“I found him. My real father, mom,” Gulat pa rin si Magenta ng mapagsino ang tinutukoy ni Joeres. Akala niya ay namamalikmata lang siya at umaasa na guni-guni lang ang lalaking nasa loob ng pamamahay niya or panalangin na kamukha lang nito, sana.
“Uhhh,” saad ni Magenta habang dahan-dahan naman umangat ang ulo at sakto na nagkatitigan ang may edad na lalaki at si Magenta. Nakita ni Launcelle ang galit sa mukha ng ina-inahan ng makita ang mukha ng lalaking tinutukoy ni Joeres at parang may nakikita siyang hidwaan na hindi niya kayang ipaliwanag.
“That man raped me,” walang emosyong saad ni Cyla. Gulat na gulat si Magenta dahil sa narinig at wala rin sinuman ang sumubok magsalita ng mga oras na iyon. Tahimik at nakikiramdam lang si Joeres. “He is my father,” dagdag pa ni Cyla na parang nandidiri lang dahil sa sinabi. “My father that I wish he's not,” she murmured clearly. No one wants to break the silence, they all shocked and speechless.
“Joeres! Siya ang paulit-ulit na pumapatay sa akin halos gabi-gabi! Ang lalaking kahit kailan hindi ko kayang patawarin! He is the reason of my fears and sleepless nights! He is evil!” Nanginginig at lumuluha si Cyla habang titig na titig sa lalaki. Nanlilisik ang mga mata niya, naninikip ang dibdib ngunit kailangan niyang harapin ang laban na ito, she need her young version of herself para ipagtanggol ito mula sa nakaraan, gusto niya na ring makawala sa takot at bangungot na iyon.
“Hindi maari! Hindi. Imposible! Anong ibig sabihin nito, mom?” baling ni Joeres sa kanyang ina.
“K-kapatid ko si Launcelle?!” dagdag tanong pa ni Joeres.
“Hindi. Hindi ko alam,” pagtanggi ni Magenta sa nangyayari, para siyang nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa pangyayari. “Wala akong kahit na anong ideya kung sino ang mga magulang ni Launcelle. Naawa kami sa kanya noon kaya inampon naming mag-asawa. Your daddy, Nicolo adored Cyla so much and we treated her like our own daughter,” dagdag pa ni Magenta at doon na napangiti si Ignacio Quintos na para bang kay gandang pakinggan ng mga sinabi ni Magenta.
“Pinagtatawanan tayo ng tadhana,” saad ni Joeres na nakatingin lang din sa tunay na ama. Wala pa ring imik, walang lakas ng loob para magsalita, nahihiya or natatakot masumbatan pero kita ni Joeres ng sapilitang ngumiti ito dahil sa narinig mula sa kanyang ina.
“That evil! Also raped me! At ikaw ang bunga Joeres, hindi ka nakinig sa akin na walang kwenta ang ama mo. Dapat hindi mo na ’yan hinanap!” asik ni Magenta na ikinagulat nila Joeres at Cyla ang sinabi ng kanilang ina. Nanlaki ang mga mata ni Joeres dahil hindi niya alam ang masalimoot na parteng iyon ng kanyang Ina. Ilang mundo ang paulit-ulit na bumabagsak sa balikat ni Joeres ng mga oras na iyon. Parang hindi naaayon sa kanilang lahat ang ginawa niyang moves. Gusto niya lang maging masaya at makontento sa pagkatao niya kapag nahanap ang tunay na ama ngunit isang masamang panaginip ng kahapon lang pala ang mahahalungkat niya. He is happy about fulfilling his goal yet regretting about the fact the Launcelle and him shared the same blood.
“We’re madly, crazily in love for each other, Magenta. Hindi mo na maalala?” dumagundong ang boses ng lalaki sa loob ng kabahayan, hindi nagustuhan ni Magenta ang mga salitang lumabas mula sa bibig ng hindi inaasahang bisita.
“Stop it, Ignacio!” baling ni Magenta sa lalaki na kitang-kita ang pamumula ng mukha.
“Ten million isn’t enough, Magenta Vyralen,” bawat salitang binibitiwan ni Ignacio ay malaking palaisipan para kina Launcelle at Joeres. Nakakagulat ngunit wala silang masabi kundi ang makinig muna. Tahimik lang si Joeres na may pagkagulat sa mukha habang si Cyla ay nakasalampak sa sahig at umiiyak. Ang tono ng pananalita niya ay hindi nababagay sa maruming kasuotan niya. Hindi siya isang normal na tao lang, ang pananalita niya ay tila mataas ang kanyang pinag-aralan.
BINABASA MO ANG
My Typecast Midnight THE ENCHANTRESSES #5 Soon To Published
Romance'The Enchantresses' is an enchanting series that delves into the diverse stories of strippers. It is a masterpiece brought to life by a talented group of eight writers. Take a moment to inhale the magic, for this series promises to cast a spell on y...