Chapter Nine

143 10 2
                                    

Chapter Nine

Umbrella

Umismid ako nang makita ko si Stephen na madadaanan ko. Nakatayo siya roon sa labas ng OR pagkatapos ng operation niya sa isang pasyente niya. I was ready for him to annoy me again. Pero naabutan ko naman siyang nakatulala pa roon. I got curious kaya nilapitan ko na lang siya. Hindi ba successful ang naging operation niya ngayon? Then it's a first time. Kasi palagi naman siyang successful sa trabaho niya.

"Hey, are you all right?" Nilapitan ko na siya at tinanong.

Bumaling naman siya sa akin pagkatapos ng pagkakatulala niya.

"How's your patient?" I added another question.

"The operation went well." He said.

Oh. Successful naman pala ang naging operation niya sa patient niya. Bakit siya natutulala pa riyan na para bang may malalim pa siyang iniisip... Hmm.

Alam ko na. And I remember how he was even before. Dati pa man at may ugali na rin talaga siyang gan'yan. Iyong natutulala pa minsan sa kawalan.

At wala naman talaga siyang iniisip na malalim. Mahilig lang talaga siyang matulala minsan...

Napaisip tuloy ako, sana naman hindi siya natutulala kapag nag-oopera sa pasyente, 'no? I can't help it but to chuckle to myself thinking about it and imagining him spacing out in the middle of operating a patient. It's not safe, though.

"What?"

Nabalik ang atensyon ko sa kay Stephen. Sandali kong nakalimutan na nasa harapan ko lang pala siya.

Umiling naman ako sa kaniya pagkatapos ng konting tawa ko. "Wala. Sige, I'll go ahead now." Pagpapaalam ko na lang sa kaniya.

At lalakad na sana ako nang pigilan pa niya ako. "Bakit?" I asked him why he stopped me.

"Are you busy?" He asked me back.

Tumango naman agad ako sa kaniya. "Yes." Of course, ang dami kaya naming trabaho rito sa ospital. "Why?" I asked him.

Unti-unti naman siyang umiling sa akin pagkatapos. "Nothing..." aniya na parang may sasabihin pa pero kailangan ko na rin umalis at pumunta na sa trabaho ko kaya wala na akong panahon na magtagal pa doon at maghintay pa ng sunod niyang sasabihin.

"I'll go now." sabi ko na lang at iniwan ko na siya doon.

And then it was a rainy evening. Tapos na rin ang duty ko sa hospital para sa araw na ito kaya naman uuwi na ako. May basement parking naman ang hospital but I was in a rush earlier dahil may emergency rin ako sa hospital kaya naman dito na lang ako sa labas nag-parking ng sasakyan ko kanina. And it was raining and I didn't bring my umbrella with me today.

"Tsk." Tiningnan ko pa ang buhos ng ulan. Malakas nga at mababasa na ako kung susuungin ko pa ito. I plan to just go back inside the hospital and barrow an umbrella. At baka mayroon din naman sa security guard.

Pero tatalikod pa lang ako nang makita kong nandoon na sa tabi ko si Stephen na may dalang payong. Napatingin ako sa payong na dala niya. Napatingin din naman siya sa akin.

And then he raised his umbrella and I know that he would probably offer it to me. Mukhang tapos na rin siya sa trabaho niya rito at pauwi na rin gaya ko.

At dahil medyo may inis pa rin ako sa pang-aasar niya sa akin kaya ayaw ko pa sanang tanggapin iyong payong na in-offer niyang ipahiram sa akin ngayon.

Pero naisip ko rin naman agad na mas paiiralin ko pa ba ang inis ko kay Stephen kaysa sa ang makauwi na ako ngayon agad dahil pahihiramin niya ako ng payong niya?

Hearts Series 3: Hearts in Chaos Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon