CHAPTER 4

621 23 0
                                    

Sorry for grammatical and typographical errors!!!

—————

PHILLA'S POV

"Yuseff Rage!" Sigaw ko sa pangalan niya at agad na binuksan ang pinto ng kwarto niya.

"Why?"

"Can I borrow your money?"

"And why? Mas malaki ang nakukuha mong pera kumpara sa akin."

"Nag aaya lang mag mall si Avi at wala akong cash. Babayaran ko din naman sayo, eh." Pag explain ko

"I don't have a cash din, eh." He said bago inabot sa akin ang card niya.

"Ayaw ko niyan dahil madami na din akong card. I need cash, Rage."

"Wala nga, iyan nalang. Bilhin mo lahat ng gusto mo, ah. And be careful." Tumango nalang ako bago tumalikod.

"Control yourself, Phi." Pahabol niya pa.

Wala tuloy akong magawa kung hindi sinuot ulit ang glasses ko. Dahil sa salamin na ito kaya lumalabas katangahan ko, eh.

Swerte ng magiging girlfriend ni Rage. Lahat binibigay niya, eh. Kaso kapag tinopak siya bigla bigla nalang iyan magtatago.

Agad akong lumabas ng gate namin dahil ayaw kong gamitin yung mga kotse na nandoon sa garahe.

Buti nga may naniniwala na wala kaming magulang tapos scholar kami sa pinapasukan naming university pero yung bahay na tinitirihan namin parang mansion na.

Hindi kasi nakatira sa bahay si Avi dahil humiwalay siya. Kilala kasi kami bilang magkaibigan lang at hindi magpinsan.

Nasa malalim na pag iisip ako ng may biglang bumusina kaya dahil sa gulat ay napatalon ako at nalaglag ang suot kong salamin.

"Going somewhere?" Tanong ng salarin kaya napairap ako bago pulutin ang salamin ko at sinuot.

"Yes." Sagot ko pero napangiti din. "Isabay mo nalang ako palabas ng village."

"Kapal mo." Laglag ang panga ko ng ipaharurut niya ang sasakyan paalis.

Ilaban ko si Astrid sa kanya ng karera, eh. Kapal ng babaeng iyon. Masiraan sana siya ng sasakyan.

Pangit ng ugali nung Xylah'ng iyon.

Ganda sana niya kaso pangit ng ugali.

"Oh, bakit ka naglalakad, Phi?" Tanong ng guard ng makita ako.

"Gusto mo po ba na lumilipad ako? Next time po lilipad na ako." Sagot ko kaya natawa si manong guard.

Happy pill niya ako, eh.

Napakunot ang noo ko ng makita ang sasakyan ni Xylah.

Bakit nandito pa iyan? Nasiraan na ba siya ng ulo–este ng sasakyan?

Hindi ko nalang siya pinansin pa at sumakay nalang ako ng taxi. Bahala siya doon 'no.

Pagkadating ko sa mall ay naalala ko na wala akong dalang cash. Hala, card lang pala ang dala ko.

"Ah, manong wait po tawagan ko lang kasama ko." Sabi ko bago kapain ang phone ko pero nakalimutan ko ang phone ko.

Hala, paano na ako nito?

Sakto din na may tumigil na isang kotse sa tapat namin at bumaba si sungit kaya agad akong lumapit sa kanya.

"What are you doing?" Kunot noong tanong niya pero hindi na ako nagdalawang isip na hilain siya papunta sa may taxi.

"Manong, siya po singilin niyo." Turo ko kay Xylah na nakakunot ang noo. "Siya po ang magbabayad. Babye!" Mabilis akong tumakbo palayo sa kanila. Rinig ko pa ang pagtawag niya sa akin pero hindi ko na siya pinansin pa.

Makapal naman mukha ko kaya bahala na siya doon. Siya nalang babayaran ko kapag may cash na ako.

Hindi pa ako nakakalayo ng may humawak sa braso ko.

Oh no!

"Bitaw Xylah." Reklamo ko ng kinaladkad niya ako papasok sa isang botique.

"Kapal ng mukha mo sa ginawa mo, nerd. Be my slave for today kapalit ng ginawa mo." Pagtataray niya.

Paano si Avi? Baka magtampo iyon, eh.

Wala na akong nagawa kung hindi sumunod sa kanya. Wala din naman akong dalang cash, eh. Sa susunod nga magdadala na ako ng cash.

Nakasimangot akong umupo sa couch nila. Yung mga sales lady naman ay nakangiti na binabati siya.

Nanlaki ang mata ko ng nakita si Miss Gomez na mukhang namimili ng mga damit niya.

"Hi miss-isko." Masiglang bati ko na ikinagulat niya.

"Tangina."

Hala? Nagmumura siya ng tagalog? Bakit siya nagmura?

"Ang expensive ng pagmumura mo sa tagalog, miss-isko. Ang hot pakinggan nung tangina." She rolled her eyes on me bago tumalikod at naglakad palayo.

Snob naman niya. Buti nalang talaga maganda siya. Napansin ko din na medyo hawig niya si Mommy Quinn.

Sinundan ko nalang si miss-isko. Bahala na si Xylah dahil malaki na siya.

Ano ba ang gusto ni miss-isko? Ako na magbabayad. Gusto niya bilhin ko itong buong mall sa kanya?

"Miss-isko, tulungan ko na po kayo." Presinta ko ng makitang ang dami niyang hawak.

"No thanks." Siya na nga tinutulungan ayaw pa niya. Edi don't.

Napalunok ako ng makita si Xylah na ang sama ng tingin sa akin. Naglakad na tuloy ako pabalik sa couch pero binigyan niya lang ako ng isang nakakamatay tingin.

"Flirting with Professor Gomez, huh." She said sarcastically

"Hindi kaya. Nagmamagandang loob lang ako, eh." Depensa ko pero tumalikod lang siya at naglakad kaya sumunod ako sa kanya.

"I hear everything, nerd." Maka nerd ito. Kapag tinanggal ko salamin ko baka mainlove siya, eh.

Wait, what if nagseselos lang siya? Baka gusto niya siya ang harutin ko?

"Hindi mo naman sinabi na nagseselos ka pala kay Miss Gomez, mi amor." I chuckled because of her reaction.

Her jaw dropped while looking at me disbelief.

"Stupid. Leave now I don't want to see your face." She said coldly bago naglakad palayo.

Tsk, ako pinapaalis niya pero siya yung umalis.

May saltik.

Hiding My True Identity (G×G)Where stories live. Discover now