“Magpa-plano na ba tayo ng kasal?” Isang malumanay na boses ang pumukaw sa kanila.
“Darating tayo d’yan, Ma.” Hinampas ni Cyla si Joeres sa braso. Tumawa lang siya. Tumayo silang magkapatid para salubungin ang mommy nila ng halik sa magkabilang pisngi sabay group hug.
“I miss you, Son,” sambit ni Mrs. Magenta.
Joeres Quintos, totoong anak siya ni Magenta pero sa ibang lalaki. Hindi sila magkapatid biologically at kahit sa papel dahil Vyralen ang dalang apilyedo ni Cyla, apilyedo nang foster Daddy niya na si Nicolo at dahil legal na ampon si Cyla. Quintos naman ang gamit ni Joeres, ang apelyido ni Magenta noong dalaga pa, Joeres was a son of charlatan.
Hindi pa nila masabi ngayon kung ano’ng estado nilang dalawa ni Joeres basta ang alam lang nila ay, mahal ang isa't-isa. 8 years old si Cyla no’ng inampon siya ng mag-asawang Vyralen at 6 years old naman si Joeres. Sabay silang lumaki.
Noon, hindi niya pinapansin si Cyla dahil ayaw niya raw magkaroon ng kapatid. Naging maayos lang ang treatment ni Joeres kay Cyla nang mag hayskul na sila at do’n na rin nagsimulang umusbong ang feelings nila sa isa't-isa. Nang mag first year college si Cyla ay umuwi naman nang Pilipinas si Dermot at doon niya rin nakilala si Cyla. High school pa si Joeres kaya hindi niya nakikita ang pinaggagawa ng pekeng pinsan niya kay Cyla.
Nakatapos na si Cyla ng Business Course at si Joeres naman ay PolSci at nagpatuloy bilang isang Law student na hanggang ngayon ay mas pinili na sa Pilipinas mamalagi at tapusin ang pag-aaral ng Law. Alam nang Mommy nila ang relationship status nila ni Joeres at pabor naman si Magenta sa ideyang sila ang magkatuluyan sa huli. Simula palang daw inaasahan niya na itong mangyari. Dahil sa palagi silang nag-aaway noong mga bata pa sila tapos maya-maya lang ay magbabati na ulit at maglalaro.
Out of nowhere, may dumamping labi sa pisngi ng dalaga, “Lalim ng iniisip ng baby ko. Dinner’s ready na po.” Tumayo na siya sa sofa at hinawakan ang kamay ni Joeres, “Chansing ka na a!” Pabiro ni Cyla na sita sa kanya. Pinisil naman niya ang kamay ng dalaga, “Syempre, namiss ko kaya ang baby ko.” Ramdam ni Cyla ang pagpula ng pisngi niya, oo dahil sa kilig at ang nasa isip niya.
“Miss rin kita sobra.” Sinaluhan na nila si Mommy Magenta sa dinning table, nasa magkabilang side sila ni Joeres at sa gitna naman si Magenta.
“Kamusta ang surprised comeback, hijo?” Panimula nang Mommy nila habang kumakain. “Ako ’yong nasurprised, Ma.” Naestatwa naman ang dalaga dahil sa sinabi ni Joeres. Shit don’t tell me isusumbong niya si Cyla? Narinig nila ang tawa ni Magenta. Hindi tuloy ni Cyla magawang sumubo ng pagkain, kinakabahan na naman siya.
“Bakit naman ikaw? Diba dapat si Cyla? Pinigil ko pa naman ang sarili ko na huwag sabihin sa kanya na parating ka na.” Tumitig naman ng makahulugang tingin si Joeres kay Cyla kaya sinamaan siya nito ng tingin. Subukan niya lang magsumbong malilintikan siya!
“Nasurprised ako kasi lalo siyang gumanda. Na-pipi talaga ako nang makita siya, Ma. Lalo akong na-inlove.” Pagbibiro ni Joeres pero hindi naman malabong mangyari na maganda talaga siya.
Nakaramdam tuloy siya ng hiya sa narinig. Sanay naman na siya masabihan ng maganda pero iba parin talaga kapag galing kay Joeres. “Someone's blushing,” pang-aasar pa ni Mommy Magenta.
“N-na surprised talaga ako, Mommy. Akala ko kasi 'di na ako babalikan niyan e.” Sinubukan ni Cyla na mag tampo kunyari para lang matakpan ’yong kilig at pag-aalala.
“Makakalimutan ko na lahat ng pinag-aralan ko pero hindi ikaw, Baby,” banat na naman ni Joeres.
“Stop it na, Anak. Baka hindi na makakain ng ayos ang baby girl natin.” Buti naman at naisipan nilang tantanan siya dahil gusto niya ng tumili sa kilig. Nagpatuloy sila sa pagkain at natuon sa pag-aaral ni Joeres ang usapan kaya nakinig lang si Cyla sa kanila. Nauna akong natapos na kumain at nang patapos na rin si Joeres, nabalik sa amin ang usapan.
BINABASA MO ANG
My Typecast Midnight THE ENCHANTRESSES #5 Soon To Published
Romance'The Enchantresses' is an enchanting series that delves into the diverse stories of strippers. It is a masterpiece brought to life by a talented group of eight writers. Take a moment to inhale the magic, for this series promises to cast a spell on y...