Chapter Eight

151 7 0
                                    

Chapter Eight

War

Stephen has always been this playful ever since I've known him. Ang akala ko nga ay nagbago na siya. Dahil hindi naman na kami mga bata pa ngayon.

Sumama nga ako kay Stephen sa cafe ng hospital. We got some snacks for our selves during our little break from the hospital duties.

Pagkatapos ay umupo na rin kami roon sa loob ng cafe. And at first Stephen and I were just talking about our work here in the hospital. Until he suddenly started to annoy me...

"Oh."

Mula sa kape ko ay nag-angat ako ng tingin kay Stephen. "What?"

Nakatingin lang siya sa mukha ko. "I think there's something on your face, Iris." He said this.

Napahawak naman ako sa mukha ko. "Ano? Saan?" Napatanong pa ako.

Tinuro lang naman ni Stephen ang parte rin sa mukha niya. Kumunot na ang noo ko, and pouting a bit I took a little mirror from my pocket. Palagi ko na itong dala-dala sa bulsa ng doctor's robe ko dahil alam mo na para ma-check ko rin nang madali ang mukha ko kung may dumi ba o baka hindi ayos ang makeup ko. At lalo na nang nandito na sa hospital si Stephen... Wala lang naman. Nakaka-conscious lang din kasi minsan.

"Oh, wala pala." He said after I got my mirror out.

Tumingin ako sa kaniya. "Anong wala na pala..." sabi ko naman at tiningnan na lang ang sarili ko sa salamin para i-check ko na lang.

Okay naman... hmm.

Tiningnan ko muli si Stephen who was sat across me on our table for two here inside the cafe. At nahuli ko nang may pilit pa niyang tinatago na ngiti sa mukha niya. He just sipped on his coffee to hide his mischief.

Kumunot naman ang noo ko sa kaniya. "Wala namang dumi sa mukha ko, ah." sabi ko sa kaniya pagkatapos kong ma check.

"Wala nga. Wala namang dumi." aniya na hindi na maitago ang ngiti niya makaraan.

Kumunot pa lalo ang noo ko sa kaniya. "Ano'ng nginingiti-ngiti mo d'yan?" I asked him after.

Nakangiti pa rin siyang umiling sa akin. "Nothing, sorry..." aniyang nangingiti pa rin.

Umismid naman ako habang nakatingin pa sa kaniya. Parang tanga...

Hanggang sa nakuha ko na kung bakit. Pinanliitan ko siya ng mga mata ko. "Pinagtitripan mo lang ba ako?" I asked him directly when I noticed.

And then he looked at me with his eyes even widened a little. And he also raised both of his hands as if surrendering to the police.

Pinabayaan ko na nga lang siya. Parang bata... Pagkatapos ay inangat ko na lang ang kape ko at deretsong ininom. Nakalimutan ko tuloy na mainit pa iyon kaya halos maibuga ko rin after a sip at talaga namang napaso na ang labi ko.

And then I just heard the heartless Stephen just chuckling in front of me. Matalim ko na siyang tiningnan. I got distracted kanina nang sinabi niya na may dumi raw sa mukha ko kahit wala naman. Kaya tuloy nakalimutan ko na mainit pa pala ang kape ko. Tsk. This guy... This guy. Haynaku!

"Stop being playful and childish, Doctor Guevarra!" saway ko sa kaniya. And I'm also reminding him na hindi na kami mga bata ngayon para maglaro pa at malalaki na kami na mga doktor na pa nga ngayon. That's why I just addressed him as Doctor Guevarra now. We shouldn't play games anymore...

But Stephen just kept on smiling as he took sips on his coffee as well to probably stop his mischievous grin off from showing on his face. Habang ako naman ay nakakunot pa ang noo ko na nakatingin sa kaniya noong una pero sa huli ay ako na lang din ang sumuko. Pagkatapos ay medyo nagtagal pa ang titig ko sa kaniya na mukha pang masaya sa harapan ko. And then I thought of the old Stephen who's just really playful. Napangiti na lang din ako habang naiiling, before I just slowly sipped on my coffee this time.

Nevertheless, it was still a good little snack break with Stephen. Pagkatapos ay bumalik na rin kami sa mga rounds namin sa ospital.

At may bago pa muli na pasok na doctor sa hospital ng mga Dela Cuesta. He's a junior and as a senior I should look after him as well. Lalo na at binilin din muli ito sa akin ni Daddy at mukhang kakilala o kaibigan niya rin ang parents. Marami talagang kakilala si daddy na mga tao. Maybe because he's that friendly...

And that's why we often talked too to each other. Lalo na at madalas niya rin akong lapitan noong una dahil may mga tanong lang din naman siya na pwede ko namang sagutin pero kalaunan ay parang nakikipag-tsikahan na lang din ito.

Ngumiti na lang din ako bahagya habang magkausap kami sa gitna ng breaks. But then I got distracted when I just saw Stephen standing there and was looking at us.

"Huh?" Napatanong pa ako sa kausap dahil medyo nawala na ako sa pinag-uusapan namin dahil nabaling kay Stephen na nakatayo lang naman doon at seryosong nakatingin sa amin ng kausap ko.

Hanggang sa tumalikod na rin siya at nawala...

And I don't understand Stephen. Because the last time he even comforted me about Dad. Pagkatapos ngayon naman ay parang nakikipagpaligsahan pa siya sa akin sa atensyon ni Daddy... Hindi ko na yata talaga maintindihan ngayon ang lalaking ito.

"Good job, hijo! I'm sure your Mom in heaven is very proud of you." Ngumiti si Daddy sa kay Stephen. Ang tinutukoy ni Daddy ay kung paanong pinakamagaling na yata na doctor ngayon sa hospital si Stephen. Even the Dela Cuestas acknowledged him, ang mga may-ari nitong hospital.

Nagkatinginan kami ni Stephen at may nakakainis na siya na ngisi para sa akin pagkatapos. At kung wala lang si daddy sa harapan namin ay parang gusto ko nang kalmutin ang mukha niya nang mawala na ang ngisi niya.

Habang nang balingan naman ako ni Daddy ay parang disappointed pa rin siya sa akin hanggang ngayon... Yumuko na lang ako.

Pagkatapos ay narinig ko naman si Stephen na nagpapaalam na sa kay daddy.

Tumingin pa ako sa kaniya at niyaya na niya ako. Sumama na lang din ako sa kaniyang umalis pagkatapos naming magpaalam kay Daddy.

Hindi na rin ako umimik habang naglalakad na kami palayo ni Stephen.

But Stephen just continued to be an annoying man the next day.

I was with Doctor Lopez, iyong bago lang na doctor sa Dela Cuesta Medical. When he just suddenly appeared and got in between us. May gagawin sana kasi kami ni Doctor Lopez sa ward pero parang inunahan pa kami ni Stephen at naagaw na ang trabaho namin...

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nilapitan ko na siya pagkatapos para kausapin. Una, as if he was trying to compete with me sa kay daddy. 'Tapos naman ngayon ilang beses na rin niyang ginawa that he's been acting kind of rude kay Doctor Lopez na bago pa.

Hindi ko na talaga alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya.

"Are you trying to start a war with me now, Doctor Guevarra?" I asked him rather serious.

"No." And he just nonchalantly answered my question.

Nanatili naman ang seryoso kong tingin sa kaniya. And in my head I'm already imagining fighting swords with him... Nakakainis pa rin kasi talaga ang lalaking 'to.

Masyadong papansin...

Kaya tuloy sa mga sumunod pang mga araw sa hospital ay para kaming mga aso't pusa na... Tsk.

At konting pang-aasar lang sa akin ni Stephen ay pinapatulan ko naman siya agad. Kaya tuloy napupunta rin sa kaniya ang atensyon ko agad. Hindi ko rin mapigilan ang sarili ko na pikon din kasi.

I just sighed to myself after everything...

Hearts Series 3: Hearts in Chaos Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon