CHAPTER 2

968 32 0
                                    

Sorry for grammatical and typographical errors!!!

-----

PHILLA'S POV

Para akong tanga na nagtatago ngayon habang tumitingin sa paligid. Ang malas ko naman kasi, isang linggo na akong hinahanap nung nakabanggaan ko. Ang ganda sana niya kaso ang pangit ng ugali.

Pero mas maganda ako.

Nagiging runner tuloy ako dahil sa kanya lalo na kapag nakikita ko siya, buti nalang may tatlong cafeteria dito sa ZSU, pero nandito ako sa may malapit Architecture Building.

Ilang beses na niya akong nakita at halos matawa ako dahil ang cute niya, nagugulat pa siya pero mapapalitan din agad ng galit ang mukha niya at tatawagin niya pa ako sa tawag niya sa akin.

Nerd, come back here!

Iyan lagi ang sinisigaw niya kapag tatakbo ako palayo sa kanya. Hindi naman niya ako mahabol dahil lagi siyang nakaheels.

Bumili na ako ng sterilized bear brand dahil namana ko kay Mommy Zei ang mga hilig niya sa pagkain.

Nakangiti akong umiinom ng sterilized bear brand ng bilang pumasok si sungit sa cafeteria.

Pasimple akong tumalikod habang hindi niya pa ako napapansin. Kasama niya yung kaibigan niya.

Maganda naman yung friend niya pero mas maganda si sungit.

Naramdaman ko itong dumaan sa likuran ko kaya dumuko ako at hindi umimik.

May klase pa ako kaya dapat na akong makaalis dito. Hindi naman ako natatakot kay sungit, ang cute pa nga niya kapag nagagalit, eh.

Dali dali akong naglakad pero kapag minamalas ka nga naman ay nakabungguan ko pa yung kaibigan ni sungit.

Same vibes ata sila ng katangahan ni sungit.

Halos nasa amin na ang atensyon ng mga students dito sa cafeteria. Pati si sungit ay nasa amin na ang atensyon niya.

Punyetang salamin kasi na ito.

"What the hell, miss?!" Galit na sigaw niya.

I shut my eyes to calm myself. Baka hindi ko makontrol ang sarili ko at baka mapatay ko siya.

Ayaw ko pa naman din na lagi akong sinisigawan.

"Sorry." Pag hingi ko ng tawad ng maramdaman ang presensya ni sungit.

"Bayaran-"

"Let her, Dhalia." Malamig na sabi ni sungit sa kaibigan niya.

Tumayo na ako at pinagpagan ng pwetan ko tsaka pinulot ang salamin na nahulog sa sahig.

"But Hiraki-"

"Just let her."

Aalis na sana ako ng mahulog ang hawak kong gatas kaya bigla akong napaayos ng tayo. Hinayaan ko na lang yung gatas at sinuot ko na ang salamin ko.

"Wait." Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko. "Turn around." Mukhang maling desisyon na sinuot ko agad yung salamin ko.

Dahil hindi ko siya pinakinggan ay siya na ang humablot sa braso ko at pinaharap ako sa kanya.

She smirked when she saw me.

"It's you." I gulp hardly.

Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa braso ko at kumaripas ng takbo palabas ng cafeteria.

Hiding My True Identity (G×G)Where stories live. Discover now