FFTG: Chapter 40

106K 1.4K 100
                                    

Ang gwapo ni bossing at ang ganda ni kumander kagabe. Hihi.
Couple of the night! x 

Dedicated to pandabeaar

ComVo? *u*

===============================

-CHAPTER 40- 

Daniel's POV: 

Over fatigue.

Di ba masyadong over na lagi siyang hinihimatay just because of ‘over fatigue?’

Ganon ba siya kapagod? E, hindi nga siya pinagp-PE ‘di ba? Tapos ’di siya sumali no’ng activity day. Paano siya napapagod? Inaapi ba siya sa bahay nila? Argh! Ang dameng gumugulo sa utak ko at ayoko ng ganito.

I stood up and grabbed my phone pati na rin yung car keys ko saka nagmaneho papunta kela Katsumi. Mga 10 mins din ng nakarating na ‘ko sakanila, *beep beep* busina ko sa tapat ng bahay nila.

Nakita kong sumilip siya sa window at dali daling bumaba. “O, pre, anong meron?” bati niya paglabas niya ng pintuan. “Sakay, may pupuntahan tayo.”

 

“Huh? E, hindi pa ‘ko nanananghalian!” reklamo niya. Sabado kasi ngayon, saktong 12.

“Lilibre kita ng lunch! Tsk. May kailangan tayong alamin, okay?”

Nangamot pa siya ng ulo. Naiinis na ’ko kaya sumigaw na ’ko ng, “Sakay na kasi!” “Ito na nga ‘di ba? H’wag nagagalit!” tapos dali dali siyang sumakay sa shotgun seat at nagmaneho na ‘ko papunta sa pinaka malapit na restaurant.  

“Text Julia, tell her to meet us sa restaurant na ‘to.” Sabe ko saka bumaba ng kotse. Narinig ko rin naman yung pagbaba niya.

 “Ano? Ba’t pati si Julia kasale dito? Teka nga, Daniel, what are you up to, really?” hinigit pa niya ‘ko no’ng papasok na ‘ko ng restaurant para magkaharap kame.

“Look, I have a bad feeling na hindi over fatigue ang sakit ni Kath. And for sure? Alam ng girlfriend mo yung totoo. Kaya text her.”

Nung sinabe ko sakanya ‘yon… nagiba yung reaction niya.

“Katsumi, hoy? Ayos ka lang?” tanong ko.

“A-ahh… ah, oo. Teka, tetext ko na.”

Habang tine-text niya pumasok na ‘ko sa loob saka um-order ng lunch naming dalawa. Umupo siya sa harapan.

Falling for the gangster. (KathNiel fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon