FFTG: Chapter 16

147K 1.5K 85
                                    

Sorry for the looooooong wait. Sobrang busy ako, as in SOBRA. Pero 3 days na lang, bakasyon ko na. Yipeeee!

Dedicated kay VeniceBalagtasDizon. Sa mga nagpadedic, naka list na kayo! 

ComVo? *u*

=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=

-CHAPTER 16-

Daniel's POV: 

Ingat na ingat kong ayusin ang pagkakasandal niya saakin. Imbis na sa braso eh nasa dibdib ko na siya. Para tuloy akong nakayakap sakanya. -____-”

“That Sofia... tch.” sabe ko sa isip ko.

Gustong gusto ko ng matulog... pero ugh, dahil dito sa babaeng ’to, ’di ko magawa. Tinignan ko ng bahagya yung phone ko. It’s 6 am na. Medyo lumiliwanag na.... at wala pa din signal. Napatingin ako sa babaeng nakasandal saakin.

Seryoso, ’di ko alam kung anong pumasok saakin—kung bakit ko ’to ginawa. Ito, kung bakit ko siya hinanap at sobrang nag alala ko. Nakakaga*ong isipin eh... hindi ako ’to, hindi dapat ako ganito.Nagulat ako ng gumalaw siya kaya umiwas ako ng tingin.

“D-Dj? *yawns* natulog ka ba? Hala, yung eyebags mo.” sabe niya pa nung umayos siya ng upo at nagkusot kusot ng mata.

“Well, thanks to you ’di ako nakatulog.” Sabe ko naman.

“Ha? A-anong kasalanan ko? Sabe ko ‘di ba? Dadamayan na kita kaso ikaw ’tong may ayaw. Sungit mo pala pag ‘di nakakatulog ‘no?” sabe niya tapos tumayo at nagpagpag ang pants niya.

“Tss. Pasalamat ka hinanap pa kita, kundi iyak ka na ng iyak. Cry baby ka pa naman.” Ako tapos sumimpleng tawa.

“Nyenye. Nag thank you na ‘ko kagabe ‘di ba? Ano uulitin ko pa ulit? Ode thank you!” tapos umirap siya’t sinukbit ang backpack niya at hinagis saakin yung jacket ko.

“Don’t need your thank you but my jacket? Yes, I need this.” Sabe ko at sinuot yon tapos sinukbit na din backpack ko.

“Yeah, hiya ako sa pride mo. Psh.” Tapos naglakad siya.

“Hephep. Hoy tanga, alam mo ba kung san pupunta? Pag ikaw nawala nanaman? I swear to you, pagtatawanan kita’t ‘di na kita hahanapin.” Pigil kong sigaw sakanya.

Napakamot siya ng ulo.

“A-ah. Aba’t sinong nagsabe sayo na hindi ko alam ang daan? Hmp, natakot lang ako ‘no.” harap niya saakin at nag cross arms.

Tumaas kilay ko. Ngaon, sinong ma-pride? Hah.

Falling for the gangster. (KathNiel fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon