's his choice and he's free to choose it.

I sighed to myself after thinking about it now.

Pero hindi pa rin ito mawawala agad sa isip ko ngayon.

Ilang taon na nga ba ang lumipas?

Maraming mga taon na rin. So I can't expect him to be single for a very long time, right? Lalo na at magandang lalaki rin siya. At noon pa man nang magbinata na siya lalo na ay marami na rin ang nagkakagusto talaga sa kaniya.

Because it's just later on that I realized my true feelings for Stephen... At huli ko nang naamin iyon sa sarili ko...

I realized that regret is always at the end of things... Palagi nga naman talagang nasa huli ang pagsisisi gaya nga ng sabi nila. Kung saan kapag tapos na at hindi mo na rin mababalikan pa ang mga bagay na nangyari na.

Hearts Series 3: Hearts in Chaos Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon