“Nawawala si Launcelle!” sigaw ni Joeres pagkabukas ni Loudon ng pinto sa condo niya. Napasugod si Joeres dahil may-usapan silang magkapatid na pupuntahan ang kanilang ama para pauwiin na ito sa Pilipinas pero hindi sumipot si Launcelle sa tagpuan nila. Hindi alam ni Joeres kung galit si Launcelle at ayaw lang makita ang biological father niya o may nangyari ng masama.
“What happen?!” Taranta na rin si Loudon.
“Help me.” Joeres begged. Hindi pa umaalis si Joeres ng bansa dahil sa kaguluhang nagaganap. Hindi niya hahayaang mag-isa lang si Cyla na haharap kay Magenta.
“Wala siya sa Penthouse? Sabi niya doon lang muna siya.” Pilit kinakalma ni Loudon ang sarili.
“Kanina pa raw umaga umalis si Cyla, nakausap ko ang assistant niya.” Joeres replied.
“Damn it! It’s almost seven o'clock! Bakit ngayon ka lang pumunta dito kung kailan gabi na? Dapat kanina pa! At bakit hindi man lang siya nagpaalam sa akin na may usapan kayo?! I warned her na dapat alam ko lahat ng kilos niya! Shit!” giit ni Loudon na hindi alam kung anong kukuhanin dahil pabalik-balik sa loob ng kanyang kwarto.
“Is there something wr--”
“Trace her now!” putol ni Loudon sa sasabihin ni Morsel, sakto naman ang paglabas ni Morsel dahil may naririnig siyang tension sa katabing condo. She’s with Norleigh pero tulog na ito.
“Okay!” Morsel agreed. Bumalik siya sa bahay niya para kunin ang laptop niya at ilang gadgets para matrace si Launcelle. Tahimik naman si Joeres at Loudon sa living room habang naghihintay sa pagbalik ni Morsel.
Sobrang populated ang Macau kaya hindi sila agad-agad pweding lumabas para hanapin si Launcelle. Mabuti na lang at naisipan ni Loudon na mag-install ng GPS sa cellphone ni Launcelle na konektado sa kanya. Sana lang ay dala ni Launcelle ang phone niya.
“Her phone is in Vyralen building.” Morsel worriedly muttered.
“Fuck!” sigaw ni Loudon.
“Call our agency to issue a warrant-of-arrest!” FBI Loudon Riege Rosco ordered Morsel Gibson.
“Okay, Sir!” Morsel agreed.
“Dumating na ang witness?” Loudon ask.
“Yes, sir. She’s in our custody.”
“Okay! We need to move!” utos ni Loudon na ikinatulala lang ni Joeres. Wala siyang kaalam-alam sa nangyayari pero hindi naman siya tanga para hindi niya agad mahulaan ang nangyayari ngayong gabi. Launcelle was become safe with this strong man in front of him. Yes, kaya niya rin ipagtanggol si Launcelle, kaya nga Lawyer ang kinuha niya para maipagtanggol niya ang mga taong iniingatan niya pero sa ngayong pagkakataon ay wala siyang ibang puwedeng gawin kundi ang magtiwala kay Loudon Riege Rosco.
“Where’s Ignacio Quintos?” Baling ni Loudon kay Joeres.
“He is in my friend house.” Joeres replied. “He is waiting for ticket to go back in the Philippines.” Joeres added.
“Tell him that her daughter need him just this once. I can send him to the Philippines after this chaos. Tell him to hide for the meantime. He is the star witness,” utos ni Loudon kay Joeres..
“Yes, Sir!” sagot ni Joeres.
“Idiot! Why you called me that? I’m not your boss. I’m your bro!” Natatawang saad ni Loudon na tila nahiya naman si Joeres ng konte dahil nadadala lang siya sa sitwasyon. Tawanan tuloy silang tatlo nila Morsel pero agad silang natahimik dahil may tumawag kay Morsel para ipaalam na kumikilos na ang mga Interpol na tutulong sa paghahanap kila Magenta at Dermot.
BINABASA MO ANG
My Typecast Midnight THE ENCHANTRESSES #5 Soon To Published
Romance'The Enchantresses' is an enchanting series that delves into the diverse stories of strippers. It is a masterpiece brought to life by a talented group of eight writers. Take a moment to inhale the magic, for this series promises to cast a spell on y...