“Baby, wake up.” Kahit medyo inaantok pa, pinilit ni Cyla na imulat ang kanyang mga mata. Umaga na. She saw her mommy Magenta smiling at her, she smiled back. ‘But sometimes you’ve found love when you look in their eyes and find yourself.’ Nahanap niya ang love na iyon sa kinikilala niyang Ina na nasa harapan niya. Magenta was a clingy mother that’s why Cyla was a spoiled daughter.
“Good Morning.” Umupo muna si Cyla ng maayos bago batiin pabalik ang Mommy niya na ngayon ay nakatayo na sa harapan niya.
“Good Morning, too, Mom. What time is it now?”
Kinusot niya ang kanyang mga mata at mahinang tinapik-tapik ang mukha. Pampagising niya sa sarili niya.
“6am, may lakad ka ba ngayon?” tanong ng mommy niya.
Napaisip siya sandali. Saturday ngayon. She’s going to meet a client today. Another client, hopefully hindi na siya ang mapili dahil ’yong client niya kahapon ay pinaghintay niya ng ilang araw at ang dahilan niya ay may aasikasuhin siyang importanting papeles. Pero Pagsisinungaling niya lang iyon dahil hindi pa siya handang ibigay ang sarili niya though kailangang-kailangan nila ang pera.
“I'll meet our client today, Mom. 10am pa naman po.”
Tinabihan siya ng Mommy sa pagkakaupo. “You don’t need to do this, baby--” pinigil ni Cyla ang Ina sa kanyang mga sasabihin pa.
“Let me do this, Mom. Ito nalang ang magagawa ko para makatulong sa atin and this is my promise to dad.” She’s looking intently in her beautiful hazel eyes.
She let out a sigh. A sigh of giving up.
“Ok, I’ll prepare our breakfast. Do your thing now.” She hug her first before leaving her room.
Mr. Morsel Gibson, their client from Malaysia. He’s the youngest son of the most richest family in their country. He’s a big catch in their business. Hopefully, tumuloy siya.
Pumasok siya sa CR, inihanda ang bath tub at lumublob. Pinikit ang kanyang mga mata habang dinarama ang pagyakap ng tubig sa buo niyang katawan. Naalala niya muli ang masamang panaginip kagabi. Seventeen years had passed pero hindi parin siya tinatantanan ng bangungot na ’yon. Hindi niya na gugustuhin pang balikan ang nakaraan na ’yon pero patuloy pa rin siya nitong hinahabol. Masaya na siya sa buhay ngayon. Hindi man siya tunay na anak ng kinikilalang magulang, hindi naman sila nagkulang sa pagpaparamdam ng kalinga at pagmamahal kay Cyla. Bilang ganti sa kabutihang ipinakita nila sa kanya, tumutulong siya sa business ng Daddy niya kahit wala na ito. Tinapos niya na ang pagligo at nag ayos na ng sarili.
Eksaktong alas otso nang bumaba para kumain at naabutan niya pa ro’n ang Mommy niya. Umupo siya at sinaluhan sa pagkain.
“Mom, may lakad kayo?” she ask dahil ngayon niya lang napansing bihis din pala siya.
“Yes, baby, may aasikasuhin ako ngayon tungkol sa case ng Daddy mo.” Napakuyom naman ng palad si Cyla ng marinig ’yon pero pinagpatuloy niya parin ang pagkain. “May progress naman po ba?” usisa ni Cyla.
Napansin niya ang buntong hininga ng kanyang Ina, “I’ll hire another Imbestigator maybe not from Philippines anymore.”
Tumango nalang siya at hindi na nagsalita pa. As expected, wala nanaman silang nagawa, nabayaran na naman. Fvcking powerful criminals.
Nauna si Cyla’ng matapos sa pagkain kaya nagpaalam na sa Mommy niya. Thirty minutes away lang ang hotel nila kaya maaga pa nang makarating siya sa office.
BINABASA MO ANG
My Typecast Midnight THE ENCHANTRESSES #5 Soon To Published
Romance'The Enchantresses' is an enchanting series that delves into the diverse stories of strippers. It is a masterpiece brought to life by a talented group of eight writers. Take a moment to inhale the magic, for this series promises to cast a spell on y...